13

26 1 4
                                    

Mabilis lang natapos last class namin kaya maaga pa lang ay nakalabas na kami. Ganoon din sina Aria at Krista na nag-aya sa apartment ko para tumambay. Nag-text naman si Zacharias na hindi niya kami maihahatid kasi may training siya kasama sila Evan. Nag-commute lang kaming tatlo papunta sa village namin at naglakad papasok. Hindi kasi nakakapasok ang mga jeep dito sa village maliban na lamang sa taxi.


"Gaga, bakit ka naman kakabahan?" Inirapan ako ni Aria.


Kinuwento ko kasi sa kanilang dalawa 'yung tungkol sa Mama ni Zach na dadating na next week. Siyempre naman, 'no, I need friends sa mga sitwasyon na 'to!

"Oo nga, Gi. Kikilalanin ka pa lang naman. Hindi pa kayo ikakasal!" Pagsegunda pa ni Krista. Nasa kwarto kami ngayon at nagtatry ng mga skincare na pinamili daw ni Aria sa Ayala.


"Shunga! Paano kapag 'di ako bet? Hindi pa nga kami nag-iisang buwan, break na agad?!" Maarteng sabi ko at umakto pang parang nai-stress talaga.


"Omg! Oo nga, 'no?"


"Ang nega niyo naman! Kung hindi pwede, pwede pa 'yan! Ipipilit natin!" Pagchi-cheer ni Aria sa akin.


"First time mo ba ipakilala sa mga magulang ng boyfriend mo?" Parang tangang tanong ni Krista. Medyo shunga talaga 'to. Si Zach lang naman crush ko buong buhay ko dito sa Cebu!


"Siyempre! Eh, kay Zach lang naman patay na patay 'tong kaibigan natin. Hindi na nag-try ng ibang boylet. Kahit sa crush, loyal na loyal!" Sagot ni Aria kay Krista. Umirap pa ito at kinuha ang salamin para tignan nag mukha niya.


"Bakit sumisigaw ka? Galit ka ba?" Inirapan lang ako ni Aria sa tanong ko.


"Nag-kiss na ba kayo ni Zacharias?" Walang hiyang tanong ni Aria sa akin. Muntik pa ako mabulunan sa sarili kong laway. "Ay, hindi pa?! Hina mo, girl!"


"Bobo, ayaw niya daw muna hangga't hindi pa alam ng parents namin na mag-jowa na kami," Namumulang sabi ko. Hayop talaga 'tong bibig ni Aria.


"Palibhasa kahit hindi ka ipinakilala sa parents, chinuchukchak mo na kahit saan!" Asar ni Krista kay Aria. Kumindat lang ito sa kanya at tumawa.


"Mag-dress ka next week sa para easy access. Tutal alam na rin naman ng Mommy ni Zach na kayo na by that time," Makahulugang sabi ni Aria at tinaas baba pa 'yung kilay niya. "Kiss lang, ha? Saka na jugjugan kapag alam na ng Mama mo na may jowa ka na!"


"Bibig mo talaga, Aria. Alam mo minsan try mong maligo sa bathtub niyo gamit ang holy water. Baka sakaling manuot sa buto mo 'yung pagkabanal," Inagaw ni Krista ang salamin kay Aria at pinukpok ito sa ulo.


"Aray ko, gago! Nahulog tuloy 'yung facial mask!" Sigaw ni Aria at pinulot ang facial mask na nahulog sa sahig. Kinuha niya ito at tinapon sa basuran sa gilid ng side table ko.


"Sabihan ko kaya muna si Mama?" Tanong ko sa kanila.


"Ay, gusto jugjugan agad!" Hindi ko pinansin si Aria kasi wala naman akong mapapala sa babaeng 'to. Humarap ako kay Krista at siya ang kinausap.


"Oo, sabihan mo muna. Gagang 'to, lagot ka talaga kay Tita kapag na-meet mo na 'yung Mommy ni Zach tapos hindi niya alam na sinagot mo na pala 'yon!" Mahabang litanya sa akin ni Kris.


"Oo nga! Kung ako si Tita, papauwiin talaga kita sa probinsya at hindi na pababalikin dito sa Cebu," Pakikisali ulit ni Aria. Ang daldal talaga nitong babaeng 'to.


That SmileWhere stories live. Discover now