10

23 3 0
                                    

"Zaiden, tulong naman dito!"


Tinatawanan ko ang pagmumukha ni Evan habang hawak niya ang kambal niya. Si Aria sobrang gulo na ng buhok at iritang nakatingin kay Evan. Si Krista naman nakaangkla ang braso sa akin habang tumatawa at halatang lasing na rin.


"Evan, bitawan mo ako! Naiihi ako, hoy! Ano ba?" Inalis ni Aria ang braso niyang pinulupot ni Evan sa bewang nito. "Sige, ngumanga ka. Iihi ako!"


Agad kong hinila si Aria kahit hilong-hilo pa ako. Muntik pa kami matumba ni Krista buti nalang nahawakan kami ni Zach. Tumawa lang ako sa hinawakan sa braso si Aria.


"CR lang kami. Inom lang kayo d'yan, enjoy!" Tatalikod na sana ako nang may naalala akong dapat sabihin. Nahila pa ulit sila Krista at Aria kasi nakahawak sila pareho sa braso ko. Linta ba 'tong mga 'to amp.


"Hoy, Zacharias! Subukan mong humarot katulad ni Zaiden, kukurutin ko singit mo gamit ang nail cutter," Tumawa ulit ako at hinila na sila Aria at Krista papunta sa CR.


Pasuray-suray kaming naglalakad tatlo papunta sa CR. Pupunta pa sana ulit si Krista sa dance floor para mag-twerk na naman pero hinila namin siya ulit. Nang makarating sa CR agad sumuka si Aria sa isa sa mga cubicle habang si Krsita naman halos sumubsob na sa inidoro. Hinila ko siya at hinarap sa salamin sa sink.


"Umayos ka, sobrang pangit mo na. Baka pagbayarin tayo ni Caleb sa ininom natin kapag nakita 'yang pagmumukha mo," Sabi ko sa kanya habang inaayos ang buhok niya sobrang gulo na at suot niyang medyo nagusot.


Tumayo si Krista sa tabi namin at inayos din ang pagmumukha niya. Tinulungan niya akong ayusin ang pagmumukha ni Krista habang tawa kaming nang tawa. Inuuto lang namin siya na magpaganda para mailibre pa kami ni Caleb ng alak.


"Sinong atapang atao?" Pang-uuto ni Aria kay Krista.


"Krista lang malakas," Sagot naman ni Krista at hinampas-hampas pa 'yung dibdib niya. Natawa na naman kami at nag-unahan sa paglabas ng CR.


Nagulat ako nang makita namin si Caleb, Evan, Zach at Zaiden sa labas ng CR. Napapatingin ang ibang mga babae na dumadaan pero para lang silang walang pake. Nilapitan nila kami nang nakita kaming paparating.


"Pucha, lagot ako kay Mama nito," Sabi ni Evan at inalalayan na ang kapatid niya.


Napatingin ako kay Krista na halos matumba na kaya hawak na ni Caleb. Muntik na ako matisod buti nalang nahawakan ako ni Zach kaya napangisi ako at napatingin sa kanya.


"Baho ng bunganga mo," Sabi niya kay hinampas ko siya sa ulo at inalis ang kamay niya na nasa bewang ko. Binalik niya naman ito nang muntik na naman ako matumba.


"Anak ng?! Bakit niyo pa ako sinama dito?! Wala naman akong aalalayan!" Reklamo ni Zaiden at napatingin sa babaeng dumaan sa gilid namin. Hinampas naman siya ni Zach ng purse.


"Hoy, akin 'yan!" Inagaw ko sa kanya ang purse ko at niyakap.


"Iuwi na natin 'tong mga 'to," Sambit ni Caleb at kinaladkad na si Krista paalis. Sumunod naman si Evan at Zach habang kaladkad din kami ni Aria.


"Shit, 'yung mga chicks ko," Nanlulumong sabi ni Zaiden habang nakasunod sa likuran namin. Napahinto kami nang bigla kaming sinalubong ni Marian habang hawak ang isang Black Label at red cup sa magkabilang kamay. "Ay shit, isang pang chicks,"


"Hi, uuwi na ba kayo?" Tanong niya at inirapan lang si Zaiden.


"Oo, eh. Bagsak na 'tong mga kasama namin," Sagot ni Zacharias. "Nauna na sila Evan at Caleb sa labas dala si Krista at Aria," Dagdag ni Zach nang mapansin ni Marian na wala na 'yung dalawang kasama niya mag-twerk sa dancefloor kanina.


That SmileWhere stories live. Discover now