CHAPTER 7.

7 1 0
                                    


KYLIE POV

MAAGA akong nagising dahil monday na at balak ko sanang mag practice ngayong umaga. Ewan ko ba na e-excite lang siguro ulit ako makapalo ng bola hahaha

Agad ko ng tinungo ang school para pumunta ng gym. Dahil maaga pa at bibihira lang na may mag practice ng ganito kaaga ay inasahan ko na ako lang ang tao sa gym.

Dinala ko na lang din ang uniform ko sa school dahil ayoko naman na mapawisan ito kapag isinuot ko kaagad. Yes may uniform kami kahit college na well mas ok un kaysa naman naka civillian lang kami at may mga mukhang pokpok sa school

Pag kadating ko sa gym ay tama naman at wala pa talagang tao dito ngayon kaya agad ko naman ng inayos ang mga equipment na gagamitin ko. Wala naman sigurong multong makikipaglaro sa akin dito diba?

Pagkatapos kung ihanda ko na lang kaagad ang sarili ko at nagsimulang mag warm up.

Halos sampong minuto rin akong nag warm up dahil ayaw ko naman na sumakit na naman ang buong katawan ko kapag binigla ko ang katawan ko. Dati kasi ay naglaro ako ng walang warm up kaya dalawang araw akong parang tanga na di makapag lakad ng maayos dahil sa sobrang sakit ng buong katawan ko.

Agad naman na akong nagsimulang mag training. Palo rito ng bola palo doon. Nahirapan ako mag practice ng mag isa dahil sa totoo lang ay mas mainam ang may kasama.
Pero parang nanlumo ako dahil alam ko na parang may mali. Hindi ko alam pero parang hindi na ako to ung magaling maglaro. Paramg may kulang. Kaylangan kong mag improve.

CEDRICK POV

Sa totoo lang ay nabahala ako sa sinabi ni coach sa akin noong nakaraang araw dahil alam ko naman na each team ngayon ay sigurado nag improve talaga. Dahil balita ko ay sa ibat ibang mga bansa nag training ang mga kalaban namin noong summer kaya naman sigurado ako na nag improve talaga ang mga ito. Habang kami naman ng team ay andio lang sa Pilipinas nag training dahil may mga kaylangan pa silang tapusin na mga gawain kahit na summer.

Hindi naman sa wala akong tiwala sa team ko pero bilang captain nila ay gusto kung siguraduhin na matatapos ulit ang season na ito na wala kaming talona kahit isa.

Kaya naman napag desisyonan ko na lang na mag practice ngayong umaga dahil mamayang 10 pa naman ang pasok ko. Alam ko na wala pang tao sa gym ng ganitong oras dahil sobrang  aga pa.

Matapos kong mag palit ng damit, shorts at sapatos ay agad ko namang tinungo ang gym para simulan na ang training. Ngunit may naririning akong ingay galing sa loob. Kaya naman agad ko naman iting tinakbo para malamang kung sino ang tao roon.

Pagkapasok ko sa loob ay may babaeng naglalaro doon mag isa.

"Hindi naman singuro multo iyon hindi ba?"tanong ko sa sarili

"Good morning"bati ko sa kanya pero ramdam ko parin ang takot dahil sa mahaba nitong buhok at nakaktakot talaga ito.

Pero nung lumingon sya

Nagulat ako dahil si Kylie pala ang nag papractice. Agad namang nagsalubong ang kilay nya ng makita ako. Siguro ay galit parin sya sa akin ng dahil sa nangyari noong nakaraan.

"Good morning" bati ko ulit sa kanya

Hindi naman niya ako sinagot at nagpatuloy lang sa pagpalo ng bola.

"Maglalaro ka na pala ulit?"tanong ko sa kanya

Palakas ng palakas ang palo nya sa bola at halatang gigil na gigil ito hindi na nakakapagtaka kung bakit gustong gusto ni coach Aga na bumalik sya sa team. Baon na baon ang bola sa bawat pag palo niya. Na kapag tinamaan ka ay sigurado akong matutumba ka na lang. Ewan ko ba pero parang may galit yata sya sa bola at parang may balak syang sirain.

Nagsimula na lang akong mag warm up ng hindi nya parin ako pinapansin. Matapos kong mag warm up ay agad naman na akong nagsimulang mag practice.

Lumipas na ang ilang mga oras at hindi naman kami nagkibuan ni kylie. Siguro nga ay galit parin talaga sya sa akin.

Alas syete na at naisipan ko naman ng tapusin ang practice ko ngayong umaga dahil may gagawin pa akong mga paper works.

Inayos ko naman na ang mga ginamit ko at aalis na sana pero naalala ko naman si Kylie. Napalingon  naman ako sa kanya na patuloy parin sa pagpalo ng bola.

"Hey" sigaw ko sa kanya

At sa unang beses ay nilingon nya ako. Pero tinitigan lang

"Sorry nga pala noong nakaraan"

Tinitigan nya naman ako at tska inirapan

Agad naman na akong tumalikod at umalis. Alam ko naman din kase na kasalanan ko kaya gusto ko rin talaga mag sorry sa kanya. At tsaka madalas na kami mag kikita sa training dahil halos mag kalapit lang ang court namin.

THIRD PERSON POV

Ilang minuto pa ang nakalipas ng umalis si Cedrick ay bigla na lang napa upo si Kylie ramdam nito ang hirap sa pagpalo ng bola. May kung ano syang nararamdaman na kulang sa kanya. Ramdam nyang hindi na katulad ng dati ang pagpalo niya ng bola. Parang may mali.

Ang saya at excitement na naramdaman nya ay napalitan ng takot.

Nang makaramdam ng pagod ay bigla na lang itong napahiga at may pagkadismayang naramdaman.

Matapos maligo at mag ayos ay dumaretso na ito sa kanyang klase.

Lumipas pa nga ang mga oras ay tulala lang si Kylie at mukhang nababahala hanggang sa lapitan sya ng kaibigan niyang si Cindy.

"Hey kamusta?" Cindy

Hindi naman sumagot si Kylie at patuloy lang sa pagkain nito.

"May problema ba?"tanong naman ni cindy

"Wala naman"

Natapos nga ang klase ni Kylie at nagmamadali na rin siya pumunta sa gym dahil late na sya sa training.

TBC;)

Love at First Hit (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon