2

37 4 2
                                    

"Gia, umusog ka d'on!" Napabalikwas ako ng bangon nang mahulog ako sa kama na kinahihigaan ko.


"Aray!" Daing ko sabay hawak sa aking balakang.


"Nasaan ako?" Tanong ko nang mapagtanto na hindi ko kwarto ang kinalalagyan ko ngayon.


"Manahimik ka, Senyora. Antok na antok ako dito. Alas tres ng hating gabi namlululabog kayo ng tulog," Reklamo ni Aria sa akin at tinakip ulit ang unan sa ulo saka umaktong babalik sa tulog.


"Ha? Eh bakit dito? Anong nangyari?" Nagtatakang tanong ko saka sinapo ang ulo dahil biglang sumakit.


"Ewan ko sa'yo, lasengga ka. Utang na loob, patulugin mo na ako ulit. Sa sobrang likot mo ilang oras pa lang ata tulog ko. Bumaba ka nalang doon at magpaluto ng soup kay Manang nang mahimasmasan ka naman," Antok na saad ni Aria sa akin at binato ako ng unan para lumabas.


"Alis na!" Taboy niya ulit.


Hindi na ako nakipagsagutan at bumaba nalang sa kusina para magpaluto. Ngayon ko lang napansin na nakasuot na ako ng maikling shorts at white t-shirt. Kay Aria siguro 'to.


Pinupukpok ko ulo ko habang tinutungo ang kusina hoping it will lessen the pain pero pucha mas lalo lang lumala. Nabobo ata ako lalo.


Pagdating sa kusina ay naabutan ko si Manang na nagluluto ng agahan.


"Manang, pwede paluto rin po ng soup? Kahit anong soup nalang po. Para na po akong mamamatay eh," I told to her saka dumukdok sa mesa.


"Oo naman, Gia. Jusko ikaw na bata ka, ang ingay mo kagabi!" Nagsimula na siyang mag-prepare ng ingredients for the soup.


"Talaga po? Pasensiya na, Manang," Paghingi ko ng paumanhin.


Sino ba ang nanakit sa'yo at naglalasing ka, ha?" Tanong ni Manang at sinimulan na ang pagluluto ng soup.


"Wala namang nanakit sa akin pero sa jowa ko po, meron," Ngungutong sabi ko sa kanya. Napatalon ako sa kinauupuan ko nang biglang may pumasok sa kusina.


"Who's your boyfriend, Gia?" Wearing only white sando and a faded jeans, Zach spoke right behind me.


"Kagulat naman 'to!" Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat at hinarap siya.


"Ikaw," Sagot ko sa tanong niya.


"Ha?"


"Haloblaks," Pambabara ko. Kumunot naman agad ang kanyang noo.


Sinundan ko siya ng tingin nang pumunta siya sa counter at nagtimpla ng kape. He was very serious in what he was doing and I was just staring at him intently. Walang bakas ng breakup sa lalaking 'to, ah? Bato ba 'to? Pick? Charot.


"Bakit ka nandito?" Tanong ko at tumayo para kumuha ng tubig sa ref. Na-dehydrate ata ako sa tanawin na nasa counter.


"I wasn't able to go home last night because you were vomiting like there's no tomorrow inside my car..." He trailed off. "...and all over me," Seryosong tugon niya.


"Omg, true ba?!" Gulat na tanong ko. Nakakahiya ka, Gia!


"Do I look like I am kidding?" Tanong niya at tinuro mukha niya.


"Hindi, Ser," Sabi ko. "Pogi mo nga po sa morning eh," Bulong ko saka tumalikod sa kanya para ihain na yung soup ko.


"I heard that," He said saka umupo sa isang stool sa may counter.


That SmileWhere stories live. Discover now