"Hoy, true ba?!" Agad napatalon si Aria sa kinauupuan niya dahil sa sigaw ko.
"Puchangama, ang ingay ng bunganga mo," Sabi niya at bumalik sa pagdukdok sa armrest ng upuan niya.
"Good morning din naman sa'yo, Gia. Umagang kay harot, friend," Patawang sabi ni Krista nang maupo ako sa harap nilang dalawa ni Aria.
"Break na talaga si Zach at Sheena? Nag-cheat ba si Sheena? Sabi ko na nga ba cheater yung babaeng 'yon!" Pagwawala ko sa harap nilang dalawa.
"Okay lang ba si Zach? Broken ba siya? Kamusta puso niya? Comflirt ko muna siya pakisabi kay prof nasa building lang ako ng engineering," Akma na akong tatayo nang bigla nila akong hinila paupo.
"Hindot ka, magtigil," Sabi ni Aria at pabiro akong sinabunutan. Violent ha!
"Chance ko na 'to! Magkaka-lovelife na ako lalo pa't wala na ang sampid na Sheena na 'yon!" Tatayo na sana ako ulit nang kurutin ako ni Krista sa bewang.
"Aray ko, Mama!" Sigaw ko at naupo ulit. Ang sakit non ha!
"Yan din sabi mo nung nag-break si Chloe at Zach pero di ka pa rin jinowa. Umupo ka diyan," Agad ako napamaang sa sinabi ni Krista at umaktong nasasaktan.
"Pasmado ka ah! Ouchy yon!" Sabi ko sabay hawak sa dibdib ko.
"Sabi ni Evan punta sila mamaya sa club nila Caleb. Baka para i-comfort si Zach," Agad akong napahawak sa kamay ng dalawa nang marinig ang sinabi ni Ari.
"Ayoko, Gia. Nakakatamad," Hawi ni Krista sa kamay ko kaya napatingin naman ako kay Aria.
"Ayoko, matutulog ako mamaya," Hawi rin si Ari sa kamay ko.
"Anaknamputo, wala pa nga akong sinasabi eh!" Reklamo ko sa kanilang dalawa.
"Alam na namin likaw ng kahindutan mo, Gia," Irap ni Aria sa'kin.
"Ay, sigurado ka?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Oh talaga? Wala ka talagang plano na pumunta sa club nila Caleb para harutin si Zach?" Nanliit na matang tanong ni Krista sakin.
"Apkors, meron! Opportunity 'yon mga madi!" Sabi ko sa kanila at tumawa.
"Samahan niyo na kasi ako," Pilit ko sa dalawa.
"Manahimik ka, nandiyan na si prof," Napanguso nalang ako at nakinig sa prof.
Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi ng prof at kasabay non ang pagka-stress ko ng very light. Ang daming pinapagawa amp. Tini-take note ko nalang utak ko.
Charot, wala oyat utak.
Kinuha ko ang notebook ko nang di kinaya ng aking utak ang mga sinasabi ni prof. Nabuklat ko sa pinakalikod na part yung notebook ko at nakita ang pangalan ni Zach doon. Amp corny pero nakakakilig ng very light.
"Paalala lang sa projects niyo, pass it on Monday. Dismiss," Sabi ni Miss at umalis na.
"Tara na. Kila Aling Rum tayo, gusto ko ng sisig," Sabi ni Aria at hinila na kami palabas ng campus.
"Ako, gusto ko masisid," Biglang sabi ko kaya kinurot na naman ni Mama Krista yung bewang ko.
"Aray ko, Krista!" Angal ko.
"What the frick ka, hindot," Sabi niya.
Nang nakahanap na kami ng upuan ay kinulit ko na naman silang dalawa. Gusto ko talaga makita si Zach. Baka sa time na 'to, mapansin niya na ako. Baka kami talaga ang para sa isa't isa at hindi si Sheena o Chloe. Cheaters amp. Buti pa ako loyal.

YOU ARE READING
That Smile
Teen FictionGianara, a girl who chose to leave the provincial life to achieve her dreams in city. She was also very persistent to comflirt her long time crush, Zach, thinking that he was a broken man because his girlfriend cheated on him.