CHAPTER 6.

12 1 0
                                    

KYLIE POV

ISANG linggo na ang nakalipas at magsisimula na bukas ang training dahil sunday ngayon ay wala naman na akong gagawin at maghapon lang akong magpapagulong gulong sa kama ko.

Kaya naman naisipan ko na lang na hanapin ang mga gamit ko para sa training bukas. Hindi ko maikakaila na may kakaiba akong saya na nararamdaman.

Hinahanap ko naman ang mga damit at shorts ko sa volleyball at nahanap ko naman kaagad. Kaya agad ko naman itong sinuot pero noong sinukat ko ito ay napakaluwag na nito. Hindi na ito magkasya sa akin.

Natawa na lang ako habang sinusuot ko ito dahil napaka luwag talaga

Tinignan ko naman ang relo ko 3 palang naman ng hapon kaya naman napag desisyonan ko na lang na pumunta ng mall para bumili ng mga kailangan ko.

Nagbihis lang ako ng pants at t shirt at agad naman ng bumaba

"Pa alis lang ako bibili lang ako ng mga kailangan ko para bukas sa training"

Alam na din nila papa at ng mga kuya at ni Cindy na maglalaro na ulit ako at ewan ko at parang mas masaya pa yata kesa sa akin. Kala mo talaga ei sila ang maglalaro nakooo nakoo

"Sige ito gamitin mo para mabili mo ang lahat ng mga kailangan mo"

Inabot nya naman ang ATM card nya sa akin. Tinanggap ko naman ito dahil alam ko baka kulangin ang pera ko pambili ng gamit na kakailanganin ko. Makakalibre na naman ako ng gusto kong bihin hahah dahil nasa akin na naman ang mahiwagang atm ni papa wahahahaha

"Thank you pa, Alis na po ako"

"Sige mag iingat ka"

Anyway wala ang mga kuya ko kaya medyo tahimik ang bahay ngayon nasa trabaho sila kaya naman payapa rin ang buong umaga ko kanina

Sumakay naman na agad ako sa jeep dahil ayaw ko rin naman mag kotse dahil tinatamad ako mag drive at baka masira ko lang ulit un  at nung may dumaan na jeep ay simakay na kaagad ako dahil ang init dito sa pinag iintayan ko. Isang sakay lang naman ang kailangan para makapunta ng mall ganoon din sa school mas malayo nga lang ang patungo ng mall.

Pagkadating ko naman sa mall ay tumungo na  agad ako sa pag bibilhan ko ng mga kailangan ko.

Bumili ako ng spandex shorts, leggings, headband, kneepad, bag at syempre sapatos

Mahigit 2 oras akong namili ng mga kailangan ko at 5:30 na ako natapos.

Lumabas naman agad ako ng matapos kong mabayaran lahat ng pinamili ko. Pumunta naman muna ako coffee sa shop para mag meryenda dahil kanina pa nag iingay ung tyan ko dahil sa gutom.

Pagkapasok ko naman doon ay may  nakita ako na pamilyar na mukha. Alam ko na kung saan ko siya nakita siya yung  lalaking nakatama ng bola sa akin noong nakaraan araw. Di ko malilimutan ang pagmumukha ng mayabang na lalake na yon. Parang gusto ko syang sapakin hanggang mwalan ng ulirat pero sayang naman ung gandang lalaki niya kung gagawin ko un at mukhang baka sabunutan ako ng mga babaeng mga nakatingin sa kanya. Siya lang naman ang center of attraction dito. Wait ano ba tong pinagsasabi ko na gwapo siya baka gago!! tarantado!!siraulo!!! Umalis naman na ako sa coffee shop na iyon at baka kung ano pa magawa ko sa kumag na iyon.

Pagka alis ko nanan doon sa coffee shop ay lumabas na lang ako sa Mall at umuwi na lang dahil wala naman na akong gagawin doon. Pagkauwi ko ay nasa sala naman si papa at ang mga kuya ko

"Im home"

"Oh andyan ka na pala kamusta naman?"tanong ni papa

"Ok naman po humihinga pa naman"

"Oh anong nangyari sayo bat parang nag date na naman yang dalawang kilay mo??"tanong naman ni kuya Venidict habang tumaawa ng mala demonyo,kainis tanggalin ko kaya lalamunan non paa di nang aasar

Ayan na naman po tayo walang humpay na asaran ng mga unggoy kung pamilya

Pagkatapos naman nun ay umakyat na ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Pero pinalabhan ko naman muna ang mga pinamili ko kela manang dahil ayaw ko naman maging mabantot ang amoy ko bukas.

Anyway may dalawa kaming katulong kaya hindi na kami masyadong gumagalaw sa bahay pero kahit na ganon ay hindi kami pinalaking tamad dahil ayaw ni papa ng ganon dahil ayaw nya ng tamad at baka daw mahampas nya kami ng walis. Oh diba mahal na mahal kami ng daddy sa sobrang mahal ei mahahampas pa kami ng walis.

Pagkatapos ko maligo at mag blower ng mala rapunsel kung buhok ay naghanda na akong matulog. Hindi ko alam pero may kaounting excitement akong nararamdaman para sa training bukas partida training palang un pero excited na ako at kinakabahan ano pa kaya pag may laro na baka matae na ko.

Hayyyyysttt kayo na po ang bahala sa akin God. At bigla naman na bumigat ang talukap ng mata ko at nakatulog na

TBC:)

Love at First Hit (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon