CHAPTER 21.

7 1 0
                                    

CEDRICK POV

NAKATINGIN lang ako sa kanila habang papunta na sila sa gitna para magsayaw. Sa totoo lang ay hindi lang naman ako ang nakatingin sa kanila dahil halos lahat yata ng mga nakakakilala sa kanila ay nakatingin.

Naiinis ako sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. 

"Naiinis ako sa tuwing nakikita siyang may kasamang ibang lalaki"

Sino ba naman ang hindi makakakilala sa kanila? Sila lang naman ang mag ex na sikat dahil couple goals daw tssskk!!!! Sa totoo  lang ay hindi naman sila bagay!!! Napaka yabang ni Jacob bukod pa don ay babaero rin!!! Ano bang nagustuhan ni Kylie sa lalaking un?!! 

"Gwapo lang naman? Mas pogi naman ako don ah bat di na lang ako?!!!!"

Nakatingin lang ang mga tao sa kanila habang nag sasayaw sila at para bang gusto marinig ang usapan nila. Pasimple naman akong sumusulyap sa kanila dahil hindi ko talaga mapigilan na hindi mapatingin

Nakakainis sila!!!!! Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ngayong nakikita ko sila na magkahawak ang kamay at nag uusap pa. 

Siguro nga ay bumabalik na ang nararamdaman ko sa kanya na matagal ko ng pinipigilan.

Bumalik na si Kylie sa tabi ko at kitang kita ko sa mukha niya ang inis. Sigurado ako na may pinag usapan sila na ikinagalit ni Kylie dahil salubong na salubong ang kilay niya.
Nahihiya rin naman ako magtanong dahil wala rin naman ako sa posisyon para makialam sa private life niya

Lumipas pa ang ilang oras at panay lang kwentuhan ang nangyari sa pagitan ng mga tao sa paligid namin. Si Kylie naman ay tahimik lang sa gilid ko at nakatingin lang sa mga taong nasa paligid namin.

Ang ilan ay umuwi na kaya naman ay naisipan ko na rin ma ayain si Kylie na umuwi dahil medyo late na rin at may pasok pa kami bukas

"I'll get you home na" panimula ko sa kanya. Tumayo naman siya kaagad. Iniaabot ko naman sa kanya ang kamay ko para alalayan siya.

Pero tinitigan niya lang iyon at pansin ko ay namumula ang pisngi niya.
Napangiti naman ako sa naging reaction niya.

Ang cute niya talaga!!!!

Inabot niya rin naman iyon ng mapansin niya na ngumingiti ako

Tinulungan ko na siyang makasakay para di na siya mahirapan

Nagsimula na akong magmaneho pero tahimik parin siya at hindi ko na talaga kaya na hindi magsalita

"Are you okay?"panimula ko sa kanya

"Medyo?" at tumingin siya sa akin

Napalunok naman ako sa pagtingin niya sa akin. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mga niya.

Naging tahimik ulit siya at hindi ko na alam kung paano ko ba ulit siya makaka usap

"Sorry pala kanina hindi na kita masyadong naka usap may iniisip lang ako"  si Kylie kaya naman napalingon ako saglit sa kanya

"It's ok" sagot ko na lang dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya

"Iniisip mo siguro yung ex mong babaero"

"What?!" nagulat ako sa pagsigaw niya

Shit!!!! Nasa isip ko lang naman  sinasabi un  ah!!!!

"Just kidding" kinalabahan kong sagot dahil baka magalit pa siya

"May point ka naman sa part na babaero haha" nakangiti niya pang sagot

Nag kwentuhan lang kami ng tungkol sa kung ano ano. At masasabi ko na nag enjoy talaga ako kasama siya.

"So see you tomorrow?" sabi ko sa kanya pagkadating namin sa bahay nila

"Yes see you tomorrow sana wag mo na akong sungitan" si Kylie at nakangiti pa

"Im sorry about that ok" nahihiya ko pang sagot sa kanya. Nakaramdam pa ako ng hiya dahil doon dahil napaka immature ko sa part na yun

"Apologies accepted, thank you for tonight. I really enjoyed it" si Kylie at nakangiti pa siya sa akin

"You enjoyed it because you saw your ex?" panunukso ko sa kanya kahit na medyo masakit sa akin

"Ikaw ha namemersonal ka na!!" si Kylie at nakakunot na ang nuo

"Im just kidding "

Umalis na ako kaagad ng makita ko na siyang pumasok sa gatr

Buong byahe ko ay nakangiti lang ako dahil hindi pa rin ako makapaniwala na naging malapit na ako sa kanya kahit papaano. Paulit ulit na nag re'replay sa utak ko kung paano kami magkulitan kanina kaya hindi ko maiwasang ngumiti ng ngumiti. Paramg ayoko ng umalis dito sa sasalyan dahil naaamoy ko pa rin ang pabango nya dito.

Pagkadating ko sa bahay ay nakangiti parin ako dahil hindi ko talaga mapigilan.

Nakita ko naman si Chloe sa living room at nanunuod ng movie sa Netflix pero hindi ko na siya pinansin at dumaretso na lang ako sa kitchen para uminom ng water.

"Hey kuya what happened to you? Why are you smiling like that?!" nakakunot ang noo niya na tanong sa akin

Ngumiti lang ako dahil hindi ko parin talaga maalis sa isip ko si Kylie

Kinulit naman ako ng kinulit ni Chloe na sabihin kung ano ang nangyari kaya napilitan akong ikwento sa kanya lahat as in lahat lahat. Habang sinasabi ko ang nangyari kanina ay hindi ko talaga maiwasan na hindi  mapangiti

"Oh mu gosh kuya!!!!Oh my goshhhh!!!!!" si Chloe at niyuyugyug pa ang braso ko

"I told you kuya she's good bagay kayo!!!"

"Ewam ko sayo aakyat na ako. Matulog ka na din may pasok pa bukas"

Umalis na kaagad ako dahil baka tanungin lang ako ng tanungin ni Chloe tungkol sa kung ano ano

Naligo na agad ako pagkadating ko sa room ko at nahiga. Iniisip ko palang ang nangyari kanina ay parang di ko kayang matulog. Pero dahil siguro sa pagod ay kusa ng pumikit ang mga mata ko

TBC:)

Love at First Hit (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon