5

16 3 33
                                    

Bakit ang pusher nitong crush ko? Gusto talaga sabihin ko sa kanya kung anong problema ko amp. Baka kapag sinabi kong siya at ang hindot niyang ex ang problema ko, palabasin ako nito sa kotse niya. Siyempre, iisipin niyang maarte ako eh wala namang kami.


Pero pinakain ko siya ng Pizzahut, fried rice, bacon at egg!


"Come on, Gianara. Talk to me,"


"Baka nakakalimutan mong Monday na bukas, Zacharias. Kapag ako na-late dahil sa'yo, uncrush ka sakin," I scoffed.


"I'll take you home once you tell me what is your problem," He said while looking at me. I avoided his gaze at tumingin nalang sa harapan.


"Alam mo, pusher ka. Kapag hindi mo ako hinatid agad, hindi na kita kakausapin kahit kailan. Ipapaluwa ko sa'yo lahat nang pinakain ko sa'yo," I said, getting irritated by his stubbornness.


"Kaya kong isuka mga pinakain mo sa akin at kaya rin kitang kausapin kung gugustuhin ko..." The side of his lips rose. "I know your apartment, remember? I literally just live few blocks away from your apartment, Gia,"


"Share mo lang? Edi lalagyan ko ng 'no hinayupaks allowed inside my apartment' na karatula yung gate ko," Gigil na sabi ko sa kanya. Grabe ang kulit nitong hangal na 'to.


"So, nagkaka-crush ka sa hinayupak?" Mapang-asar na tanong niya.


"Actually, na-uncrush ko na," His mood suddenly changed. He's now frowning tsaka nilipat ang tingin sa manibela.


"You probably have tons of hinayupak crush, I guess, hindi ako yung na-uncrush," Napangisi siya ulit nang mapanganga ako sa sinabi niya.


Hala, ang conyo, crush!


"Grabe, ikaw lang crush ko! Ang kapal naman ng pagmumukha mo, oy!" Angal ko sa kanya. He just laughed at me and started the engine.


"Sabihin mo na sakin ano 'yang kinagagalit mo habang malayo pa tayo sa inyo," He said and maneuvered his car out of the parking lot.


"Bakit ba gusto mo malaman ano yung kinagagalit ko? Grabe, I never thought na chismoso pala 'tong crush ko," Inirapan ko siya tumingin sa bintana.


"Because I know it has something to do with me," Simpleng sabi niya.


"Ay, feeler ka?"


"Sa sobrang obvious mo, even the crews of Pizzahut would know," He answered.


"Bakit mo sila dinadamay? Sila ba pinagseselosan ko?" Agad akong napatakip sa bibig ko nang mapagtanto kung ano yung nasabi ko.


Jusko mahabagin! Tama pala talaga yung sinabi nila Mama at Aria na walang preno tong bibig ko! Anaknampucha!


"Sinong pinagseselosan mo?" Kunot noong tanong niya sakin.


"Luh, sinong pinagseselosan ko?" Patay malisyang balik ko sa kanya. He just sighed and did not answer me.


Tinalikuran ko siya at tumingin ulit sa bintana. Grabe, alam kong ang OA nitong reaction ko. Pero masisisi niyo ba akong magselos nang bongga sa long time crush ko? Ampucha. Ilang taon ko rin 'to naging crush si Zach 'no. May mga naging crush din naman ako bukod sa kanya, mga sampu rin siguro 'yon every year. Pero at the end of the year, siya pa rin talaga natitira. Malay ko bang fuckboy yung siyam na naging crush ko.


Nang makarating na sa apartment ko ay nagpasalamat na ako sa kanya at pumasok na sa loob. Kumuha ako ng damit sa cabinet ko at dumiretso na sa bathroom para maligo. I did my skin care routine after taking a bath. Malapit na mag 10 nang matapos ako kaya nakaramdam na rin ako ng antok. I was about to go to sleep nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko. Pucha, hindi ko pala na-off yung wifi.


That SmileWhere stories live. Discover now