CHAPTER 2.

35 1 0
                                    

KYLIE POV

PATAKBO akong pumunta sa sports dempartment para komprontahin si Sir dahil alam ko na siya ang nag papublish sa lintik na news paper na un.

Huminga muna ako ng malalim bago ko sya masakal este makausap

Sir??!

"Ohh ? Kylie Castillo how can I help you?" Sir Aga

"Nabasa ko na po ung sa news paper, bat di nyo naman po ako sinabihan tungkol don ??!"

"Ang pagkakatanda ko ay pumayag ka noon"sagot naman nito

"But sir! It was 2 years ago!"

Siraulo pala tong si Sir ei jusmehh 2 yrs na un duhhh

"Inaanak di na ba talaga magbabago ung desisyon mo?" tanong nya

Inaanak amp hahah parang baliw tong si ninong nagpapaawa pa nga. Sarap sabunutan kaso onti na lang buhok ei kawawa naman

Malamang pa sa alamang ay kakonchaba na naman neto ung magaling kong ama

"Sorry po hindi na po talaga" kunwari mabait ako onti tskkk

"Basta you can approach me if mag bago ung desisyon mo"

"Tssskkk"

Lumabas na ako at naglakad na patungo ng classroom

Nadaanan ko naman ang field kaya naman naupo at nahiga muna ako sa damuhan

Pumikit muna ako para makapag isip isip.

"Ahhhhhhhhh!!!!!!" sigaw ko dahil di ko na kaya na manahimik na lang

Napatingin naman ung mga naglalaro saken

Tssskkkk -_-

Pumikit naman ulit ako

Napa isip naman ako kung buhay pa kaya si mama tutuloy pa kaya ako sa paglalaro? I mean kasalanan ko un kung bakit sya nawala.

"Hayyssstttt"

"Ma I miss you so much " bigla ko na lang na sambit

Naramdaman ko naman ang pagtulo ng luha ko ayan na naman yang luha na yan ei bwiset

Shiitttt!!!!

Ito na naman ako ei tapos na ako sa ganyan ei kaya agad ko naman pinunasan ang luha ko.

Sa bandang huli ay napag desisyonan ko na lang na pumasok na sa susunod na subject ko.

CEDRICK POV

Cedrickkk!!!!!!!

Dumagundong naman ang boses ni ng dragon ese ni coach pala

Hayyyssstttt!!!

"Wag kang tatamad tamad Agoncillo!!!!"sigaw ni coach

"Sorry coach!!

Nagpa practice kami ngayon dito sa gym. Ewan ko ba pagod na pagod ako ngayong araw. Dami ko ba naman na paper works ay iniisip ko pa lang ay napapagod na ako sumabay pa itong training namin.

Natapos ang practice namin. Napagod ako sa kakapalo ng bola habol dito habol doon. Nakakapagod. Dumeretso naman na ako sa cr para maligo.

Naririnig ko naman ang usapan ng mga ka team ko. Kelalaking tao ang hihilig makipag chismisan hayystt

"Nabasa mo na ba ung nasa news paper pre?"

"Oo kahit di na sabihin kung sino ang tinutukoy sa kwento alam naman agad kung sino ang tinutuloy doon"

"Oo nga ei alam naman na si Kylie ang tinutukoy don hahaha"

"Pero sana bumalik na sya sa paglalaro ng volleyball"

Tsssskk..

Yan na lang ang naging reaksyon ko tungkol sa narinig ko

Madalas ko syang nakikita sa practice at sa mga laro dati nung first year high school ako hanggang sa nag college. Pero hindi ni minsan kami nag usap kahit na magkaharap kami. Pilit ko siyang iniiwasan ng di ko alam ang dahilan.

KYLIE POV

Habang naglalakad na ako pauwi ay pinag iisipan ko pa din ang tungkol sa paglalaro ng volleyball. Di ko naman maikakaila na namimiss ko na talaga ang pag lalaro ng volleyball.

"Hayysssttt" pagbuntong hinginga ko na lang

Di ko mapigilan ang malungkot kapag naaalala ko ang volleyball. Masasabi ko na kaligayahan ko ang pag lalaro nito pero ito din ang naging sanhi ng pagkalungkot ko.

Mama ano po ang gagawin ko??? Mama sumagot ka naman!!!para akong tabga dito oh !!

Blaaagggg!!!!

Ay tarantading pusa!!!!nagulat na  ako dahil bigla na lang may kimalabog sa likuran ko. Depungal naman hindi naman pala pusa aso pala ang gago.

Nakauwi na ko ng bahay pero un pa din ang nasa isip ko. Agad naman akong pumunta sa kwarto para mag pahinga na dahil nakakapagod talaga ang araw na ito. Kahit wala naman ako masyadong ginawa

*KINABUKASAN*

Maaga akong nagising dahil maaga naman akong natulog kagabi. Hindi na nga rin ako nakakain ng hapunan. Bumangon naman ako para maligo at maghanda na sa pagpasok.

Habang napadaan ako sa salamin ay nakita ko naman ang katawan ko. Bigla na lang akong natawa dahil pumayat na talaga ako para akong tingting na kapag inihampas ay pwede ng mabali hahahah

Makakapaglaro pa kaya ako ng volleyball neto?? hahahah

Dati kase ay hindi naman ako ganito ka payat may pag ka chubby ako ng kaonti dati at ngayon mukha na ako walis tingting. Pero cute at maganda parin hahaha char

Agad naman na akong naligo at nagbihis. Di ako ngayon nagmamadali kase maaga naman akong nagising kaya ok lang maging mabagal ang pag kilos.

Pagkababa ko naman ay nasa mesa na si daddy at nagbabasa ng dyaryo nya.

"Good morning" bati ko kanya

"Good moring din di ka daw kumain kagabi ?" sagot naman ni papa

"Nakatulog na po ako ei "

"Kaya ka nangangayayat ei tignan mo nga yang katawan mo para ka ng estik"

"Nung numipis ba ung buhok mo nagreklamo ako???" Sabi ko na lang sa isip ko

"Tssskkk"

Ewan ko ba kung magulang ko ba si daddy ei kung makapag husga naman ei parang di ako anak ei -_-

Umupo naman ako at nagsimula ng kumain.Habnang kumakain ay napansin ko na parang may gustong sabihin sa akin si papa dahil panay ang sulyap nito sa akin.

"May gusto kayong sabihin pa??

"Tumawag sa akin ang ninong mo sinabi nya ang tungkol sa volleyball"

"Tapos??"

"Wala ka na ba talagang balak maglaro anak??"

Sabi ko na nga ba ei tungkol na naman to sa volleyball na yan ei

"Di ko po alam Dad pag iisipan ko po muna siguro"

"Sige sabihan mo ako kung ano ang magiging desisyon mo ok??"

"Sige po dad, alis na din po ako"

"Sige mag iingat ha!!

"Sige po iloveyou po alis na ko"

Sige sige iloveyou too"

Kahit naman na wala na si mama swerte naman ako sa Daddy ko dahil alam ko na mahal na mahal nya kami ng mga kuya at un na rin ang pinagpapasalamat ko.Lumabas naman na ako sa bahay at naglakad papuntang terminal para nag intay ng jeep.

TBC:)

Love at First Hit (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon