PROLOGUE

77 8 14
                                    

"Pare, pwede na daw tayo umuwi," I was dribbling the ball when I heard Evan's voice.


"Bakit daw? Start na ba 'yung contest?" Agad kong binaba ang bola at nagpunta sa benches para kunin gamit ko at makaligo na. Puta ang lagkit ng katawa ko amp.


"Oo ata. Arat, shower na. Nag-reserve ng space si Aria doon nalang daw tayo umupo," Tinanguan ko lang siya at nagpunta na sa shower dala ang tuwalya at pamalit.


Nasa labas pa lang ng gym rinig na rinig ko na sigawan ng mga tao. Agad naming nahanap ang kambal ni Evan dahil nakapwesto lang ito sa pinakaharap kaya kita namin agad.



"Bobo ka kasi. Sabi ko ako na bahala!" Narinig ko ang sigaw ni Caleb sa gilid ko.


"Pakyu, namatay ka nga. Sinong niloloko mo?" Pambabara ni Zaiden. Nagtatalo na naman ata sa COD pareho namang tanga.


"Hoy, ang ganda ni Gia! Galing ako backstage! Ang bruha, kulot ang buhok!" May babaeng biglang lumapit kay Aria at nagtatawanan sila.


Bakit ba ako nandito? Amputa 'tong si Evan kung sana tinulog ko nalang 'to.


Bukas pa game ng basketball at inuna ang nalang muna ang Mr. and Ms. Intramurals. Ako yung dapat magre-represent ng grade 12 kaso ako yung captain ng basketball team kaya 'di ko tinanggap. Wala rin akong interes sa mga ganito.


"Si Gia pala representative sa year natin? Akala ko si Sheena. Sexy pa naman n'on," Napailing nalang ako sa sinabi ni Zaiden.


Puro hiyawan lang naririnig ko nung tinawag na ang mga contestants. Ayos lang naman rep ng year namin. Kaso yung babae halatang kabado. Laging kinakagat yung labi at nag-aalangan ngumiti. Kung hindi sinisigawan ng dalawang babaeng kasama namin, hindi ngingiti ng maayos.


Pero kapag ngumingiti ng maayos, ang ganda. Pwede na.


Dumating ang question and answer portion at nasagutan naman ng year namin yung mga tanong ng maayos. Grade 12 ang panalo.


"Evan, uwi na ako," Pagpapaalam ko kay Evan.


"Ha? 'Wag ka muna umuwi, Zach!" Napalingon ako kay Aria nang bigla niya akong pinigilan.


"Oo nga, Zach. Magce-celebrate kami, sumama nalang kayo!" Pag-aaya naman nung isang babae. Siguro Krista pangalan nito.


"May game pa kasi bukas. Dehins pwede uminom," Sagot ko at nginitian sila ng tipid.


"Bro, hapon pa game bukas. Anong akala mo 'di mo kami team mates? Sige na sama na tayo!" Pagpupumilit ni Zaiden. Napahawak nalang ako sa batok ko.


Ampucha gusto ko na umuwi, Ma.


"Sige. Pero di rin ako magtatagal," Sabi ko nagtanguhan naman sila at naghintay na kami sa labas ng gym.


After 10 minutes. Lumabas na yung kaibigan nilang nanalo at nagpunta na kami sa malapit na KTV. Ganito daw sila mag-celebrate.


Titig na titig lang ako kay Gia, yung representative ng year namin na nanalo. Mahaba ang kulot niyang buhok at sa tingin ko pinasadyang ikulot. Mas maganda siguro siya sa straight na buhok. Mas lalo akong napapatitig kapag ngumingiti at tumatawa siya kapag pumipiyok ang boses nila Caleb.


Damn, what's with those smile? That smile really caught my attention.

That SmileWhere stories live. Discover now