IKALIMANG KABANATA

170 1 0
                                    

            Kinuha ni Tope ang susi at niyaya ako nitong magjoyride sa paligid ng gubat. Kabisado naman nya ang lugar kaya nasisigurado nyang magiging maayos at ligtas kami kung mananatili lang kami sa gilid ng kagubatan. Pagsinabi nyang joyride, alam ko na agad ang ibig sabihin non, face the hell.

            “Kumapit ka ng mahigpit” si Tope pagkatapos na maisuot nya ang helmet sa aking ulo. Kahit medyo naiilang ay kumapit ako sa tagiliran ng kanyang damit.

            “Ang sabi ko, kumapit ka ng mahigpit. Humina na ba ang bokabolaryo mo at hindi mo na alam ang kahulugan ng mahigpit?” at hinila nya ang aking mga kamay payapos sa kanya.

            “Good Girl”

 

            “Pagkatapos nito, humanda ka sa akin”

            At mabilis nyang pinatakbo ang motor katulad ng dati. Hindi ko alam kung may pagkasadista talaga si Tope o nagpapapansin lang sya. Pinapatakbo nya ang motor sa bilis na kahit ang mga professional driver ay hindi tatangkain. Wala akong magawa kundi ang pumikit na lang at yumakap sa kanya ng mahigpit, habang masaya syang sumisigaw sa bilis ng pagpapatakbo nya sa kanyang motor. Talo pa nya ang nanalo sa loto kung makasigaw sya.

            Masukal ang kagubatang tinahak nila George. Maririnig mo ang ungol ng mga mababangis na hayop at ang huni ng mga ibon. Madilim din ang lugar dahil natatakpan ng mga dahon ng nagtataasang puno ang liwanag na nagmumula sa araw.

            “Huwag kayong lalayo” si Lucas na nangunguna sa paglalakad.

            Naghiwalay ang magkapatid at tumahak ng ibang daan habang patuloy naman ang dalawa sa paglalakad.

            Sa isang sandali, isang bungisngis ang narinig nila sa di kalayuan. Tumingin sa paligid si George at napansin nitong nag-iisa na sya.

            “Lucas? Seth? Daniel?”

            Isa-isa nyang tinawag ang pangalan ng mga kasama ngunit katahimikan lamang ang sumalubong sa kanya. Tumigil sya sa paglalakad at hinawakang mabuti ang baril sa kanyang kanang kamay. Tiningnan nya muli ang dinadaan nila ngunit, hindi na nya matukoy kung saan sya nagmula, tanging si Lucas lamang ang gumagabay sa kanya kapag nangangaso sila sa kagubatan.

            Sa paglingon ni George ay natumba ito, ng isang nilalang ang biglang dumampa sa kanya. Mapupula ang mga mata nito at malamig ang pangangatawan katulad ng isang bangkay. Tumilapon papalayo ang baril nito kaya wala syang naiwan sa sarili upang ipang proteksyon. Malakas din ito para maitulak sya papahiga sa lupa. Nagpumilit si George na lumaban ngunit hindi sapat ang lakas nito para itulak palayo ang nilalang na nasa harapan nya ngayon.

            Arrggg….

            Napatulala na lamang ang pulis sa mga sumunod na pangyayari. Isang malaking aso, hindi lobo ang biglang sumakmal sa taong nagbabalak sa kanyang lumapa. Hawak-hawak nito sa kanyang bibig at kagat-kagat ng matatalas nyang ngipin ang malamig na nilalang, na nagpupumiglas na kumawala, na sya namang pinagtagumpayan nito ng bigyan nya ng suntok sa panga ang nasabing lobo. Dalawa pang naglalakihang lobo ang sumunod dito at hinabol sa isang iglap ang kanilang biktima.

            Nagmadaling tumakbo palayo si George ng hindi na mahagilap ng kanyang mga mata ang mga nilalang na kahit sa panaginip ay hindi nya inisip na magkakatotoo. Wala syang pakeelam kung saan man sya dalhin ng mg paa nya bastat ang importante ay makalayo sya sa lugar. Alam nyang mapanganib ang kagubatan na ito pero hindi nya akalain na iba ang matatagpuan nya sa pangangaso.

            Sa pagmamadali nito, ay nagginulong pa ito pababa hanggang sa hawakan sya ni Lucas at buhatin pataas.

            “George”

 

            “Lucas, hindi ka maniniwala sa nakita ko” natatarantang saad ng pulis sa kaibigan habang niyuyugyog nito ang balikat nya. Napakadumi ng damit nito at pawisan ang mukha.

            “Saan ka ba nanggaling at bigla kang nawala?”

 

            “Nakita ko” sinubukang alalahanin ni George ang mga pangyayari. “Isang bam-bampira at mga lobo”

 

            “Bampira? Lobo?”

 

            “Oo, may” hindi alam ni George kung papaano nya sisimulan ang pagkwekwento sa nangyari dahil maging sya ay naguguluhan sa sarili.

            “Mabuti pa ay bumalik na tayo, sasabihan ko si Seth at Daniel na sumunod na lang” at mula sa kinatatayuan ay malakas na sumipol si Lucas na sya namang tinugon ng isa pang sipol.

            “Checkmate”

            Napasubsob si Tope sa unan sa kanyang mga hita at bumangon. Matapos nya akong pasapitin ng impiyerno, sya naman ang pararanasin ko nito. Ayaw na ayaw ni Tope ang mga board at mind games pero wala na syang magawa kapag ako na ang nagyaya sa kanya.

            “Ayoko na” at nahiga ito sa sofa na kinauupuan nya.

            “Gusto ko pang maglaro, isang round pa”

 

            “Ayoko, dinadaya mo naman ako eh. Imposible naman na laging ikaw na lang ang nananalo, dapat kahit isang beses panalunin mo naman ako, para saan pa at naging kaibigan mo ako”

 

            “Hindi pa bumabalik sina George kaya maglaro pa tayo”

            Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si George at Lucas. Tuliro parin si George habang hawak-hawak naman ni lucas ang usa na nahuli nito.

            “Salamat, niligtas nyo ako” Tope.

            “Anong nangyari?”

Under the Hidden Moon (Hating Gabi I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon