IKALABING LIMANG KABANATA

137 1 0
                                    

            Hindi ko alam kung saan patungo ang nilalakaran naming dalawa. Buhat kanina ay wala akong ibang makita maliban sa halamanan na sumasalubong sa aming pagdating. Lumakas ang hangin at tinangay ang makukulay na bulaklak sa paligid. Kahit hindi ako bumaling sa aking likuran ay nararamdaman kong taimtim lamang syang nakatitig sa akin. Sinasabayan nya ang aking mga hakbang ganun din ang aking paghinga.

            “Kung napapagod ka na, sabihin mo lang at bubuhatin kita”

            Ito ang paulit-ulit nyang sinasabi sa akin sa tuwing titigil ako sa paglalakad. Bibigyan nya ako ng isang matamis na ngiti at bahagya syang lalapit sa akin. Ako naman, bigla kong bibilisan ang paglalakad palayo sa kanya. Muli akong nagbaling sa aking paligid at ngayon ko lang napansin na nakarating na pala kami sa burol. Mula sa aking kinatatayuan ay natatanaw ko ang buong bayan maging ang aming tahanan. Isang ngiti ang gumuhit sa aking mga labi at bahagyang humakbang ang aking mga binti. Isang mabigat na bagay ang nagpahinto sa akin pagnanais na makalapit pa sa tanawin ng malaman ko na bumagsak na pala ang ulo ni Erick sa aking balikat.

            “Pasensya na”

 

            “Kung inaantok ka sa lapag ka nga humiga”

            Tinukoy ko ang berdeng damuhan na aming kinatatayuan at saka niyugyog ko ang aking balikat. Pero mas lalo pa nyang isinubsob ang kanyang mukha sa akin na halos magdikit na ang aming mga pisngi. Ngayon lang ako nakakita at nakarinig na inaanktok na bampira.

            “Ayoko. Kapag dyan ako natulog, baka bigla ka na lang mawala at iwan ako” at unti-unting dumulas sa aking mga braso at yumapos sa aking mga palad ang kanyang mga kamay. Malamig ang mga ito katulad ng isang patay ganun din ang kanyang katawan na humahaplos sa aking likuran.

            “Elka”

            Elka.

            Humarap ako sa kanya ng marinig kong sinabi nya ang pangalan na iyon. Bakit nya kilala si Elka, ako? Matagal ko nab a syang kilala at bahagi sya ng nakaraan ko? Kung alam nya ang lahat ng ito, bakit wala syang sinasabi sa akin?

            “Pagkatiwalaan mo ako, yun lang ang hihilingin ko sayo”

            Ayan na naman sya, lagi na lang nyang sinasabi na pagkatiwalaan ko sya. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko.

            Humiwalay sya sa akin at humiga sya sa damuhan. Para syang isang anghel hanbang nakapikit. Ni hindi nga sumasagi aking isipan na isang bampira ang kasama ko ngayon. Naupo ako sa tabi nya at patuloy na pinagmasdan ang maamo nyang mukha. Alam kong gising sya kahit hindi nya pa sabihin.

            “Bakit ka nila hinahabol?”

            Ito ang unang lumabas sa bibig ko. Sa totoo lang hindi ko alam kung papaano sisimulan ang pagtatanong. Nalaman ko na isa syang bampira pero bakit ganun, parang wala namang pinagbago, parang napakanormal lang. Iniisip ko tuloy kung normal pa akong tao.

Under the Hidden Moon (Hating Gabi I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon