IKADALAWAMPUNG KABANATA

102 0 0
                                    

Elka

            Napabaling ako sa pagtawag ng aking pangalan. Habang minamasdan ko ang paru-paro sa aking mga kamay na unti-unting lumilipad papalayo.

            Nagtataasan ang mga puno sa aking paligid at sumisilip ang liwanag ng araw sa bawat dahon nito. Isang babae ang umabot sa aking mga kamay at sabay naming tinungo ang bahay sa aming likuran.

            “Maligayang kaarawan sa aking pinakamamahal na prinsesa” isang lalaki ang kumarga sa magaan kong katawan at isinayaw ako sa ere. Ang pakiramdam na ito, magaan at masaya, isang panaginip.

            Nagtungo ang babae sa kusina para kuhain ang isang cake na may nakasulat na Happy 6Th birthday Elka Love, mama & papa.

            Isang ngiti ang sumilay sa aking mga labi habang hinihipan ang kandila sa cake. Maya-maya ay biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isa pang lalaki kasama ang isang bata.

            Isang bata na may mapupungay na mata. Nakasuot ito ng polo at dahan-dahang lumapit sa akin. Marahan naman akong ibinaba ng aking ama at maingat na inilapit sa bata. Hinawakan nya ang aking kamay at lumapit doon ang malamig at malambot nyang labi.

            “Ikinagagalak kong makilala ka, prinsesa Elka”

            Prinsesa? Hindi ko pa naiintindihan ang salitang iyon. Lahat ng taong nagpupunta sa aming bahay ay iyon ang itinatawag sa akin, ngunit tanging ang bata lang na ito ang nagparamdam sa akin ng kakaibang saya sa salitang Prinsesa.

            “Simula sa araw na ito, hayaan mong protektahan kita kapalit man nito ay ang buhay ko”

            At hindi na ako nagdalawang isip pa. Agad kong tinangay ang kamay nya at masayang tumakbo palabas.

            Nagtungo kami sa labas at niyaya ko syang maupo sa berdeng damuhan na napapalibutan ng mga bulaklak. Pumitas ako ng ilan sa mga iyon at ginawang korona habang pinagmamasdan nya akong gumagawa. Nang matapos ay ipinatong ko ito sa kanyang ulo tanda ng pasasalamat.

            “Kailangan nyo ng umalis, alam na ng mga taong lobo kung nasaan kayo”

            Isang pahayag na pumikot sa aking tenga upang magbaling ng atensyon. Mula sa kinatatayuan ko ay nakikita ko sa salamin na dingding ang aking mga magulang at ang bisita nilang lalaki. Mababakas ang pag-aalala sa kanilang mga mukha habang pinaguusapan nila ang isang paksa na hindi ko maaaring malaman.

            “Ito na ang naging tirahan ng pamilya ko at kahit na mamatay pa ako, hindi kami aalis dito”

 

 

            “Isipin mo ang pamilya mo, ang prinsesa. Kayo na lang ang natitirang dugong bughaw sa lahi natin. Ginagawa ko ito para protektahan kayo”

            Isang ngiti ang ibinigay sa akin ng aking ama’t ina ng makita nilang nakatitig ako sa kanilang direksyon. Kahit na sa malayo ay malinaw ko paring naririnig ang kanilang pinag-uusapan kahit na hindi ko ito maintindihan. Niyaya ng aking ama palayo ang bisita at nagtungo pa sila sa likod bahay.

            “Prinsesa” at hinawakan ng batang lalaki ang aking mukha. Malamig ang kanyang mga kamay ngunit nakakaramdam ako ng init mula sa kanyang puso, at sa kanyang mga mata na mababakas ang pag-aalala.

            “Elka”

            May halong tampo ang aking pagkakasabi. Hindi ko alam kung bakit tinatawag ako ng lahat na prinsesa ngayong Elka naman ang aking pangalan.

            Binigyan nya ako ng isang nalilitong tingin na sinuklian ko naman ng isang ngiti.

            “Elka ang pangalan ko at hindi prinsesa kaya Elka ang itawag mo sa akin”

            Hindi ko alam ang sasabihin sa susunod nyang naging reaksyon. Tinakpan nya ang kanyang bibig at hinawakan ang sikmura. Alam kong pinipigilan nya lang ang kanyang sarili ngunit hindi sapat ang pagtakip nya sa kanyang bibig upang pigilan ang halakhak na sumasabog sa kanyang bibig.

            “Pasensya na”

            Alam kong pinipigil parin nya ang kanyang pagtawa. Gusto kong tanggalin ang kamay na humaharang para marinig ko ang malulutong na tawa na tanging sya lang ang makakapagbigay sa akin.

Under the Hidden Moon (Hating Gabi I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon