15

17 0 3
                                    

Dumaan muna kami sa bilihan ng lechon manok sa labas ng village. Sina Caleb at Evan na may mga dalang sasakyan ay nauna na sa apartment ko. Binigay ko nalang 'yung susi para makapasok na sila agad. Si Zach naman ay nakabalik na sa tabi ko galing sa kabilang tindahan para bumili ng puso. Yung kanin na nasa loob ng parang dahon. Hanging rice ata sa english 'yun. Kaso I'm no english kasi mga sis.


"Ilan binili mo?" Tanong ko kay Zacharias.


"50."


"50?!" Gulat na tanong ko sa kanya.


"Baka nakakalimutan mong may mga patay gutom tayong kasama?" Inirapan ko lang si Zach at hinintay nalang yung lechon manok na binili ko. Chinochop pa kasi.


"Ilan binili mo?" Tanong sa akin no Zacharias.


"Dalawa lang. Kasya ba 'yon?" Nag-aalalang tanong ko. Baka kasi hindi!


"Kuya, pakidagdagan nalang po ng dalawa. Bale apat lahat," Nanlaki ang mata ko nang mag-abot na si Zach ng one thousand.


"Spoiled ng mga kaibigan mo sa'yo, ah? Magtira ka naman ng pera para sa mga magiging anak natin," Biro ko sa kanya. Inakbayan niya naman ako at sinadyang ilagay ang bigat niya sa balikat ko.


"Sige, hindi ko na gagalawin 'yung mga cards ko," Ngisi ni Zacharias.


"Shene ewl may many cards."


Sobrang gulo na ng loob nang dumating kami ni Zacharias. Nakagilid na naman ang coffee table sa sala at nakahilata sa lapag sina Zaiden at Evan. Nasa kabilang sofa naman sina Krista at Caleb. Si Aria ang may hawak ng remote at yakap yakap ang throw pillow habang nakaupo sa isa pang couch. Nilapag ni Zach ang pagkain sa coffee table at agad namang tumayo si Krista para ihanda na ang pagkain.


Dumiretso muna ako sa kwarto para magbihis ng sweater at shorts. Kinatok naman ako ni Zach sa kwarto ko nang mapansin niyang medyo natagalan ako sa pag-aayos. Inayos ko kasi muna 'yung mga kalat sa kwarto ko bago nagpalit ng damit.


"Gia, lumabas ka na d'yan!" Zacharias shouted behind the door.


"Yes, love! Ito na!" Binuksan ko agad ang pinto matapos mag-ayos. Bumungad sa akin ang magulong buhok ni Zacharias. Rinig ko naman ang halakhak nila Zaiden at Caleb. Siguro nakipagrambulan na naman 'to.


Nagsimula na kaming kumain sa sala. Nakalimutan naming bumili ng softdrinks ni Zacharias at wala rin akong softdrinks sa ref. Kaya nag-volunteer si Krista na siya na raw 'yung bibili sa labas ng village. Siyempre sinamahan na naman siya ng buntot niya na si Caleb. Mabuti na rin 'yon kasi bibili rin daw sila ng alak para mamaya. Balak daw nilang mag-karaoke habang nag-iinuman. Pucha, ang sabi lunch lang daw kami. Nauwi sa walwal, amp.


Habang wala ang dalawa ay pinagpatuloy naman naming ang panonood ng Itaewon Class. Nasa episode 9 pa lang kami pero 'yung mga kasama namin ni Aria, yamot na yamot na.


"Ang corny na talaga. Aria, ibang movie nalang panoorin natin!" Reklamo ni Evan sa kakambal.


"Papayag lang ako kapag hinalikan mo si Zaiden sa lips," Malokong sabi ni Aria nang hindi sila tinatapunan ng tingin. Agad namang sumama ang mukha ni Evan sa sinabi ng kambal.


"Pre, yamot na yamot na talaga ako. Payag akong halikan mo ako sa lips. 3 seconds lang," Sabi ni Zaiden at pabiro pang sumandal sa balikat ni Evan. Agad naman nitong tinulak ang ulo ni Zaiden.


"Ulol!"


"Tingin mo, mas pogi pa ako kay Park Saeroyi diba?" Biglang tanong ni Zacharias sa akin.


That SmileWhere stories live. Discover now