Hindi sumama ang boys sa amin nang tawagin sila ng coach nila para sa training. Nakahinga naman ako nang maluwag. Baka magulat sila Mama at Papa na ang dami kong friendship dito sa Cebu. Mga lalaki pa.
"Titaaaa! I missed you po!"
Humalik sa pisngi sila Aria at Krista kay Mama pagkatapos magmano. I did the same thing as soon as I placed my bag on the couch. Their baggages were still at the sala.
"Mga anak!" My mom shouted at glee. "Kumain na ba kayo ng miryenda? Gumawa ako ng sandwiches. Tignan niyo sa kusina!"
"We're still full, Tita. But hindi namin palalampasin 'yang sandwich mong matagal na naming hindi natikman!" My mom laughed at Aria nang hinigit nito si Kris papunta sa kusina. I know they wanted us to have a time together.
I smiled at my mom and hugged her. "I missed you, Mama..."
"I missed you too, 'nak.." She kissed my forehead and looked at me. "Blooming na blooming ka, ah? Hiyang ka ata sa first ever boyfriend mo."
Muntik na akong mabilaukan sa sinabi ni Mama. Mapang-asar ang ngiti nito at sinusundot ako sa bewang. Namula naman ang pisngi ko habang sinasangga ang sundot niya.
"Hindi naman, Ma.. slight lang," She laughed heartily and pinched my waist. "Hindi ka galit, Ma? Hindi ko nasabi sa'yo agad na may jowa na ako.."
"Nagulat ako siyempre. Nagtampo rin. Pero hindi ako nagalit. Nasa tamang edad na ka rin naman, Gi," Hinaplos ni Mama ang buhok ko at niyakap ako ulit. "Hindi tulad ng Papa mo na ang arte kung maka-react. Akala mo naman magpapakasal na 'yung anak niya nang tumawag si Zacharias para magpakilalang jowa mo."
Tumawag?
"Anong maarte?"
Napalingon kami sa nagsalita. Nakasandal si Papa sa hamba ng pintuan sa guestroom. Mukhang inutusan na naman ni Mama na ito ang mag-ayos ng mga gamit nila.
"Papa!"
"Naks, anak, tumangkad ka ng konti. Tantya ko mga 3 inches," Pang-aasar niya sa akin nang bumitaw ako sa pagkakayakap.
"Wow, pumuputi na buhok natin, ah? Kpop?" Pang-aasar ko rin sa kanya. Sinamaan niya naman ako ng tingin at piningot sa ilong.
"Mana ka talaga sa Mama mo, pareho kayong pandak."
Nakahawak ako sa bewang ni Mama at Papa nang pumasok kami sa kusina. Nag 'aw' naman sila Aria at Kris kasi ang cute daw naming tatlo. Akala ko nga aso sila, eh.
"Oh, nandito rin pala kayo? Kumpleto ang powerpuff girls!" Pang-aasar ulit ni Papa. Hinigit naman ni Mama ang kanyang tenga kaya napadaing siya sa sakit.
"Ang mature mo talaga mag-isip."
Naupo na kami sa lamesa ni Mama habang si Papa naman ay nanatiling nakatayo sa likod ng upuan ni Mama. Apat lang kasi upuan ng dining table kaya tayo tayo muna 'tong tatay ko.
"Papa-add ako ng isa pang upuan dito. Teka, order ako sa Shopee," Kinuha ni Papa ang cellphone niya sa bulsa niya at umaktong nagda-dial.
"Wow! Yaman natin, Tito, ah?" Natatawang sabi ni Aria.
"Siyempre naman, Buttercup," Malokong sagot ni Papa.
Hindi nagtagal sila Aria at Kris dito sa apartment ko at umuwi agad nang mag 7 PM. Sabi pa nga ni Mama na dito nalang sila kumain kaso tumanggi ang dalawa. Busog pa raw sila sa sandwich na ginawa ni Mama. Kahit ang totoo naman ay gusto nila na magkaroon kami ng time tatlo ng mga magulang ko. Napangiti na lamang ako matapos kong ihatid sa labas ang dalawa. Si Papa ay tinutulungan si Mama sa paghahanda ng lamesa para makakain na kami.
YOU ARE READING
That Smile
Teen FictionGianara, a girl who chose to leave the provincial life to achieve her dreams in city. She was also very persistent to comflirt her long time crush, Zach, thinking that he was a broken man because his girlfriend cheated on him.