CHAPTER 22.

9 1 0
                                    

KYLIE POV

NASA training na ako ngayon kahit na Saturday ngayon ay kailangan namin magtraining para sa final touch at para na din malaman ang schedule namin.

Naglalaro kami ngayon at kalaban ko sila Sam at Chloe at ang iba pang mga senior. Andaya naman kasama ko ang mga freshmen. Hindi ko naman sa hindi ko gusto pero syempre mas lamang sila Sam sa amin.

Seneyasan ko naman si Angelica na setter namin na e'set sa akin ang  bola.   Hindi pa sa akin ibinibigay ang bola pero nakabantay na kaagad sa akin ang mga blocker sa harapan ko na para bang alam na alam na sa akin ibibigay ang bola.

Ibinigay sa akin ang bola at tumalon naman ako ng mas mataas sa kanila dahil sa pag kaka block nila sa akin ay hindi ko un malulusutan panigurado solid block ang ginawa nila kaya naman tinapik ko lang ang bola para mahulog sa likod nila dahil walang nakabantay dahil parang siguradong sigurado silang babalik sa amin ang bola.

"Ahhhhhh nice at Kylie" si Angelica ung setter namin. Nginitian ko naman sila at tsaka ako tumingin sa kabailang side.

"Sa susunod hindi ka na makakalusot samin" si KC ang isa sa mga blocker kanina

Nginisihan ko lang siya at bumalik na agad sa pwesto. Binigay ulit sa akin ang bola at nakapwesto na din ang tatlong blocker na si KC, Sam at si Jelly sa harapan ko at handang handa ng harangin ang bola na papaluin ko. Pagkatalon ko ay tumalon na din sila para harangin ako pero pinalo ko ang bola sa gitna mismo ng mga braso nilang nakaharang sa harap ko kaya naman lumusot ito sa kanila at naka puntos na naman ako. Pero parang may nakasangi sa tuhod ko.

Napaupo naman ako sa sahig dahil dahil medyo mali ang bagsak ko.

"Yessss!!! Galing mo Ate Kylie!!!"

"Ansakit ng pwet ko haha" iniabot naman nila sa akin ang kamay nila para tulungan akong tumayo tinangap  ko naman kaagad un dahil ansakit talaga ng pwet at balakang ko

"Ate Kylie naman eh wag mo namn seyosohin masyado!!" si Chloe na nakasimangot pa

Nginitian ko naman siya at tinignan ang score 24-21 lamang kami at 2nd set na, nanalo din kami sa 1st set.

Pumwesto na kami pagkatapos namin mag usap usap ng mga kasama ko

"Fight!!!!" sabay sabay naming sigaw at tsaka pumunta sa kanya kanyang pwesto. Hawak ko na ang bola dahil ako na ang mag se'serve. Pinatalbog  ko muna ang bola ng ilang beses at tsaka hinagis sa ere at tsaka ako tumalon para paluin ang to. Na over receive ang bola pagpunta sa kanila kaya nagka chance ball. Sinet ni Angelica ang bola sa akin kaya pumunta ako sa gilid at tsaka pinalo ng sobrang lakas ang bola pero kaya hindi na receive ng libero nila ng maayos kaya naging out.

"Ahhhhhh!!!!" napasigaw ako at napahawak sa paa ko sa sobrang sakit ng paa ko na sprain yata kainis!!!!!

Tumakbo naman sa akin si Sam dahil sya ang nakatabig sa binti ko kanina lang kaya medyo pangit ung pagkakabagsak ng paa ko sa sahig. At ang iba naman ay parang nakatulala lang hindi malaman kung ano ang magiging reaction

"Oh my gosh Kylie Im sorry" si Sam at parang naiiyak na

"Ok lang" sinubukan kong tumayo para di na siya mag alala pero bigla ulit akong natumba at lalong sumakit ang paa ko SHOCKSSSSS ang sakit!!!!

Pumunta na ang lahat sa amin kahit ang ibang boys tapos na ang training at nanunuod na lang

Feeling ko ay namanhid ang  lung's ko at hindi ako makahinga ng maayos. Tiniis ko ang sakit para di sila masyadong mag alala.

"Anong nangyari!!!!" narinig ko ang boses ni coach na galit na galit. Patay malilintikan kami neto.

"Na sprain po si Kylie" si Sam at nakayuko na lang

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko ei!!! Sige dalin nyo na yan sa clinic!!" si coach at makikita mo talaga na galit siya. Sino ba naman ang hindi, na injured lang naman isa sa mga player niya at next week na ang laban hahaha.

Nakapikit lang ako dahil ayoko makita nila nasasaktan ako. Binuhat ako ng kung sino sigurado ako na lalaki to kase malalaki ang braso isa siguro sa men's team

Hinyaan ko lang na buhatin ako dahil hindi ko talaga kaya ang maglakad. Ayoko naman na mag inarte baka mamaya ay ihulog ako neto at lalo akong mapasama.

CEDRICK POV

Nasa training na kami ngayon kahit na saturday dahil sa monday na ang tune up at kailangan namin mag meeting at mag training for the last time at ngayon din kase malalaman ang mga schedule ng tune up.

Kakatapos lang din namin ng training namin at nagpapahinga na at nanunuod na lang sa nagpa'practice ngayon. Sila Kylie ang naglalaro ngayon kalaban nila sila Sam at puro mga Senior na ang kasama nila habang ang kasama lang na senior ni Kylie ay si Angelica na main setter nila. Nanalo sila Kylie ng 1st set at nasa set 2 na sila.

"Ang galing ni Kylie no?" si Dave at nakatingin lang sa court

"Oo matalino siya sa paghahanap ng butas ng kalaban haha " at tumingin naman ako sa kanya

"Oo nga ei kita mo naman sa mukha ni Sam na  gigil na gigil  kase di makaporma hahahah" nagtawanan kami ni Dave dahil sa sinabi niya ang epic din naman kase ni Sam

"Uy gago ansama ng bagsak ni Kylie masakit un pre tara puntahan naten" si Sebastian

Sabay kami napatingin ni Dave dahil sa sinabi ni Seb. Pinapalibutan na siya ng mga kasamahan niya at ibang kasamahan namin. Pumunta na din kami doon para tignan ung lagay niya

Shitttt yan kase pasaway!!!

Nakalapit kami sa kanya at nakapikit lang siya at sigurado ako na pinipigilan niya lang ang sakit para di mag alala ung mga kasama niya. Di ko naman maiwasan ang di mag aalala dahil sa kalagayan niya dahil sa mukha niya sigurado ako na masakit talaga ang pagkakabagsak niya

"Dalin nyo na sa Clinic yan!!!!" si coach. Lagot na malilintikan talaga tong mga to dahil kanina pa sila pinapatigil pero tinapos pa nila ang laro.

Di na ko nag alinlangan pa at binuhat si Kylie para dalin sa  clinic. Nakapikit parin siya at nakakapit lang sa leeg at braso ko

Shitttt ano ba tong nararamdamn ko!!!! Hindi to yung tamang oras para kiligin ako!!!!!

Binuhat ko lang siya hanggang clinic at inihiga sa bed para makapagpahinga siya

"Anong nangyari sa kanya?!" si nurse Oh na madalas na nag bibigay ng treatment sa amin kapag may injury

"Na sprain po eh namali po yata ang pagkakabagsak ng paa niya" sagot ko dahil nakapikit pa din si Kylie

Tinignan ko naman si Kylie at nanlalaki na ang mata ng makita ako

"Ikaw nagdala sa akin dito??!"

TBC;)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love at First Hit (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon