CHAPTER 4.

20 1 0
                                    


LIAM POV

NANDITO ako ngayon sa park para maka pag relax dahil medyo nakakapagod ang araw na ito dahil sa practice namin.

Halos mag iisang oras na kami dito ng mga kaibigan ko at talagang nakaka relax talaga dito dahil ang sarap ng ihip ng hangin at ang ganda din ng mga tanawin maliban na lang sa mga mag jowa na nag lalampungan sa harap namin. Nakaka irita ang pagmumukha nila sa totoo lang

Kaya naman habang nakaupo ay naisipan ko naman na maglaro na lang ng chess kahit na mag isa dahil ang dalawa kong kasama ay hawak naman ang kanya kanyang mga telepono. Pumunta naman ako sa may mesa upang ilatag ang chess mat.

Nakakadalawang round na ako ng paglalaro ng may lumapit na babae.

"Hi pwedeng makipaglaro??"

"Marunong ka ba ??"

"Medyo lang "

Agad naman siyang umupo sa bakanteng upuan sa harapan ko kahit na hindi pa ako pumapayag inayos nya na din ang chess piece. Ang kapal naman ng babaeng to di pa nga ako pumapayag ei

Well ok lang madadagdagan na naman ang mga matatalo ko hahah

Agad naman kaming nagsimula. Nakalipas ang ilang minuto at natalo ko sya hahah dahil sa mga galaw nito ay mababasa mo na agad ang mga susunod na galaw nya.

"That was the Siberian Chess Trap, right? tanong nya

Nagulat naman ako sa tanong nya

"Your not a normal player"

"My mother taught me" sagot nya naman

Sa totoo lang bibihira sa mga naglalaro na mag researvh at alamin ang tawag sa mga trap at moves kaya kapag alam mo un ei isa ka sa mga totoong gusto ang larong chess

Nagsimula naman na ulit kaming
maglaro.

Habang naglalaro kami ay parang iba na ang bawat galaw ng mga pyesa nito. Her movement is unreadable!!!

Makalipas pa ang ilang minuto ay natalo ako

"How come ??"

Tiningnan ko naman itong babaeng to. Imposibleng medyo marunong lang itong babae.Natalo nya ako??

F*ck

Habang tulala parin ako ay inaayos nya na ulit ang mga pyesa. Sisiguraduhin ko na matatalo ko itong babae.tchaba lang un

Habang nagsisimula na kami ay lumapit naman ang dalawa kong kaibigan na sina Dave at Lucas. Napatingin naman sila sa babaeng kaharap ko at bigla naman ngumisi si Lucas. Nako alam ko na ang ibig sabihin nyan. Hayssttt babaero talaga

Nag focus naman na ako sa laro ko dahil ayoko ng matalo ulit. I was very aware sa mga chess movement ng babae na to pero bakit hindi ko mabasa ang mga galaw nito??

Minutes later
I got checkmate again

"That was Englund Gambit Trap"

"Yep "

"Thank you alis na ko"

"Anong pangalan mo??

Tumingin lang sya sa akin at ngumiti

Wtf

"The F pre natalo ka?? Sabi ni Lucas

"Seriously ??" Sabi naman ni Dave

Hindi pa din ako makapaniwala sa nangyari kanina lang. Hindi naman sa pagmamayabang pero iilan palang ang nakakatalo sa akin. Kahit naman na hindi talaga chess ang sports ko alam ko na magaling ako

I've been playing with the chess master in the states at minsan ay natatalo ko sila. Sa buong panahon na naglalaro ako ng chess bilang palang sa isang kamay ko ang talo ko kaya hindi ako makapaniwala na natalo ako ng dalawang beses ng isang babae na medyo marunong lang??

Hindi ako papayag na ganon na lang iyon.

"Kaylangan nating malaman ang pangalan ng babaeng un pre " sabi naman ni Lucas

Tinignan ko naman sya ng masama.

"What??" Lucas

KYLIE POV

Natalo ako sa unang laban namin at may inis akong naramdaman dahil ayoko talagang natatalo sa chess. Kaya naman sa sumunuod na laban ay sinigurado ko na ako ang mananalo.

Dalawang magkasunod ko syang natalo kaya naman nag desisyon na lang akong umuwi dahil baka makabawi pa ei hahh halata naman na sa kanya na asar na sya

Pagka uwi ko naman ay dumiretso na akong kwarto dahil napagod ung utak ko kanina sa laro ang galing nong lalaki ei 
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Lumipas pa ang mga araw at hindi pa rin ako nakakapag desisyon para sa paglalaro ng volleyball.

"Hayyyssssttt" pag buntong hininga ko na lang

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang canteen ng may biglang

"Miss Castillo right?"

"Yes  bakit po?"

"Pinapatawag ka ni Sir Aga, pumunta ka daw ng gym"

" ahh sige po"

At dahil alas tres naman na ng hapon at wala naman na akong klase ay dumiretso na lang agad ako ng gym.

Pag kapasok ko ay may mga players na ng basketball ang nag papractice. Tahimik lang akong dumaan doon at tumungo na agad sa office ni sir

(Tokk..tokkk)

Pasok!!!

"Good afternoon coach"

"Kylie mabuti at nandito ka na agad"

"Wala na po kase akong klase kaya naisipan ko na pumunta na lang agad dito, bakit mo nga pala ako pinatawag?"

"Nalaman ko na your running for being a Suma Cum laude"

"Ahh hahaha opo"

"I have a proposal for you"

"Ano po iyon??"

"Kung sakali na sasali ka ng volleyball team ngayon ay sigurado ako na madadagdagan ang credits mo para maging Suma Cum Laude"

Napa isip naman ako dun dahil totoo nga at makakadagag ito sa credits na kailangan ko.

"Alam mo naman na hindi rin magiging sapat ang mga academics performance lang ang gagawin mo"

May point naman si coach

Hayyssttt , pagbuntong hininga ko naman puro na lang buntong hininga ginawa ko jusmehh

"So what do you think kylie??

"Bukas po may desisyon na po ako coach"

"Sige kylie aasahan ko na magiging maganda ang desisyon mo" saka naman sya ngumiti sa akin

"Sige coach alis na po ako"

Lumabas na ako ng office ni coach at naglakad na palabas. Nakita ko naman na ang mga nag papractice ng volleyball at basketball.

Habang naglalakad naman ako ay nadaanan ko ang field kaya naman nahiga na lang muna ako sa bench dahil wala naman ng masyadong tao. May mga iilan lang na mga estudyante na naglalaro dito.

Kaya naman habang nakahiga ay iniisip ko na kung ano na ba talaga ang magiging desisyon ko

"Lord bigyan mo naman ako ng sign kung dapat pa ba akong maglaro this year"

"Hayysssttt"

Maya maya naman ay biglang may.............

TBC;)

Love at First Hit (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon