"Hoy!"
Binilisan ko ang paglalakad ko para maabutan si Zach. Ang bilis maglakad amp. Kitang ang liliit ng biyas ko tapos yung isang step niya dalawang steps na ata para sa akin.
"Ayusin mo pagdadala sa bag ko, Zacharias! Jusko, ang mahal niyan!" Sigaw ko ulit sa kanya nang makitang halos ibalibag na niya yung pagdadala sa bag ko. Pucha kapag 'yan nasira, bawas allowance ko na naman 'yan.
"Hoy, may racing ba kayong dalawa?!" Rinig kong sigaw nila Caleb sa likod ko. Wala talagang kwenta 'tong tatlo, puro lang sila tawa. Ewan ko kung anong funny.
Nakalagpas na kami sa field habang si Zach naman ay papasok na sa Spades. Ang Spades ay ang parking lot. Hindi ko alam bakit Spades, siguro dahil related sa cards 'tong name ng school namin. Ang pauso amp.
Nagtaka ako nang matanaw ko sila Aria at Kris sa bench ng Spades. Mas binilisan ko ang paglalakad para makarating agad doon. Nagtatawanan silang dalawa at naghihilaan ng buhok.
"Bakit nandito kayong dalawa?" Bungad na tanong ko sa kanila.
"Bakit nandito ka rin?" Barumbadong tanong ni Aria. Inambahan ko siya ng suntok.
"Ang tagal niyo naman!" Reklamo ni Krista. Grabe, naguguluhan ako. Ano 'to? Get together?
"Krista babes!" Nakita kong nalukot ang mukha ni Krista nang marinig ang boses ni Caleb.
"Pucha, bakit kasama 'yan?" Agad niyang niyang tinanggal ang pagkakaakbay ni Caleb sa kanya.
"Hoy, anong meron? May meeting ba tayo? Inaabangan? May suntukan ba?" Sunod sunod na tanong ko sa kanila.
"Hindi niyo ba na-inform 'to?" Turo ni Aria sa akin.
"Paano namin mai-inform 'yan? Nag-LQ agad sila ni Zach naghabulan pa papunta dito," Sabi ni Zaiden.
"Gara, nag-LQ ang walang label," Asar ni Aria sa akin.
"Wala ka lang crushlife eh," Ako naman ang inambahan niya ng suntok kaya tumakbo ako palayo sa kanya.
"Pupunta tayo sa Ayala, tambay lang," Sabi ni Evan sa akin. Agad naman akong napangisi at tumabi kay Zach.
"Tara na! Kay Zach ako sasabay," Tumawa ako pero inirapan lang ako ni Zach. Pucha, anong problema nito?
"At dahil suportado namin kaharutan mo..." Pinagtutulak ni Aria kambal niya pati si Zaiden sa kotse ni Evan. "Mauna na kami. Sumunod kayo agad sa Ayala ha, wag kayo sa Sogo dumiretso," Dagdag niya pa.
"Ayoko nga sumabay sayo! Hoy, sama ako diyan!" Narinig kong sumigaw si Krista kila Evan. Hindi naman siya pinansin kaya sapilitan na siyang pinasok ni Caleb sa kotse nito.
"Ang arte mo, ikaw pa talaga lugi sa akin," I heard Caleb said to Krista before entering his car. "Bye mga tropa," Agad niyang pinaharurot paalis ang kanyang sasakyan.
Naiwan kaming dalawa ni Zach sa Spades. Humarap ako sa kanya para sana ayain siyang umalis na rin.
"Hoy tar-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang sinabit sa leeg ko yung backpack ko na dala niya.
"Pucha ka, yung leeg ko!" I shouted at him. Tinalikuran niya lang ako sa naunang pumasok sa kotse niya.
Sumunod ako sa kanya at pumasok na rin sa sasakyan. Hawak hawak ko ang leeg ko kasi na-dislocate ata yung isa sa mga ugat ko.
YOU ARE READING
That Smile
Novela JuvenilGianara, a girl who chose to leave the provincial life to achieve her dreams in city. She was also very persistent to comflirt her long time crush, Zach, thinking that he was a broken man because his girlfriend cheated on him.