KYLIE POVTakteng buhay to ang hirap habulin ng bola. Halos tumambling na ko kanina para mahabol ang mga bola na papunta sa akin kanina. Bukod sa mabigat ang bola ay mabilis din ang pag dating ng mga ito akin. Di na sila naawa sa akin. Sigurado ako na masakit na naman ang katawan ko pagka gising ko bukas.
"Nice kylie" sabi ni Sam na habang tinatapik ang likod ko
"Di ka na naawa sa akin kanina ambigat ng mga bola mo!?" sagot ko sa kanya habang hinihingal
"Sorry, sabi ni coach ei haha"
"Hayystt tsskk"
"Anyway you did great kanina" sabi niya kaya nginitian ko na lang ito
Napansin ko naman na nakatingin pa din sa akin ang mga taong nanunuod sa gym kaya naman di ko na lang sila pinansin at pinunasan ko na lang ang tagaktak kong pawis. Pero may nahagip ang mata ko na may nakatingin sa akin na lalake. Ung captain ng men's volleyball. If I'm not mistaken Cedrick ang pangalan niya. Siya ung nakatama sa akin ng bola. Noong nakaraan ko lang nalaman dahil nakita ko rin siyang nag papractice sa gym. Hindi na nakakapag taka kung bakit ganon na lang kalakas ang tumama sa mukha ko at dumugo pa
Tinignan ko din si Cedrick dahil nahuli ko siyang nakatingin sa akin pero bigla niya akong inirapan at tumalikod.
"The heck seriously??!"
Bakla ba siya??? Napatakip naman ako sa bibig ko dahil sa naiisip ko Oh my gosh!! Sayang siya ang pagkaka alam ko ay sikat siya sa school dahil matalino siya at magaling siya sa volleyball and handsome. Yes I must admit na may maipagmamayabang naman talaga siya kung mukha lang ang pag uusapan. Magagandang mata matangos na ilong at may mapulang labi mayroon din siyang matipunong katawan at makinis din ang kanyang balat. "As in oh my gosh" bigla ko na lang na nasabi. Sayang ang gandang lalaki niya kung sakaling magiging bakla siya.
Hayst pakialam ko ba kung magiging bakla siya tsskk.
Pagkatapos magpunas ng pawis at uminom ng tubig ay bumalik na ako sa training.
Lumipas pa ang ilang oras ay natapos na ang training namin kaya napag pasyahan ko ng maligo para maka uwi na agad.
Pagkatapos ko ay umalis na rin agad ako sa shower room at naghanda ng umuwi.
Lumipas pa ang isang buwan at naging normal naman ang pagpasok
ko pati na rin sa training.
Nagiging hectic naman na ang schedule ko dahil halos
sabay sabay ang deadline
ng mga projects pati na rin
ang mga quizzes ko kaya naman ang routine ko palagi ay gigising
ng maaga kahit na hapon pa ang klase mag aaral pag katapos naman ng klase ay dederetcho sa training pagkatapos ng training uuwi at gagawin ang ibang assignment kung kaya pa. Kapag weekends naman ay pagkatapos gawin lahat ng assignment at projects ay mag tetraining ulit ako mag isa
Ganon ang naging routine ko sa araw araw. Kaya wala na akong panahon samahan si Cindy sa mga gimik dahil sobrang busy ko.Kinabukasan ay agad na akong naligo at nag ayos. Papasok ako ng maaga ngayon kahit na 1 pa ang klase ko.
Mag aaral na lang ako hanggang mamaya dahil may recit.kami mamaya at may quiz din.
Agad na akong sumakay ng jeep at dumaretso na rin ako ng library para mag aral.
Lumipas ang tanghali at dumaretso na ako ng canteen para kumain dahil feeling ko ay mabubutas na ang stomach ko dahil sa sobrang gutom
Dahil ang pagkakatanda ko ay di ako nakapag hapunan kagabi at hindi rin ako nakapag almusal.
Kumain lang ako ng marami pagka order ko ng food dahil wala naman si Cindy at mag isa lang ako ngayong kumakain habang nakatingin ang ibang tao sa akin.
Ano bang problema nila?? Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng kumakain ng madami?"Tssk di nga kasi ako kumain ng dinner at breakfast diba!!!"yan ang gusto kong isigaw sa kanila para di na nila ako tignan pero hindi ko rin magawa dahil ayoko naman gumawa ng eksena dito para ipahiya ang sarili ko
Lumipas ang 3hrs kong klase at natapos na din ang klase namin. Ang sakit na ng pwet ko kaka upo feeling ko ay nanigas na ito idagdag mo pa na din ang mga nakalagay na salompas sa katawan ko dahil sa sobramg sakit ng buong katawan ko sa training mayroon din akong mga pasa sa binti dahil din sa training buti na nga lang at mahaba ang palda ng uniform namin at hindi ito nakikita kapag pumapasok ako sa klase dahil baka mapagkamalan pa akong inaabuso ng kung sino ng dahil sa mga pasa ko sa katawan. Nag inat naman muna ako ng katawan. Kahit na medyo masakit ang balakang ko ay ginalaw galaw ko pa din.
Tumungo naman agad ako sa gym at nakasalubong ko na naman si Cedrick na biglang nagsalubong ang kilay ng makita ako
Problema ba non? Laging galit kapag nakikita ako tsskkk insecure siguro si bakla. Natawa na lang ako sa iniisip ko.
Agad naman na akong nagbihis para mag training na dahil halos kompleto naman na kami.
Inikot na namin ng isang beses ang gym para na rin sa warm up. Nagsimula ang training namin at sa nakikita ko ay nahihirapan ang iba at si coach naman ay sigaw ng sigaw na para bang puputok na ang batok sa galit dahil mali mali ang ginagawa ng ibang player
Natapos ang training namin at sinabi ni coach na bago umalis ay mag memeeting muna kami bago umuwi kaya naman naligo muna kaming lahat sa shower room bago mag simula ang meeting
"Malapit na ang simula ng season next nex week na bale may 1 week na lang tayong training at magsisimula na ang season bale di pa naman laban ang magaganap sa nex next week dahil tune up pa lang naman ang mang- yayari"mahabang litanya ni coach at kung ano ano pa ang sinabi niya tungkol sa kung saan
Pagkatapos ko ay umalis na rin agad ako para umuwi. Pero bigla na lang akong kina usap ni coach at nakiusap na isabay ko sa training ko ang libero ng team.
"Bakit po ako ang kaylangang magturo sa batang un?"tanong ko kay coach dahil nagtataka ako kung bakit ako
"Alam ko ang ugali mo Kylie alam ko na mapapasunod mo ung batang un may pagka matigas kasi ang ulo non"mahabang sagot ni coach
"Pero coach bakit di mo na lang pag sabihan? I mean susunod naman siguro un sayo"
"Magaling ang batang un hindi pa nga lang naiilalabas ang galing kaya sana matulungan mo akong mailabas ang husay ng batang un dahil sa ilang buwan na pag tetraining ay kaonti lang an improve nito alam ko na hindi niya pa kayang sabayan ang mga libero ng ibang team"
Takteng yan di ko nga minsan mailabas ung poop ko ei mapalabas pa kaya ang husay nya???
"Pero 1week na lang po at magsisimula na ang tune up, kakayanin niya kaya un?"tanong ko
"May tiwala ako sayo Kylie"atsaka siya ngumiti.
Yan tayo sa tiwala ei nakakainis nasa tao kase yan kung gusto niya talagang mag improve tssk. Tsaka bakit siya sa akin magtitiwala ako ba ang may kaylangan i improve hayyssttt
"Sige coach susubukan ko" sagot ko na lang para maka uwi na ako dahil pagod na pagod na ako ngayong araw
"Salamat Kylie, kakausapin ko na lang siya bukas para masabi ko sa kanya ang napag usapan natin"sabi ni coach at tinapik ang balikat ko at umalis na din
Hayyssstt madadagdagan
na naman ang gagawin ko tsskkAgad naman na akong umuwi pagkatapos ng pag uusap namin ni coach
Pagka uwi ko ay tumungo agad ako sa kwarto ko at natulog na agad dahil hindi ko na kayang tumayo pa at mag bihis pantulog.
:)
BINABASA MO ANG
Love at First Hit (ON GOING)
Teen Fiction"Sorry Kylie hindi ko sinasadya un" "Cedrick naman alam mo na iilan lang ung pinagkakatiwalaan ko at isa ka don pero anong ginawa mo?SINIRA MO LANG!!" "Sorry talaga please forgive me I love you" "No Cedrick!! Hindi mo ako sasaktan ng ganito kung mah...