CHAPTER 14.

13 1 0
                                    

KYLIE POV

SERIOUSLY !!!  Ako ba talaga sinusubukan ng lalaking un?! Bakit ba palaging mainit ang ulo non sa akin?! Nakakainis siya!!!

Sa totoo lang pansin ko na ako lang ang hindi niya pinapansin sa training dahil halos lahat naman ng mga kasama namin doon ay kasundo niya kahit na babae at hindi niya iyon  sinusungitan pero pagdating sa akin ay para bang galit na galit siya.

It's not that gusto ko siyang pansinin  ako pero kase nakakairita siya!!

Bumalik na lang din ako sa training ng salubong na naman ang kilay dahil sa inis ko sa kanya.

Napansin naman ng mga kasama ko iyon kaya hindi na lang din ako kinausap  habang naglalakad ako.

Pumunta lang ako sa gilid habang dala dala ang isang basket ng mga bola. Doon ko na lang ibubuhos ang lahat ng galit sa Cedrick na yon.

Lumayo ako saglit para di rin ako matamaan ng bola. Pinalo ko ito ng pagkalakas lakas dahil naiinis talaga ako. Wala na akong pakialam  sa mga taong nasa paligid ko dahil naiinis lang ako lalo.

Patuloy lang akong  pumapalo ng bola at kung saan saan na napupunta ang mga bolang pinapalo ko. Pero biglang may pumigil sa kamay ko para paluin na sana ulit ang bola na hawak ko

"Why?!"singhal ko sa humawak sa kamay ko

"Coach bakit po?"malumanay kong tanong dahil ayaw ko naman na maging bastos kausap

"Hinay hinay lang sa pagpalo baka ma injured ka pa bago mag simula ang season"  coach

"Pasensya na po" binitiwan ko naman na ang bola para mag punas ng pawis. Pero gulat ako ng nakatunganga sila na para bang may kung anong nangyari

Hindi ko na lang sila pinansin dahil pinapakalma ko na ang sarili ko sa sobrang pagka pikon ko sa isa kanina

Agad naman na natapos ang training namin at uuwi na ako dahil pagod na rin talaga ako bigla. Pero bigla akong kinausap ng libero namin

"Bakit?"tanong ko

"Hmm nasabi na sa akin ni coach na isasabay mo daw ako sa training mo" sagot niya sa akin na para bang kinakabahan

"Ahh oo nga pala, may training ako bukas so anong balak mo"

"Sasama ako sayo bukas"

"Ok"

Umalis naman kaagad ako dahil napapagod na ako. Kahit na tinawag niya ako ay di ko na lang siya nilingon at kumaway na lang sa kanya kahit na nakatalikod ako

Pag kauwi ko ay agad naman na akong naligo at nag skin care at hihiga na sana ako ng maalala ko na di ko pala alam ang no. ng kasama ko bukas or should I say Chloe.

Agad ko naman kinuha ang phone ko at nagbukas ng instagram para ei DM si Chloe. Hinanap ko muna ang acc.nya at di naman ako nahirapan na hanapin. Inis stalk ko muna sya para masiguro na siya talaga un. Pero nakita ko fina'follow pala ako neto. Kaya naman finallow ko na din sya at tsaka ako nag messege sa kanya.

KV_Castillo: Hey. Its me kylie san pala tayo bukas?

Maya maya pa ay nakita ko na typing na sya

Chloe_Agoncillo: Hi, If you want dito na lang sa house may court din dito

KV_Castillo: Ok give me you're address na lang

Chloe_Agoncillo: Carmen Village just say my name tas papasukin ka na ng guard.

KV_Castillo: ok.

Chloe_Agocillo: what time pala?

KV_Castillo: Maaga

Chloe_Agoncillo: eh ok.

Agad ko naman ng nilagay sa side table ko ang phone ko para maghanda matulog. Pero bigla ko na lang naisip ung malditong captain ng men's volleyball naiinis talaga ako don. Wala akong maisip na dahilan kung bakit inis na inis siya sa akin nag iinit ang ulo ko sa tuwing naaalala ko kung paano niya ako sungitan.

Agad naman na akong pumikit para matulog na dahil stress lang ang dala ng lalaking un sa akin.

Maaga ako nagising katulad ng sinabi ko kagabi dahil pupuntahan ko din si Chloe para sa training namin.

Naligo naman na agad ako nag bihis ng pang training pero nag sports bra lang ako at nag leggings at nagsuot din ng shorts at tsaka nag suot na lang din ako ng jacket  na manipis lang at isinara ko hanggang kalahati.

Bumaba naman na agad ako para mag almusal ng kahit papaano dahil ayaw kong naman magutom. Nakita ko naman kaagad sila daddy at kuya na kumakain na

"Good morning" bati ko sa kanila

"Good morning, ang aga mo yata ngayon?" tanong ni daddy

"May pupuntahan lang tas mag tetraining na din" pagkatapos ay kumuha na lang ako ng pandesal at kinain agad.

Matapos namin kumain ay nag toothbrush na ako. Lumabas naman na kaagad ako matapos ko ayusin ang duffle bag ko at nilagay sa passenger seat ng sasakyan. Dadalin ko ang sasakyan ko ngayon dahil ayaw ko mag commute ng pawis mamaya.

Pinaandar ko naman na ang sasakyan ko para puntahan na ung address na binigay sa akin.

Nakarating naman na ako sa village at mayroon kaagad na malaking gate ang nakaharang doon. Lumapit naman sa akin ang isang guard

"Ano po'ng kailangan nyo madam?"

"Pinapunta po ako ni Chloe Agoncillo"

"Pangalan po?"

"Kylie Castillo"

"Ahh sige po pasok na po kayo"

Agad ko naman pinaandar ang sasakyan ko at pinuntahan amg bahay nila Chloe. Nakarating ako ng saktong 8 sa mismong gate nila.

Malaking gate ang sumalubong sa akin.

"Hindi ba ako nag kamali ng bahay?"

Nagdadalawang isip ako na mag door bell dahil baka mali ang napuntahan ko. Anlaki ng bahay na ito sobrang laki. Triple ang laki ng bahay na to kesa sa bahay namin. Dahil ayaw din ni Dad na malaking bahay at baka hindi na daw kami magkita kahit na nasa bahay.

Di naman na akong nag dalawang isip na bumaba ng sasakyan at nag door bell naman kaagad ako. Maya maya lang ang biglang may nagsalita.

"Sino po sila?"

Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanila dahil di ko naman kaibigan si Chloe ayaw ko naman masabihan ng feeling close.

"Pinapunta ako ni Chloe"

"Ahh wait lang po maam"

Nag intay naman ako ng kaonti at may nag bubukas naman na ng gate.

Laking gulat ko kung sino ang nagbukas ng gate. Nagsalubong naman kaagad ang kilay ko ng makita ang mukha niya.

"Anong ginagawa mo dito?"  Di ko mapigilan na mag tanong

"Ikaw! anong ginagawa mo sa bahay ko?!"

Sabi ko na nga ba nagkamli ako ei kainis!!! At sa bahay pa talaga ng mokong na to ako napunta

"Pinapunta ako ni Chloe dito at ito ang binigay niyang address" medyo nahihiya ko'ng sabi

"Ahhh, sige pumasok ka"

Kung nagtataka kayo kung sino ang lalaking kausap ko ay si Cedrick lang naman ang sumalubong sa akin. Nakakainis

"Bakit naman  ako papasok dyan ei sabi mo nga bahay mo yan?"

"Pumasok ka na lang dami pang tanong eh"

Kaiinis nag sisimula na naman siya magsungit nakakairita

Pumasok naman ako kahit na nag aalangan.

"Umupo ka muna dyan tatawagin ko si Chloe"

"Sige"

TBC;)

Love at First Hit (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon