CEDRICK POV
BUMALIK kaagad ako sa court namin pagkatapos ng usapan namin ni Kylie. Pero hindi ko rin masabi na pag uusap iyon dahil sinungitan ko lang siya.
Natatakot lang ako na baka lumala ang kakaibang nararamdaman ko sa kanya kapag naging mabait at malapit ako sa kanya kaya sa umpisa pa lang ay ako na ang lumalayo.
Pagbalik ko naman sa court ay nag sisimula na silang mag training pero nakita ko naman si Sam na ngumingisi sa akin.
Nakakainis ganoon na ba ako kahalata at napansin na ng marami?!
Napapadyak na lang ako sa iniisip ko nakakahiya!!!"Uy problema mo pre" biglang tanongng teammates ko
"Wala"sagot ko naman kaagad at kumuha ng bola para mag training na din
Pero agad na namang naagaw ang atensyon ko ng mahagip ng mata ko si Kylie na kakapasok lang ng gym.
Salubong ang kilay niya na dumeretso sa gilid at hawak hawak ang basket na mga bola. Itinaas niya ang kamay at ipinusesyon ang bola at pinalo ng sobrang lakas kaya naman napatingin sa kanya ang mga tao sa gym.
Ilang ulit pa siyang pumalo ng bola at mararamdaman mo ang pag ka gigil sa bawat palo niya. May mga natatamaan na siyang mga tao sa loob ng gym dahil sa pagpalo ng sobrang lakas ay at kung saan saan na napupunta ang mga bola.
Lalapitan ko na dapat siya para pigilan sa ginagawa niya dahil nakaka abala na siya. Pero naunahan naman ako ni Coach Aga at agad niyang hinawakan ang palapusuhan ni Kylie para mapigilan ang pagpalo ulit ng bola.
May binulong ito kay Kylie na hindi na di ko na narinig pero tumigil pero naman naman na si Kylie at nagpunas ng pawis.
Nakatingin pa din ako sa kanya kahit na nagpupunas na lang siya ng pawis. May kung ano ako'ng nararamdaman sa tuwing tinitignan siya.
Bigla namang may tumapik sa balikat ko kaya napalingon naman kaagad ako.
"Ikaw ha kanina ka pa nakatingin dyan kay Kylie" nakangising sabi ni Karl
"Hindi kaya"
"Master wag ka ng mag sinungaling, kanina ko pa nakikita na nakatulala ka sa kanya"
"Ewan ko sayo! Bumalik ka na nga sa training mo!!"
"Nako nako master kapag ikaw naunahan hahaha"
Pinanlakihan ko naman siya ng mata para umalis na. Bakit ba lahat sila ay akala ay may gusto ako kay Kylie?!
Sa totoo lang naguguluhan na talaga ako. Naiinis ako sa nararamdaman ko.Sa totoo lang mas maraming nag kakagusto sa akin kaya hindi ako sanay na ako ang may interes sa ibang tao at sa babae pa at kay Kylie pa talaga.
Matapos ang training namin at uuwi na ako at sa bahay na lang maliligo dahil masyado ng late, 10 na din ng gabi kaya sa bahay na lang ako maliligo. Pumunta naman ako sa gawi nila Carlo at Sebastian para magpaalam.
"Uy una na ako" paalam ko sa kanilang dalawa at tumalikod na kaagad
"Hindi mo ba hahatid si Kylie?!"natatawang sigaw ni Carlo
Hindi naman na ako nag aabalang lingunin sila at itinaas ko na lang ang gitnang daliri ko habang nakatalikod
"Hahahah" sabay pa nila'ng tawa
"Ako na lang ang maghahatid sa kanya!!"
Automatic ako'ng napalingon sa kanila at sinamaan ng tingin. Hindi ko maintindihan ang ginawa ko dahil biglang nag init ang ulo ko sa sinabi nila.
BINABASA MO ANG
Love at First Hit (ON GOING)
Teen Fiction"Sorry Kylie hindi ko sinasadya un" "Cedrick naman alam mo na iilan lang ung pinagkakatiwalaan ko at isa ka don pero anong ginawa mo?SINIRA MO LANG!!" "Sorry talaga please forgive me I love you" "No Cedrick!! Hindi mo ako sasaktan ng ganito kung mah...