KYLIE POV
MERON akong naririnig na mga tawanan sa baba kaya naman bumaba na agad ako at baka kanina pa nag aantay si Cindy sa akin
"Ohh anak andyan ka na pala!"si Papa at malapad na nakangiti
"Asan po si Cindy?" hanap ko kay Cindy dahil hindi ko sya makita
Pero may lalaki na nakatalikod sa akin. Siya yata ung kasama ni Cindy?
"Nauna na siya kanina pa" si kuya Vincent na sumisimsim pa ng kape
"What!!??"
Humarap naman yung lalaking nakatalikod
"What the!! anong ginagawa mo dito?" nakakunot na tanong ko kay Cedrick dahil siya pala ang lalaking nakatalikod kanina at kausap pa nila Papa at kuya
Nakatunganga lang siya na nakatingin sa akin at hindi pa rin nagsasalita
Ano ba to parang tanga naman!!!
"Hey!!anong ginagawa mo dito?" tanong ko pa ulit dahil hindi parin siya sumasagot sa tanong ko
"A-ano kase p-pinapunta ako dito ni Cindy tama yun nga!!"medyo nauutal niya pang sagot
"Kanina pa umalis si Cindy sinundo siya ng date niya"si kuya Venidict
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya
"You mean iniwan ako ni Cindy?!!"
"Let's go malalate na tayo"biglang singit ni Cedrick sa usapan namin
"Nice meeting you po Sir" si Cedrick at kinamayan pa si Papa at ang mga kuya ko
What the fudge!!!!
"Nice meeting you too Cedrick" at nakangiti pa si Papa habang tinititigan kaming dalawa
"Let's go" aya ni Cedrick sa akin at inilahad pa ang kamay sa akin
Tinitigan ko naman ang kamay niya na nasa harapan ko dahil di ko alam kung tatanggapin ko ba iyon o hindi.
Pero ilang segundo ko lang natitigan iyon dahil bigla na lang may humablot ng kamay ko at saka ako hinila ng malumanay palabas ng bahay.
Nakatulala lang akong sumusunod sa kanya habang magkahawak ang isa naming kamay.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman kong ito. Para akong kinakabahan na hindi ko alam.
"Sakay na" si Cedrick na nakatingin lang sa akin habang naka bukas na ang pinto ng sasakyan niya
Hawak hawak niya pa din ang kamay ko habang inaalalayan akong makasakay
Pumasok na din siya at nanatili akong tahimik dahil hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.
Ilang minuto pa ang lumipas at wala parin sa amin'ng dalawa ang nag iimikan. Nakakabingi na ang katahimikan sa loob ng kotse niya at hindi ko na talaga kaya
"Anong pinag usapan niyo ni Papa at ng mga kuya ko"nahihiya kong tanong
Tumingin naman siya akin at ngumiti at tumingin ulit siya sa harapan.
"What?!" napataas yata ang pagkakasabi ko non dahil na cu'curious na ako
"HAHAHAAHAHA"
"Heyy ano nga kase?!"
"It's none of your business Kylie" si Cedrick habang nakangiti parin habang nagmamaneho
May kung ano naman akong nararamdaman habang tinitignan siyang nakangiti. Kaya naman napangiti na lang din ako.
BINABASA MO ANG
Love at First Hit (ON GOING)
Teen Fiction"Sorry Kylie hindi ko sinasadya un" "Cedrick naman alam mo na iilan lang ung pinagkakatiwalaan ko at isa ka don pero anong ginawa mo?SINIRA MO LANG!!" "Sorry talaga please forgive me I love you" "No Cedrick!! Hindi mo ako sasaktan ng ganito kung mah...