Kylie POVNAKALIPAS ang tatlong linggo pero hindi pa din ako nakakapag desisyon kung maglalaro pa ba ako ng volleyball this year.
Iniisip ko din na baka maging sagabal lang ito sa pag aaral ko lalo na ngayon at graduating student ako at hinahabol ko din ngayong taon na maging Summa Cum laude pero kung hindi papalarin ei maging Magna Cum laude na lang.
At dahil September na ngayon malapit na mag simula ang training ng volleyball kaya kaylangan ko ng mag desisyon. Dahil sa October na magsisimula na ang training ng lahat. Ewan ko na lang sa ibang sports kung nagsimula na ba sila.
Kasalukuyan akong nasa bahay dahil araw ng linggo ngayon at wala namang pasok at wala rin akong pupuntahan. Tatambay lang ako ngayon buong maghapon sa bahay.
Bigla namang nag vibrate ang phone ko.
Bzzzzzttt.....bzzztttt...bzzzttt
Agad ko namang hinanap ang phone ko para sagutin ang tawag pero di ko naman mahanap. San na naman kaya nagsususuot ung phone ko
Letcheeee asan ba ung phone ko kainis naman ei
Ayuuunnn nasa upuan lang pala tsskkk antanga ng phone kung saan saan pumupunta. Agad ko namang sinagot ang tawag.
"Oh cindy bat napatawag ka ??"
"Antagal mo namang sagutin "
ayan na naman po si Cindy kung makapag reklamo ay para namang jowa nya ako jusmehhh
"Sorry naman hinanap ko pa phone ko "
"Tsskk ung proposal ko sayo na sumali sa chess. Anong desisyon mo??"
"Cindy naman sabi ko naman sayo diba hindi ako magaling maglaro ng chess "
"Sige sige di na kita pipilitin pero pag nagbago desisyon mo tawagan mo lang ako ok?"
"Sige sige bye "
Di ko yata nasabi na nasa Chess team si cindy at masasabi kong magaling talaga sya pero hindi sa pagmamayabang hindi nya pa ako natatalo hahahaha. Kaya nga pinipilit nya ako na sumali dahil alam nya daw na magaling ako tssskk. Pero ewan ko ba hindi ko talaga gusto na sumali sa kahit na anong contest ng ng chess dahil panigurado ay sasakit lang ang ulo ko kapag sumali ako buong araw ba naman na maglalaro ei baka sumabog na ulo ko non.
Magaling naman talaga ang Chess team ng school dahil magkakasunod na limang taon na sila ang Defending champion sa buong Laguna. Kaya naman every year may pa tarpulin ang lahat ng mga nananalo sa chess at sa iba pang sports. Syempre kasali sa nasa tarpulin ang babaeng si Cindy kaya nakakasawa pagmumukha non ei
Habang nakahiga naman ako at nag iintay na antukin ay narinig ko naman ang ingay sa baba. Malamang ay dumating na ang mga unggoy kong kuya. Kaya naman agad akong bumaba para mangasar sa kanila. Pero nandito din ang mga kaibigan ng nila na parang mga kuya ko na din.
"Oh andyan ka pala bunso" tanong ni kuya Venedict
"Kakagising mo lang ??" tanong naman ni kuya Vincent
"Di kanina pa, san kayo galing?"
"Dyan lang naglaro ng basketball" sagot naman ni kuya vincent
"Ahh ok"
Pumunta naman ako sa sala at nakipag kwentuhan sa mga kaibigan ng kuya. Sa totoo lang mas gusto ko pa tong mga kaibigan nila kuya ei mababait kesa sa dalawang ugok na un
Matapos ko naman makipag kwentuhan ay nagpaalam na ako at umakyat na sa kwarto ko dahil nakakahiya naman na maki epal ako sa bonding nilang mag kakaibigan.
Pupunta na lang ako ng mall para mag libot libot. Bumaba naman ako para mag paalam at syempre manghingi ng pera hahah
"Kuya Vincent aalis pala ako ngayon "
"San punta??" tanong naman ni kuya Venidict
"Sa mall lang may bibilhin"
"Sige " sagot nilang dalawa
Di ko pa pala nasabi dalawa ang kuya ko si kuya Vincent at Venidict. Yes kambal sila pero di sila magkamukha mag kahawig lang.
Anyway naligo na lang ako at nagbihis ng pants at white T-shirt dahil dyan lang naman ang punta ko at syempre sapatos di naman pwedeng mag paa ako diba
"Kuya alis na ko"
"Sige mag ingat "
"Sige po"
Pagkadating ko naman sa mall ay dumiretso na lang ako boutique para bumili ng kung ano ano.
Natapos akong mag shopping ng 4:30 30 mins. din ang inilagi ko at dalawa lang ang nabili ko isang sapatos at T-shirt. Isang damakmak na tshirt na ang meron ako sa bahay at may nadagdag na naman hayyssttt
At dahil wala naman na akong gagawin don ay naisipan ko na lang na dumeretso sa isang Park na malapit lang din sa Mall para mag relax at makapag isip isip na din.
Pag ka dating ko ay kaunti na lang ang tao dun dahil hapon na rin naman kase halos mga kabataan na mga mag kasintahan na lang ang naroon. Ewan ko ba sumasakit ang mga mata ko kapag may nakikitang mag jowa at nag lalampungan sa public place like duhhh seriously ? Hindi naman sa bitter ako at ayaw ko silang makita pero sana naman wag silang PDA. Naaalibadbaran ako sa mga mukha nila
Naupo na lang ako sa isang bench at pumikit. Saglit umihip ang hangin at nakakagaan ito ng pakiramdam dahil napakasarap ng simoy ng hangin.
Agad naman akong dumilat at baka mapagkamalan akong natutulog dito.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakita ko ang isang lalaki na naglalaro ng chess mag isa pero parang may mga kasama naman sya kaso mga telepono naman ang hawak. Kaya naman naisipan ko na lumapit at makipag laro sa kanya.
TBC:)
BINABASA MO ANG
Love at First Hit (ON GOING)
Teen Fiction"Sorry Kylie hindi ko sinasadya un" "Cedrick naman alam mo na iilan lang ung pinagkakatiwalaan ko at isa ka don pero anong ginawa mo?SINIRA MO LANG!!" "Sorry talaga please forgive me I love you" "No Cedrick!! Hindi mo ako sasaktan ng ganito kung mah...