Bumalik muna ako sa apartment ko para magbihis at kunin ang mga gamit ko para sa research. Nang matapos na ako sa pagligo at lumabas na ako sa apartment ko at naglakad pabalik sa apartment ni Zach. Tinawagan ko muna si Dirk para ipaalam na hindi ako makakatuloy sa usapan namin. After a few rings ay sinagot niya naman ito agad.
"Hello?" Bungad ni Dirk. "Gia, g ka ba today?"
"Hello, Dirk!" Bati ko. "Ano eh... hindi ako pwede today.." Inayos ko ang pagdadala sa laptop ko at napakagat sa labi. "Wala kasi ako sa apartment ko. Pero gagawin ko naman 'yung part ko, 'wag ka mag-alala,"
"Ganoon ba? Okay.." He trailed off. "Sabihan mo lang ako if you need help with your parts, okay?"
"Yes, sure. Thank you! Tsaka sorry rin talaga," Sabi ko at pumasok na sa apartment ni Zach. Tumaas naman ang kilay niya nang makitang may kausap ako sa phone.
"Okay lang, Gi. Dito ko nalang gawin sa coffee shop 'yung part ko. Ingat ka d'yan," Pucha nagpapa-guilty pa ata 'to, eh.
"Hala, sige. Sure ka ba talaga na d'yan mo nalang gagawin? Pwede naman sa bahay niyo nalang," Tumaas na naman ang kilay ni Zacharias habang pinagmamasdan ako.
"I'll go home later kapag na-bored ako dito," Sabi ni Dirk.
"Sige, ingat ka d'yan. Sorry talaga ulit," Binaba ko na ang tawag kasi ang sama na tumingin nitong katabi ko.
"Tinitingin mo d'yan?" Maangas na tanong ko sa kanya. Umiwas lang siya ng tingin at umiling-iling pa.
Kinuha niya na rin ang laptop niya para matulungan ako sa gagawin ko. Pinakialaman ko naman ang fridge niya sa kusina at kumuha ng mga chichirya doon. Nagtimpla ako ng juice at dinala iyon sa sala kung saan namin ginagawa ang parts ko sa research. I sat beside him and placed my laptop sa lap ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang malapit na siya matapos.
"Ang bilis mo naman?" Gulat na tanong ko. "Hindi pa nga ako nakakalahati sa ginagawa ko!"
"Makupad ka lang talaga," Mayabang na sabi niya.
He finished the first part kaya tinulungan niya na naman ako sa ginagawa kong part. Halos siya na nga ang gumagawa eh. Ako lang tagasubo sa kanya ng chichirya at tagabigay ng juice. Sinarado na niya ang laptop ko at nilagay sa couch. Nasa lapag lang kasi kami nakaupo at nakasandal sa couch. Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.
"Wala ka bang mga dapat gawin?" Tanong ko sa kanya.
"Nagawa ko na lahat nung Thursday," He answered. "Ayoko nang nagca-cramming," Natawa naman ako kasi baliktad pala kami. Ginagawa ko lang 'yung mga pinapagawa kapag malapit na ang deadline, eh.
"At dahil tinulungan mo ako, anong gusto mong lutuin ko for you?" I smiled at him widely. Umahon naman siya mula sa pagkakasandal sa akin at tinignan ako.
"Ipagluluto mo ako? Gaano ka-safe 'yan?" Tinulak ko ang pagmumukha niya kaya natatawa naman niyang inalis ang kamay ko.
"Ikaw na nga ipagluluto, iinsultuhin mo pa ako," He just laughed at me and held hand.
"Naks, nagtatampo bata namin," He teased me and poked my cheek. "Pagluto mo ako ng adobo,"
"Shet, adobo? Basic lang 'yan!" Tumayo ako agad at nagpunta sa kusina para maghanda sa pagluluto. "Watch and learn," He laughed at me when I winked at him at pinusod ang buhok ko.
"Kapag talaga sumakit ang tiyan ko, nako, Gia!" Binato ko siya ng basahan na nakita ko sa gilid ng rice cooker niya pero nasalo niya lang ito.
YOU ARE READING
That Smile
Teen FictionGianara, a girl who chose to leave the provincial life to achieve her dreams in city. She was also very persistent to comflirt her long time crush, Zach, thinking that he was a broken man because his girlfriend cheated on him.