Yakap yakap ko ang sarili ko kasi siyempre, suot ko lang naman hoodie ng crush ko. Ha, you could never! Charot.
Tumutikhim-tikhim lang sa likod si Aria para asarin ako kaya nilingon ko siya. She mouthed 'hindot' causing me to laugh. Tinignan naman ako agad ni Zach kaya tumahimik ako ulit.
"Dito nalang ako, Zach," Sabi ni Aria. "Salamat. Mag-iingat kayo," Pagpapa-alam niya and got off the car. Sinabunutan pa ako ng gaga bago tuluyang bumaba kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Mag-iingat ka rin, Aria," Zach smiled at her.
"Sinong kikitain mo diyan? Ikaw ha, sumbong kita kay Evan," I told her.
"Ulol, wala," Inirapan niya ako. "Zach, mag-iingat ka sa kaibigan ko, nangangagat 'yan. Bye!" Agad niyang sinarado ang backseat saka tumakbo palayo nang patawa tawa.
Natawa na lamang ako at sinimulan naman ni Zach ang pagmamaneho. Ang awkward kasi kaming dalawa lang. Ampucha medyo malayo pa naman yung apartment ko sa bahay nila Aria. Nag-iisip pa ako ng pwede naming pag-usapan nang bigla siyang magsalita.
"Nangangagat ka ba talaga?"
"Ha?" Gulat na tanong ko. Grabe, naniwala ba siya doon?
"Aria said na mag-ingat ako sa'yo kasi nangangagat ka," He said not taking his eyes off of the road.
"Oo, lalo na pag ikaw kakagatin," I casually said kaya napaubo naman siya.
Napansin ko naman na biglang bumilis ang takbo ng sasakyan kaya napatawa ako ng malakas.
"Bagalan mo, hoy!" Sigaw ko sa kanya. "Tingin mo talaga kakagatin kita?" Natatawang tanong ko sa kanya. Bumalik naman sa normal na speed yung pagpapatakbo niya kaya napahinga ako ng maluwag ng slight.
"Saka na kita kakagatin kapag di ka na broken," Sabi ko. Nakita kong napakunot ang kanyang noo.
"I am not broken hearted, Gia," He said nang nakakunot pa rin ang noo.
"So, pwede kang kagatin ngayon?" Nanlalaki ang matang tanong ko. Pinitik niya ang noo ko nang mag-red na ang traffic light.
"Puro ka kalokohan," Iiling-iling na sabi niya.
"Sure ka ba d'yan?" Tanong ko habang hawak pa rin ang noo kong pinitik niya. Ano bang kamay ang meron 'tong lalaking to at ang sakit mamitik.
"I am more than sure, Gia. Wala ka pa atang nasasabi na matino sa akin," Sabi niya at nagmaheho ulit nang mag-green lights na.
"Grabe, ang judger!" Sigaw ko sa kanya.
"Very noisy," Iling niya pa ulit.
I pouted and just looked out of the window. I was thinking of what he said. Grabe, hindi ba talaga ako matino? Sabi naman ni Mama normal ang pag-deliver niya sa akin. Kapag naman nadadapa ako noong bata pa ako, hindi nababagok ng malakas 'yung ulo ko.
Tsaka matino naman yung sabi ko na i-comflirt siya ah. Grabe siya pa lugi sa akin.
"What are you thinking?" Tanong niya.
"Wala naman," Sagot ko. Seems like hindi siya naniniwala.
"Then why are so quiet?" Tanong niya ulit. Grabe, inaanak ba siya ng pinsan ni Tito Boy?
"Naisip ko lang..." I trailed off. "...diba kanta yung noisy?" Napataas ang kilay niya sa tanong ko.
"What?"
YOU ARE READING
That Smile
Roman pour AdolescentsGianara, a girl who chose to leave the provincial life to achieve her dreams in city. She was also very persistent to comflirt her long time crush, Zach, thinking that he was a broken man because his girlfriend cheated on him.