IKAPITONG KABANATA

124 1 0
                                    

            Maaga kaming pinauwi dahil sa biglaang meeting ng mga teacher. Wala rin naman kaming assignment at mamaya pa ang duty ko sa trabaho. Hindi naman ako mahilig maggala o maglakwatsya, mas gugustuhin ko pang magbaa ng libro kesa gawin yon pero sa pagkakataong ito, hindi iyon ang gusto kong gawin. Dumeretsyo agad ako sa police station kung saan nagtratrabaho si George. Dahil kilala ako ng mga tao ditto bilang ang bata na iniligtas ni George at inampon, lahat sila ay nagtinginan sa akin bukod pa doon, ito ang pangalawang beses na pumunta ako dito.

            Nakatalikod si George ng dumating ako kaya kinuhit pa sya ng katrabaho nyang police para lumingon. Nagulat pa sya ng makita ako at agad na nilapitan.

            “Anong ginagawa mo dito?”

            Yung ang una nyang tanong na sa tingin ko ay tanong naman ng kahit na sino kapag nakita nila ang isang kakilala sa di inaasahang lugar.

            “Naisip ko nabisitahin ka naman dito kahit isang beses lang”

            Ang totoo wala akong magawa at hindi ko rin alam kung bakit ditto ako nagpunta. Pakiramdam ko kasi ay merong mangyayari ditto o kung ano paman.

            “May klase ka diba?”

            Klase… tama, yun ang lagi nyang iniisip, ang school ko, pag-aaral, pagkain at pagtulog bukod doon, wala na.

            “Actually, meron pero pinauwi kami dahil may biglaang meeting”

            Lumingon pa ako sa paligid at abala silang lahat. Wala paring pinagbago ang lugar katulad ng dinala ako dito ng araw na matagpuan nila ako sa kagubatang iyon. Tama, bakit hindi ko agad naisip ang kagubatang iyon kung saan nya ko natagpuan?

           “Ang ganda na ng anak mo ah”

 

            “Tumigil nga kayo”

                        Wala nyang pinagbago ang lugar na ito. Dati ay tinutukso nila ako sa hindi pagsasalita o pagiging masungit ngayon naman ay ang itsura ko, ganito ba talaga ang mga pulis kapag may bisita sila?

            “Dati ang liit mo pa, ngayon, hindi ka na tumitigil sa paglaki”

            Hindi ko alam kung ano ang ibig nyang sabihin doon pero sa tingin ko ay hindi na nga ako lumaki. Five feet four inches ang taas ko at sa tingin ko ay hindi na madadagdagn pa iyon. Ok na din ang height na ito sa idad ko o masasabi mo pa ngang matangkad pa.

            “Sa tingin ko uuwi na ako”

            “Mabuti pa nga”

            At kahit sa paglabas ko ng station ay nagbibiruan parin sila na hindi ko na kinakatuwa pero ang ikinabigla ko ay sa pagbukas ng pintuan ay biglang bumungad sa akin si Erick.

            “Erick? Anong ginagawa mo dito?”

            Ang pagkakatanda ko ay bigla na lang syang nawala noong isang araw at ngayon ay bigla na lang syang sumulpot ditto sa harapan ko.

            “Napasyal lang” at muli ay ngumiti sya akin.

 

            “Ang ganda ng pasyalan mo bata”

 

            “George”

            Tiningnan ko si George na itinaas pa ang parehong kamay at nagkibit balikat, napatawa naman ang mga kasamahan nito.

            “Actually nagbabakasakali ako na makita ka dito” paliwanag nya saka tumingin kay George. Lumapit pa sya sa isang pulis sa may dulo malayo sa amin at may sinasabi sya na hindi ko gaanong maintindihan. May mga sinasabi sya na tulad ng hinahanap… pwede ba… naiintindihan ko…

            Bumukas ang pintuan at pumasok pa ang ibang police na may hawak na criminal na nakaposas pa ang kamay.

            “Oh, anong kaso nyan?” si George na lumapit sa kanila at tiningan ang criminal.

            “Rubbery with multiple homicides”

            Napalunok naman ako sa narinig ko. Sa TV ko lang kasi talaga naririnig ang mga ganung bagay pero ang makakita ng criminal mismo sa harap ko ay hindi ko pa talaga nararanasan.

            “Ikulong na yan”

            Bahagya na silang papaalis ng itulak ng criminal ang isa sa mga police at hinalbwat ang baril nito sa ako hinila papalapit sa kanya.

            “Ana!”

 

 

            Bang!

Under the Hidden Moon (Hating Gabi I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon