IKATLONG KABANATA

206 1 0
                                    

             “Kamusta?”

            Ito ang unang salita na binitawan nya pagkapasok ng kwarto. Agad naman akong napatingin sa kanya at nagpunas ng aking luha. Biglang tumigil ang pananakit ng aking ulo at unti-unti akong huminahon.

            Muli akong tumingin sa orasan at pagkaraa’y sa kanya. Tapos na ang visiting hours kaya malaking palaisipan sa akin kung papaano sya nakapasok sa kwarto, tanging pamilya lamang ang pinapayagang manatili hanggang ganitong oras.

            “Nakakaabala ba ako?”

 

            “Hindi”

            Agad akong napasagot na nagpangiti sa kanya. Tuluyan syang pumasok sa silid at marahang isinara ang pintuan. Umayos naman ako sa aking pagkakahiga at humarap sa kanya.

            “Salamat” sa tulong mo ngayon at nung isang gabi. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya doon ng mga oras na yun pero masaya ako at dumating sya para iligtas ako.

 

            “Natutuwa ako at nakatulong ako”

            Napayuko sya ng bahagya at muli nyang pinakita ang nakakatunaw nitong mga ngiti na kahit ako ay nahahalina dito.

            “Ana” at iniabot ko ang aking mga kamay sa kanya na sya namang tinungon.

            “Erick”

            Erick. Sa wakas ay nagpakilala din sya, mas mabuti na, na alam ko ang pangalan nya kesa naman tawagin ko syang Cappuccino man na talaga namang nakakatawa.

            Muli pa ay ngumiti ito at tumitig sa akin. Ayoko mang aminin, pero talagang nakakapang-akit ang mga mata nito lalo na kapag sya ay ngumiti. Para bang kpakiramdam ko ligtas ako sa kanya na lagi lang syang nandyan sa tabi ko ano mang oras.

            “Uhm, ok lang ba na magtagal ka dito?”

            Hindi ko alam kung bakit nasabi ko ang bagay na iyon. Kung tutuusin mas gusto kong makapag-isa pero ang Erick na ito, may kung ano sa kanya na nang-aakit sa akin.

            “Kung masisigurado ko naman na magiging maayos ka, bakit hindi?”

            Kung ganun, ok lang sa kanya na manatili dito? Hindi ba ako nakakaabala? Hindi ba dapat ay nagpapahinga na sya? Kung tutuusin ay ngayon ko lamang sya nakilala pero nakuha na nya agad ang tiwala ko.

            “Seryoso ako, yung pamilya mo, hindi ka ba nila hinahanap?”

Under the Hidden Moon (Hating Gabi I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon