"Huh?"
"What? Makalat pa rin ba?" Zach asked again. Agad naman nanlaki ang mata ko nang ma-gets ang tanong niya.
"Hindi," Agap ko. "Ano lang... sure ka ba?" I asked him. I was surprised nang lumabas siya sa sasakyan niya at tumayo sa harap ko.
"Let's go," Hindi ko na siya napigilan nang kinuha niya ang groceries sa kamay ko.
"Can you please unlock the gate? Mabigat din 'tong mga dala ko," He said kaya agad naman akong napakilos at kinuha ang susi sa bulsa ng jacket ko.
"Sino ba kasing may sabi na kunin mo 'yang groceries ko," I scoffed.
"Sa payat mong 'yan, baka kahit isang plastic lang hindi mo kayanin," Asar niya sa akin.
"Sus, ang sabihin mo ayaw mo lang ako mahirapan kasi crush mo ako," Asar ko pabalik. Binuksan ko na ang pinto ng apartment ko at hinarap siya.
"Crush mo na ba ako? Wala pa nga akong ginagawang comflirt sa'yo, nahulog ka na," He just rolled his eyes.
"Napunta na ba lahat ng fats mo sa katawan sa mukha mo? Ang kapal na masyado, Gia," Mapang-asar na tugon niya at tinungo at kusina para ilapag ang groceries.
Napanganga ako at napahawak sa pisngi ko to check if makapal na ba talaga yung mukha ko. Hindi naman masyado, ah?
"Lutuan mo ako," Walang hiyang sabi ko sa kanya. He just looked at me and nodded his head.
"Totoo? Omg!" I shrieked.
"Oo, kaya magbihis ka na doon at tumulong sa paghihiwa dito. 'Wag kang palamunin," He said while getting the groceries out of the plastic.
"Excuse me? I paid for those, tagaluto ka lang," Asar na sabi ko.
"Maliligo lang ako. 'Wag mo na lagyan ng gayuma yung pagkain, patay na patay na rin naman na ako sa'yo," I gave him a finger heart bago kumaripas ng takbo papunta sa kwarto ko. Napahalakhak ako habang kumukuha ng pambahay na damit at towel.
I was humming while taking a shower. Grabe kahit sobrang liit na bagay pag related kay Zach, solid ang kilig. Pero sino ba naman kasing hindi kikiligin kung lulutuan ka ng crush mo? Kahit siguro pangit ang lasa, tatanggapin 'yan ng puso, tiyan at isip ko. Shet.
Anong break? Sinong may sabi na ibi-break ko crush ko? Norway!
Tinagalan ko talaga ang pagligo. Naghilod ako ng bongga, dalawang beses ako nag-shampoo at tatlong beses nagsabon. Nagsuot ako ng denim short at green sweater. Naglagay lang ako ng liptint at cheek tint para naman hindi ako magmukhang pale. Naligo rin ako ng perfume para mabanguhan si Zach sa akin. Naamoy ko pa naman siya kanina ampucha sobrang bango. Sarap singhutin all day.
Lumabas na ako ng kwarto at nagtungo na sa kusina. Naabutan ko siyang nakaharap sa stove kaya agad ko siyang nilapitan.
"Uy, bacon and egg!" Masayang bungad ko kaya napalingon siya sa akin. Agad niya ring binalik ang tingin niya sa niluluto.
"Umupo ka na roon. Malapit na 'to matapos, fried rice nalang yung kulang," Sabi niya nang hindi inaalis ang tingin sa niluluto.
"Ako na sa fried rice!" Pagprisinta ko. Tumango lamang siya kaya agad kong kinuha ang mga kailangan bago tumabi sa kanya sa stove.
Sinimulan ko na ang pagluluto ng fried rice. Scrambled egg naman ang niluluto ni Zach.
"Ang bango ng itlog mo!"
YOU ARE READING
That Smile
Teen FictionGianara, a girl who chose to leave the provincial life to achieve her dreams in city. She was also very persistent to comflirt her long time crush, Zach, thinking that he was a broken man because his girlfriend cheated on him.