CHAPTER 5 .

16 1 0
                                    


KYLIE POV

MAY biglang tumama na bola sa mukha ko. Kung minamalas ka nga naman at sa may ilong ko pa tumama

Anak naman ng uranggutan oh!!!Ahhhhh!!!! Ansakit non!!!!!!!

Feeling ko ay bigla na lang akong matutumba at mawawalan ng ulirat sa sobrang lakas ng pagpalo ng bola

Bigla namang may lumapit sa akin

"Ate sorry po di naman namin sinasadya" sabi ng babae

"Bakit ka magsosorry kasalanan nya naman" sagot ng kasama nya

Kahit na nahihilo ako ay tinignan ko ng masama ang lalaki na nagsasalita. Ampogi naman ng gagong to. Nabigla naman ito sa pagtingin ko sa kanya. Tama dapat lang makuha ka sa tingin Wait parang kilala ko to di ko lang alam kung saan ko sya nakita.

"Seriously huh??" sagot ko naman

"Sino naman kase ang nagsabi sayo na dyan ka matulog ? Alam mo naman na field to bat dito ka matutulog?"

"Uy tama na ced!!ate sorry talaga"

Umalis naman sila agad

(Takteng yan ang malas!!!!!!bwisit ka!!!)

Naramdaman ko naman na may kung anong likido ang tumulo sa ilong ko 

Kung minamalas ka nga naman may dugong tumutulo sa ilong ko ngayon.

Letcheeeee!!!!!!

Sigaw ko at nag tinginan naman ang mga tao roon sa akin. Tumayo na lang ako at hinanap ang panyo ko sa bag para punasan ung dugo sa ilong ko. Bwiset na lalaki un pag ako talaga nawalang ng dugo tangina nya nako talaga

Solid ung pag kakatama sa akin anlakas punyetang yan .

Habang pauwi naman ako ay ramdam ko parin ang sakit ng ilong ko pero baka ito na ang sign na hinihingi ko. Pero bat naman ganon kaylangan sa ilong talaga tatama

Pero di pa rin maaalis ang inis ko sa lalaking iyon. Bwiset sya

Bwiset ung lalaking un madapa sana sya!!! Tas dumugo din yung ilong nya

CEDRICK POV

Habang naglalakad na ako papuntang gym para sa practice ay hindi parin maalis sa isip ko kung gaano kasama ang tingin ni kylie sa akin kanina. Sino ba naman ang hindi matatakot diba napakatalim ng tingen nya sa akin

Ang akala ko kanina ay nararamdaman nya na may papunta sa kanyang bola at iiwasan nya ito pero nag kamali ako at natamaan sya sat sa mukha pa talaga.

Noong lumingon naman ako ay nakita ko na biglang na lang dumugo ang ilong nya. Nakonsensya naman ako dahil ako ang pumalo sa bola ng malakas at di ko naman talaga  sinasadya yun. Pupuntahan ko na sana sya para bigyan ng panyo pero may hinahanap sya sa bag nyang panyo yata kaya naman hindi na ko nag atubili na ibigay ang panyo ko.
Puro kamalasan talaga ung dala ng babaeng yun pag nagkikita kami ei

Kasalukuyan akong naglalakad papunta ng gym para sa practice pero

Bigla na lang akong nadapa

"F*ck katangahan cedrick"bulyaw ko sa sarili ko

Agad naman akong tumayo at baka may bigla pang makakita sa akin nakakahiya!!antanga tanga kase iniisip pa ang babaeng un

Bwiset na buhay to kinakarma agad ako

"Anong katangahan na naman to cedrick " bulyaw ko ulit sa sarili kong muntik na naman akong matumba

Pagkapasok ko naman ay nagsisimula ng mag practice ang mga ibang ka team mate ko sa volleyball. Pagkapsok ko naman ay agad naman akong tinawag ni coach

"Agoncillo malapit ng magsimula ang laban"

"Oo nga coach hehe"

"Sa palagay mo ready na ba ang team natin??"

"Sa tingin ko naman po coach ready na "

"Bakit parang hindi ka pa sigurodo?"

"Ang masisiguro ko lang po ay mananalo tayo ngayon coach"

"Aasahan ko yan agoncillo"

"Oo naman coach di naman tayo magiging defending champion kung hindi tayo magaling"

"Oo magaling kayo kung sa magaling pero alam nyo naman na lahat ng team ay nag iimprove hindi ba ?"

"Oo naman coach katulad ng last season matatapos ung season ng wala tayong talo kahit ni isa"

Tumakabo na ako at hindi ko na hinintay ang sagot ni coach. Nagsimula na akong mag warm up para mag practice.

KYLIE POV

Kinaumagahan ay nag handa na akong pumasok sa school. Alam ko na ang magiging desisyon ko at mamayang uwian ko na lang kakausapin si coach.

Sana maging tama ang magiging desisyon ko

Kinuha ko naman ang litrato ni mama at tinignan ito

Ma ikaw na ang bahala sa akin ei guide mo sana ako

Lumipas ang mga oras at natapos na ang klase ko at pupuntahan ko na si coach

Pagka pasok ko sa office nya ay wala sya doon kaya naman sigurado akong nasa gym na ito para bantayan ang nagpaparactice.

Di naman ako nabigo at nakita ko sya roon at naka upo sinusubaybayan nya lang ang mga naglalaro at biglang sisigaw kung may nakitang mali. Well ganon si coach ayaw nya ng may maling makita haha at ung mga training nya ngayon medyo madali pa pang 

Kaya naman lumapit naman ako sa kanya. Napatingin naman ang players sa akin siguro ay nagulat kung bakit ako nanduon. Pero hindi ko na lang sila pinasin at kinausap na lang si coach.

"Coach"

"Oh kylie nakapag desisyon ka na ba??"

"Opo "

" So ano ang desisyon mo?"

"Maglalaro po ako this season"

Napangiti naman si coach

"Thank you kylie maasahan talaga kita"

Habang nag uusap naman kami ay panay ang sulyap ng players sa amin gusto rin siguro malaman kung ano ang pinag uusapan namin. May iilan akong mga kilala dahil naging ka team mate ko na sila nuong nakaraan pero mas marami akong bagong mga mukhang nakikita dahil ang iba ko ring kilala ay graduate na.

Sinabi na rin naman ni coach kung kaylan mag sisimula ang practice at next week na ito dahil malapit na rin naman magsimula ang season at ang ginagawa nila ngayon ay pahapyaw palang ng practice. Sa oras ng klase at practice ko ay wala namang problema 8 naman ng umaga ang pasok ko at uwian ay palaging 3 naman palagi. Habang ang practice naman ay 6 ng umaga at sa hapon 4 hanggang 8:30 ng gabi. Pero nasa sayo na iyon kung mag papractice ka ng umaga.

Sakripisyo talaga ito kung sasabihin pero ok lang din kakayanin

TBC;)

Love at First Hit (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon