Tahimik akong nakasakay sa shotgun seat ng kotse ni Zach. Nakahawak ako sa seatbelt ko habang kagat ang aking labi. Si Zacharias naman ay mabilis ang patakbo ng kotse at mahigpit ang hawak sa manibela.
Jusko! Gusto kong kiligin kasi alam kong nagseselos siya kay Dirk. Pero ayoko naman mamatay kaming dalawa ng maaga dahil lang sa selos niya, 'no!
Nagtaka ako nung lumagpas kami sa apartment ko at pati na rin sa bahay niya. Hininto niya ang kotse niya sa pinakadulo ng village namin. Isa itong malawak na bakanteng lote at may maliit na kubo pero masyado itong open para matirhan. Bale, tambayan lang siya ganon.
Akma akong bababa nang napansin ko na hindi gumagalaw si Zacharias. Binalik ko ang seatbelt ko at nag-aalangang tumingin sa kanya. Diretso lang ang tingin niya sa harapan at nakahawak pa rin ng mahigpit sa manibela. Nainggit nga ako ng slight, eh. Gusto ko hawakan niya rin ako ng ganon sa leeg ko. Char!
"Zach.."
Hindi niya ako pinansin kaya kinalas ko na ang seatbelt ko at harap siya ng maayos.
"Huy.." I poked his arm pero iniwas niya ito. Grabe, ang arte! "Kausapin mo ako!"
Irita niya lang akong binalingan ng tingin at binalik ang tingin sa harap, slightly pouting his lips. Cute!
"Aksidente lang naman 'yung nakita mo kasi hinila lang niya ako para 'di ako mabangga ng mga shs na nagtatakbuhan!" Pag-explain ko sa kanya habang nakanguso. "Hindi nga ako pumayag nung nag-aya siya ng dinner."
"He did what?" Gulat siyang napalingon sa akin. "He asked you on a dinner? Gagong 'yon, ah?"
Mas lalong humigpit at pagkakahawak niya sa manibela habang nakakunot ang noo. Hindi ako dapat matuwa pero bakit ang cute niya magselos?! Nakakaloka!
"Why are you smiling, Gianara?" Mas lalo akong ngumiti nang lumingon siya sa akin habang nakakunot pa rin ang noo.
"Bakit ka nage-english d'yan?" Malokong tanong ko sa kanya.
"E'di bakit ka nakangiti d'yan, Gianara?" Pilosopong sagot niya at binuksan ang kotse para lumabas. Natawa naman ako nang malakas at sumunod sa kanya papunta sa kubo.
Simple at maliit lamang ang kubo na nandito sa lote. May lapag siya at pinto. Natural may lapag talaga. Ano 'yun? Floating kubo? May bintana rin sa magkabilang side kaya open na open. Nagtataka akong nakatingin kay Zach nang mabuksan niya ito gamit ang susi na kinuha niya sa bulsa niya. Sumunod ako sa kanya papasok at naupo sa lapag.
"Kaninong kubo 'to?" Tanong ko sa kanya.
"Sa mga ninuno ko," Wala talagang kwenta sumagot 'to.
"Seryoso kasi! Baka may makakita sa atin dito, ha? Tapos isumbong tayo sa may-ari!" Sabi ko sa kanya. "O baka 'yung may ari mismo 'yung makakita sa atin! Kasuhan pa tayo ng trespassing!"
Inirapan niya naman ako na parang ang tanga ng mga pinagsasasabi ko. "Kasama mo na nga ang may-ari."
"Ay, sa inyo 'to?!" Gulat na tanong ko.
"Obvious ba?"
Sungit!
Hindi ko muna siya ginulo at mukhang nago-order na naman ng makakain namin. 7 PM na rin kasi kaya madilim na. Buti nalang may ilaw dito. Mukhang tambay talaga dito si Zacharias kasi may dalawa pang beanbag pero sa lapag talaga kami umupo. Malinis dito at may flatscreen na TV at controllers. Pucha. May ganito rin siya sa bahay niya, ah?! Yaman talaga nitong jowa ko. Bagay na maging daddy. Daddy ko. Pati ng mga magiging anak ko. Ahay!
YOU ARE READING
That Smile
Teen FictionGianara, a girl who chose to leave the provincial life to achieve her dreams in city. She was also very persistent to comflirt her long time crush, Zach, thinking that he was a broken man because his girlfriend cheated on him.