CHAPTER 8.

8 1 0
                                    

LIAM POV

NAGLALAKAD ako papuntang practice room ng South ng  makasalubong ko ang isang pamilyar ma babae. Napahinto ako sa pag lalakad at biglang napa isip

Nakita ko na sya, hindi ko lang alam kung saan

"Siya un alam ko siya un ung nakalaro ko sa park" bigla ko na lang nasabi

"Hey miss!!!" Pag tawag ko sakanya pero parang hindi nya ako naririnig.

"Bingi ba to?? Tsskk"

Sinundan ko na lang sya hanggang sa makarating sya gym ng school.
Player sya??basketball?volleyball?
Pagkalabas nya naman sa kung saan ay nakabihis na sya naka shorts at t-shirt lang sya

Bigla na lang ako napalunok bigla

"Bat ang ganda??"

"Shit bat ko ba naiisip yan tsssk
Manyak ka Liam bwisit ka" pag kausap ko naman sa sarili ko

Bigla niyang pinalo ng pagkalakas lakas ang bola na papunta sa kanya kaya naman napatingen sa kanya ang lahat ng tao sa loob ng gym. May galit ba siya sa bola??

Gulat na gulat parin ang mga tao sa gym kaya bigla na lang siyang tumakbo papuna sa mga babae na may hawak na bola ng volley ball kaya naman napatingin na naman sa kanya ang mga tao.

Volleyball player??bakit sya nag volleyball pwede naman siyang mag chess na lang . Naupo naman ako sa bench at nanuod sa mga naglalaro. Wala naman talaga akong hilig manuod ng mga ganito pero iba ang epekto ng babaeng to at nacucurious ako sa kanya.

Hayssttt ano ba tong pinagsasabi ko kaya naman tumayo naman na ako pero nakita ko siyang biglang tumalon at pinalo nya ang bola ng sobarang lakas kaya naman umalingawngaw talaga ang tunong nito kaya naman lalong natulala ang mga tao sa kanya.

Lumapit nga ang babeng un sa mga volleyball player at kitang kita sa ma mata nila ang pagkagulat pati na rin ang mga kalalakihan na naglalaro din ay napapatingin sa kanya.

Iba talaga tong babaeng to. Hindi maitatangi na maganda talaga sya kaya naman maraming napapatingin sa kanya. At isa pa pinalo ba naman nya ang bola ng sobrang lakas ei sino ba naman ang hindi mapapatingin don diba.

Siguro ay mawawala din siya sa isip ko kapag umalis na ako dito sa South at babalik na ko sa school ko talaga.

THIRD PERSON POV

Papalapit na sana si Kylie sa mga player na nag papractice pero napansin nito ang papalapit na bola sa kanya kaya agad nya naman itong pi alo paa hindi siya maiwasan pero napalakas yata ang palo niya at napatingin sa kanya ang ma taong naroon. Nagulat naman ang naman ang mga taong nanunuod ng practie dahil nakita nila si Kylie na isa sa mga kilalang magaling maglaro ng volleyball. Biglang nag bulong bulungan ang mga tao  doon. Nahiya naman bigla si Kylie kaya naman patakbo itong pumunta sa mga babaeng mga naglalaro ng volleyball pero may bola na namang napunta sa kanya kaya no choice sya na paluin ulit ito pero mukhang napalakas na naman ang palo nya sa bola kaya napatingen na naman ang tao sa kanya.

"Kylie andyan ka na pala saktong sakto ang dating mo"

Binigyan naman ito ng dalaga ng tipid na ngiti

Katahimikan naman ang namayani sa lahat kaya naman binasag na ito ng coach nila

"Anyway maglalaro na pala si Kylie sa season na ito. Alam kong nagulat din kayo sa mga nangyari pero alam ko naman  magkakasundo din kayo dahil alam ko na ang iba sa inyo ay nakasama nyo na rin sya dati"

"Yes coach" mga player

"Sige na mag warm up na kayo at magsisimula na tayo!!!"

Agad naman nagsimula ang pag wawarm up nila.

Ang ilan ay niyakap si Kylie dahil sa sobrang saya dahil alam naman ng mga ito na magiging malaking tulong ito sa team nila. Matapos ang kanilang maikling pag uusap ay nag simula na ang training nila.

Maririnig sa loob ng gym ang lakas ng pagpalo sa bola. Hinati sila sa dalawang grupo at naglaro. Ang bawat isa sa kanila ay talagang magaling talaga. Ngunit kahit anong galing nila ay hindi sila nakapasok sa top 4 noong nakaraang season. Kaya naman kahit na mahirap ay ang goal nila ngayong season ay maging champion.

Natapos ang training nila at nag meeting muna sila tungkol sa nalalapit na laban.

Binigyan ng mga payo ni Coach Aga ang mga player para sa mas dapat nila iimprove. Matapos naman noon ay nagsipag alisan na ang mga ito para mag bihis.

SAMANTHA POV

Nagulat talaga ako sa sinabi ni coach kanina na mag lalaro na si Kylie ngayong season. Nakasama ko na sya ng maraming beses sa laro. Sa totoo lang sobrang saya ko ng malaman na maglalaro ulit sya alam ko ang mga pinagdaanan nya at kung bakit sya tumigil maglaro. Bilang captain ngayon ng team ay alam ko na magiging malaking tulong sya para sa lahat.

"Hi Kylie "

"Hi Sam"

"Kamusta ka na matagal tagal na din tayong di nakapag usap ah"

" ok naman, busy lang hehe" at tsaka sya ngumiti

Sa totoo lang ay isa si kylie sa mga malalapit na kaibigan ko dati lalo na at madalas kaming magkasama noon sa mga laro.

"Buti naman naisipan mo ng maglaro ulit"

"Namiss ko na rin kasi maglaro"

Napapangiti naman ako kahit papano dahil kinakausap nya na ako dahil noong mga nakaraan ay hindi nya talaga ako pinapanisin dahil sa nangyari dati sa kanila ng kakambal ko

"Una na ako Sam "

"Sige ingat"

Ngumiti naman ito at ginantihan ko rin ito ng ngiti. Masaya ako at bumalik na ulit sya dahil alam ko nakalimutan at nakapagpatawad na rin sya.

CEDRICK POV

Gulat na gulat pati ang mga ka team ko ng marinig ang malakas na pagpalo ng bola kaya naman agad silang napalingon at nakita nila si Kylie na nag lalakad papunta sa court.

"Ahh iyon pala ang sinasabi ni Aga na may babalik" coach

"Huh??What do you mean coach?" tanong ko naman

"May sinabi si Aga na may babalik"

"Ah".

So babalik na talaga sya

Tulala parin ang mga kasama ko ng makita nila si Kylie. Alam ko naman na ilan sa kanila ay may gusto kay Kylie. Sino ba naman ang hindi magkakagusto hindi ba. Kung pisikal na kaanyuan ang pag babasihan ay masasabi mo talagang maganda sya at isa sya sa mga pinaka maganda sa buong campus.

"Magsisimula na tayo !!!!!" sigaw ko para makuha ko ang atensyon nila

Agad naman na kaming nagsimula mag practice. Sa totoo lang ay halos magagaling na lahat ng player namin hindi ko lang alam kung bakit kinakabahan si coach this season. Hindi naman sa pagmamayabang pero kumpyansa akong matatapos ang season na ito na walang kaming talo at kami ang mag kakapyon.
Natapos ang nakakapagod na training at napag pasyahan ng umuwi.

Natapos kaming mag training at nag si uwian naman na ang iba sa mga kasama ko. Habang ako naman ay naglalakad na papuntang parking lot para umuwi na din. Agad naman akong sumakay sa sasakyan ko at pinaandar ang makina. Nang makalabas ako ng school ay nakita ko naman si Kylie na pasakay ng jeep.

"Nag jejeep sya?"

Sa totoo lang ay mayaman naman sila pero bakit nag jejeep un. Hindi naman sa panget ang pagsakay sa jeep pero

"Tama na nga yan bat ko ba sya pinoproblema"

Agad naman na akong nakauwi sa sa bahay at nag pahinga na.

TBC:)

Love at First Hit (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon