"Gago," Sa sobrang gulat ko 'yan lang ang tangi kong nasabi kay Zach.
"Watch your mouth, lady," He glared at me so I glared at him back.
"Edi 'wag kang nanggugulat!" I shouted at him.
"Pwede bang papasukin mo nalang ako? We'll just watch movies," Ambang papasok na siya sa loob ng apartment ko pero hinila ko siya pabalik.
"Sure ka? Watch lang? Ayaw mo more than watch?" Hindi niya ako pinansin at papasok sana ulit sa apartment ko nang hinila ko ulit siya. Para na kaming tanga na naghihilaan dito.
"Ang kapal rin niyang pagmumukha mo, 'no? Matapos kitang pakainin dalawang beses pa 'yon, makikinood ka pa ng movie?" Hawak hawak ko ang manggas ng polo niya kaya napabalik siya sa harapan ko.
"Edi bayaran kita sa mga pinakain mo sa akin," His brow furrowed.
"Huwag na, itae mo nalang 'yan," Binitawan ko siya at nauna nang pumasok sa loob ng apartment ko. Nakasunod lang siya sa akin at umupo na sa sofa na inupuan niya the last time. Kapal ng mukha.
Naupo ako sa tabi niya kasi gusto ko. Ano 'yon? Ex niya lang pwede tumabi sa kanya? Sila na nga nag-cheat, sila pa may karapatang tumabi? Dapat meron din akong karapatan kasi ako ang magco-comflirt!
Namili na ako ng movie na papanoorin sa Netflix nang bigla niyang hinablot ang remote sa kamay ko.
"Wow, account mo? TV mo? Remote mo? Apartment mo?" I asked him in disbelief.
"Hindi," Sagot niya at pinili ang The Tall Girl.
"Huwag 'yan! Napanood ko na 'yan!" Reklamo ko sa kanya. He just looked at me and continued watching.
"Watch it with me again," Sabi niya at kinuha niyakap ang throw pillow.
"Ibalik mo 'yang throw pillow, ako nalang yakapin mo," Tinulak niya pagmumukha ko nang umusog ako papalapit sa kanya.
"Bawal manood kapag hindi ako kayakap! Rule 'yon dito sa apartment ko!"
"So, you'll let other boys hug you kapag nandito sila sa apartment mo para manood ng movie?" His brows furrowed as he asked me.
"Luh, wala naman akong pinapapasok bukod sa'yo at kila Aria," I told him. "Bakit? Selos ka?"
He rolled his eyes on me and continued watching the movie.Hinayaan ko siya manood ng movie at nag-cellphone nalang. Pinicturan ko ang bracelet at pinost sa Instagram ko. I glanced at my phone's time, it's already 7 PM.
"Gutom na ako," Reklamo ko kay Zach.
"Let's order something to eat," He said and fished his phone from his pocket. I moved closer to him para makita kung ano ang i-oorder niya.
"That one, I want carbonara," I pointed out. "Fried chicken!" I clapped my hands like a kid. Uma-agree lang siya kung ano yung gusto ko. Aba, dapat lang. My house, my rules. Charot.
He continued watching the movie while I went inside my room to change. Natagalan pa ako sa kwarto ko kasi naglinis pa ako ng mga kalat. Ayoko talaga kapag hindi maaliwalas tignan ang kwarto ko. Okay na 'yong ako lang 'yong makalat as a person pero kapag kwarto ko na, sumasakit talaga ulo ko. Nilagay ko ang laptop kasama ang ibang gadgets ko sa mini table ko sa sulok. Inayos ko rin ang mga gamit ko sa tukador. Pati ang mga libro nilagay ko na sa maliit na bookshelf ko sa gilid ng mini table. Inayos ko rin ang kurtina sa may bintana at naisipang ipa-laundy na 'to next weekend kasi medyo maalikabok na. Pink pa naman.
YOU ARE READING
That Smile
Teen FictionGianara, a girl who chose to leave the provincial life to achieve her dreams in city. She was also very persistent to comflirt her long time crush, Zach, thinking that he was a broken man because his girlfriend cheated on him.