Hindi pa rin ako makapaniwala na nililigawan na ako ni Zach. Pucha, sabi na nga mahuhulog din 'yon sa charm ko! Sagutin ko rin 'yon agad.
Late na pero gising na gising pa rin kaluluwa ko. Pero pinaka-active na gumagana sa katawan ko ngayon 'yung mga mahaharot cells ko talaga. Parang may fiesta sa sobrang tuwa. Mana talaga kayo sa'kin.
I heard my phone beeped kaya kinuha ko agad iyon sa side table. I covered my mouth to stifle squeal. Si Zacharias nag-text, hayop na 'to! Hindi pa nga humuhupa kilig ko eh.
Zach:
hey
tulog ka na ba?
Gia:
hello, tulog na ako
Zach:
sige tulogwell
Napakunot ang noo ko sa reply niya. Annoying ka ng very light!
Gia:
alam mo ikaw,, panira ka ng kilig
Zach:
ayos lang ako rin naman dahilan kung bat ka kinikilig
My lips parted after reading his message. Ang kapal ng mukha! Paano niya nalaman?!
Zach:
alam kong kinikilig ka na ulit
kalma ako lang to
matulog ka na dyan
goodnight gi dream of me
pero wag mo ako pagnasahan
Talaga namang napakakapal ng mukha nitong manliligaw ko. Parang noong nalasing lang ako sa club nila Caleb, sobrang sungit. Pinalinis pa ako ng kotse amp. Tapos ngayon, ibang level na yung kakapalan ng mukha. Iba talaga kapag sa Gianara ka dumidikit, kumakapal din mukha mo.
Gia:
kahit crush kita hindi kita pinagnanasahan
minsan lang
charot gudnyt c u
Nilapag ko na ulit ang cellphone ko sa side table. Hinila ko ang comforter hanggang sa mukha ko at napasipa dahil sa kilig. Wala na akong pakialam kahit para na akong tanga. Nang makuntento na ako kakasipa ay humiga na ako ng maayos. I sighed and looked at my ceiling. Afterwards, I fell asleep.
I woke up feeling so energetic. Naks, Enervon. I went to my bathroom to take a shower. Nagluto rin ako ng scrambled egg for breakfast kasi naalala ko 'yong itlog ni Zach. 'Yung niluto niya, iba naman 'yong literal na itlog. Sa gabi ko lang naaalala 'yon eh. Charot.
Nang matapos na ako kumain ay pumasok ulit
ako sa kwarto para mag toothbrush. Narinig kong may nagdo-doorbell kaya nagmamadali akong lumabas kahit may toothbrush pa na nakasalpak sa bibig."Keka rang!" I shouted. Nanlaki ang mata ko nang tumambad sa aking harap ang isang nilalang na sobrang fresh at ang sarap kainin.
Ang aga pa nagkakasala na ako kay Lord. Sorry po talaga, ibang rupok lang talaga ang hatid nitong lalaki sa harap ko.
"Umagang kay dugyot, Gia," Bati ni Zach sa akin at tinulak ako papasok ng apartment.
"Aray! Awo ba, 'wag ka marulak!" Muntik na ako matisod sa sobrang lakas niya manulak. Parang papel lang ata bigat ko sa kanya amp.
YOU ARE READING
That Smile
Teen FictionGianara, a girl who chose to leave the provincial life to achieve her dreams in city. She was also very persistent to comflirt her long time crush, Zach, thinking that he was a broken man because his girlfriend cheated on him.