IKALABING ANIM NA KABANATA

88 0 0
                                    

  

            “Erick”

            Nagulat ako ng sya ang unang bumulaga sa akin pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan. Bigla kong naalala yung nangyari kagabi kaya hindi ko tuloy maiwasan na makonsensya lalo na sa harap nya.

            “Anong kailangan mo?”

            Si George na nasa likod ko at hawak pa nito ang baril nya na habang pinupunasan.

            “Magandang umaga po, para sayo” at inabutan nya ako ng isang pulang rosas.

            “Bulaklak…, tama mahilig sya dyan” si George. SIniko ko ito at muling bumaling ng tingin kay Erick.

            “Pasok ka” at nilakihan ko ang pagkakabukas ng pintuan. Ngumiti lang sya at saka muling bumaling kay George.

            “Hindi na kailangan, hindi din naman ako magtatagal. Gusto ko lamang ihingi ka ng pahintulot na sumama sa akin mamaya”

 

            “Saan?”

 

            “George” nagtinginan naman kaming dalawa. Napansin ko na medyo napangiti si Erick sa amin, para kasi kaming mga bata na nagtatalo at nag-aaway sa tingin.

            “Sa isang-“

            “Anong oras?”

 

            “Pagkatapos ng-“

 

            “Sige” hindi na nya ito pinatapos.

            “George” at binigyan ko sya ng isang nakakainis na tingin.

            “Ano?” at nagkibit balikat pa ito. “Mukha namang mapagkakatiwalaan itong si Erick, diba?” at itinabi nya ang baril na hawak.

            “Salamat, mauna na ako. Susunduin na lang kita mamaya”

            Inakay nya ako papunta sa isang hardin na kahit ako noon ay hindi ko pa nakikita. Pabilog ang itsura nito at pababa, kaya naman inalalayan nya ako habang bumababa ako sa hagdan. May mga dim light ang puno nito at sa gitna ay matatanaw ang isang maliit lamang na entablado na puno ng mga petals ng pulang rosas. Mula lang sa isang plaka ang musika na nagbibigay ng kakaibang sensasyon sa buong lugar. May pabilog ding arko sa paligid ng entablado at mula doon ay may mga maninipis na tela na nakabalot at tinatangay ng hangin. Simple pero sapat na para mapuno ang puso ko ng saya. Mas lalo pang nagpadagdag sa tuwang nararamdaman ko ay ang lalaki ngayon na nasa harapan ko.

            Nasa gitna na kami ng entablado at hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ko. Hindi ko maisip kung papaano nya nagawa ang lahat ng ito.

            “Ano ito?”

            Patuloy parin sa pagtunog ang plaka. Hindi ako naniniwala sa fairytale pero parang ganun ang nangyayari sa akin ngayon, makalumang bersyon nga lang. Bahagya pa syang napangiti sa akin at tumitig sa aking mga mata.

            “Hindi naging maganda ang ala-ala mo noong kaarawan mo kaya naman gusto kong makabawi sayo”

            Bumalik sa ala-ala ko ang nangyari ng gabing iyon at aaminin ko, hanggang ngayon may takot sa puso ko na hindi ko maipaliwanag.

            “Hindi mo kailangang gawin ito”

 

            “Pero gusto ko, at mas ikakatuwa ko kung papahintulutan mo ako”

            Marahan nyang inabot ang kaliwang kamay ko at ipinatong ito sa kanyang balikat samantala namang ang isa kong kamay ay hinawakan nya. Sumabay kami sa tunog ng musika habang humahakbang ang aming mga paa paikot sa entablado.

            Hindi ko alam kung anong meron sa lalaking ito pero sya lang ang may kakayahan na pabilisin ang tibok ng puso ko ng ganito. Ang bigyan ako ng iba’t-ibang emosyon sa mga simpleng bagay na ginagawa nya. Kung gaano na kami katagal na sumasayaw o nakailang musika na kami ay hindi ko alam. Nakatitig lang ako sa kanyang mga mata at kung saan man ako dalhin ng mga ito, malugod akong sasama.

            Unti-unti lumapit ang mukha nya sa akin at ang sunod ko na lang nalaman ay ang paglapat ng malambot ngunit malamig nyang labi sa aking leeg.

            Tama, isa syang bampira… at hindi ko maiaalis ang katotohanan na ang dugo ko ang umaakit sa kanya. Naramdaman ko na lamang ang mainit na pagdaloy ng aking dugo pababa sa aking katawan. Maari ko syang pigilan pero walang lakas ang aking mga paa at kamay para itulak sya papalayo. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap nya at naramdaman ko ang malamig nyang katawan.

            Sa halip na tumutol, humawak ako sa ulo nya at itinuon pa ito. Masakit at mainit, ito ang nararamdaman ko pero ayoko syang tumigil.

            “Elka”

            Doon unang bumalik ang kamalayan ko at ngayon, ngayon ko na lang napagtanto, tumigil na sya sa pagsipsip ng dugo ko at naramdaman ko ang yakap nya. Malamig ang katawan nya, oo, pero ibang init ang binibigay nito sa akin. Niyakap nya ako na para bang ilang taon nya itong ikinipkip sa sarili nya. Alam kong may alam sya sa totoo kong pagkatao at kung ano man ang dahilan nya at hindi nya sa akin masabi yon, iintindihin ko.

            “Erick”

            “Pakiusap, wag muna… kahit limang minuto lang, hayaan mong yakapin kita” Nakaramdam ako ng kirot sa sinabi nya. Para bang ang yakap ko ang matagal na nyang inaasam-asam at ngayon ko lang ito maibibigay sa kanya.

            Kusa ng gumalaw ang aking mga kamay para yakapin sya. Nararamdaman ko ngayon ang sakit na nararamdaman nya at gusto kong mapawi lahat iyon. Gusto ko syang makitang Masaya at kung ang mga kamay na ito ang magpapasaya sa kanya, malugod ko itong ibibigay.

Under the Hidden Moon (Hating Gabi I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon