"Putangina, ayoko na mag-aral!"
Binato ko sa pader ang librong binabasa ko para sa exam namin bukas. Agad ko rin itong kinuha at bumalik sa kama para mag-review ulit. Bukas na ang finals kaya todong pag-aaral talaga ang ginagawa ko. Kapag ako bumagsak, malalagot ako kay Mama at Papa.
"Pumasok na kayo sa utak ko utang na loob. Kailangan ko pumasa!" Para na akong tanga na kinakausap 'yung librong inaaral ko. Kapag numero talaga kalaban parang gusto ko nalang matulog habang buhay.
Tinignan ko ang drawer ko kung saan ko tinago ang aking cellphone para hindi ako ma-distract. Feeling ko I need a friend pero wala naman akong maaasahan sa dalawang 'yon kasi kahit si Krista na jowa ang libro, nanghihina na kapag numero ang usapan. Kapag si Aria naman, wag niyo na alamin. Puro tulog lang naman 'yon.
Pinagpatuloy ko pa ng ilang oras ang pagre-review kahit wala naman talagang pumapasok sa utak ko. I sighed and placed my book under my pillow. 'Yun kasi ginagawa ng pinsan ko kapag ayaw na niya mag-aral. Sabi niya magtiwala nalang sa himala at itabi mo nalang sa pagtulog 'yung reviewer. I was about to take a nap nang biglang may mag-doorbell.
Tamad akong tumayo habang bitbit ang libro ko para buksan ang poncio pilato na kumakalampag ng gate ko. Amputa. Napawi ang ngisi ni Zacharias nang makita ang mukha ko.
"Anong mukha 'yan?" Kita kong pinipigilan niyang matawa nang makita ang bitbit kong libro.
Sa ilang weeks din akong niligawan ni Zacharias, alam na alam na niya talaga na kahinaan ko ang Math. Kung anong galing niya sa numero, 'yon naman ang kinaboplaks ko kaya lagi niya akong tinutulungan.
Tinalikuran ko siya at nauna na sa pagpasok. Umupo ako sa sofa sa sala habang nilapag naman niya ang mga chichirya na dala niya sa coffee table. I continued reading the book pero kinuha niya ito agad.
"Kunwari ka pang naiintindihan mo," Asar niya sa akin.
"Naiintindihan ko kaya!" Tinaasan niya ako ng kilay. "Konti!" I even gestured the 'konti' para maniwala siya.
"Oh, galit ka na naman," Natatawang sabi niya. "Kumain ka muna d'yan para magkalaman naman 'yang utak at tiyan mo,"
Kinuha ko ang Lays at nilantakan 'yon. Mabilis ko lang naubos kaya 'yung Chippy naman sana 'yung kukunin ko.
"Oy, akin yan!" Tinampal ni Zach ang kamay ko kaya nabitawan ko 'yung Chippy.
"Napakadamot mo naman!" Reklamo ko sa kanya at dinampot ulit 'yung Chippy. Napanganga siya nang buksan ko ito at kinain.
"Lumapit ka dito," He gestured me sit closer to him so I did. "Madali lang 'to, ayan,"
My forehead automatically creased when I saw numbers. He was pointing something and explaining at the same time. Tumatango-tango naman ako habang sinusubuan siya ng Chippy.
"Teka lang, 'wag mo muna ako subuan!" Natawa ako nang bigla niyang nilayo ang Chippy sa akin at nilagay ulit sa coffee table.
He continued explaining some formulas to me kaya mabilis ko itong nagets. Kapag may mga hindi naman ako naiintindihan ay tinatanong ko ulit sa kanya kahit ilang beses niya na na-explain.
"Ayoko na! Ang sakit na ng ulo ko!" Reklamo ko kay Zach at naupo sa kabilang sofa para makalayo sa sumpang libro na hawak niya.
"Gets mo naman agad, eh. Basta 'wag mo lang kalimutan 'yung mga formulas. Medyo magulo
rin 'yon," Tinanguan ko lang siya at kinuha na ang remote para manood ng movie. "Nakikinig ka ba, Gianara?"
YOU ARE READING
That Smile
Teen FictionGianara, a girl who chose to leave the provincial life to achieve her dreams in city. She was also very persistent to comflirt her long time crush, Zach, thinking that he was a broken man because his girlfriend cheated on him.