IKALABING WALONG KABANATA

98 0 0
                                    

            Magkasabay naming tinahak ni Tope ang daan patungo sa kanila. Sa isang banda, nagustuhan ko na rin ang lugar na ito. Mapuno, tahimik at higit sa lahat, nakakapanatag ng isip. Sa di kalayuan ay natatanaw ko ang tulay na madalas naming paglaruan ni Tope. Medyo malakas ang agos ng tubig sa ilog dahil sa katatapos lang ng ulan at naiisip ko parin ang nangyari ng gabing yon at si George. Paano na lang kung balikan nila sya? Anong magagawa nya? At si Erick, kahit gustuhin ko man na ipaliwanag nya sa akin ang lahat, alam kong hindi nya parin yun gagawin. Naguguluhan na ako sa mga pangyayari. Paano ba ako nadamay sa gulong ito?

            Panandaliang tumigil si Tope. Alam kong may mabigat syang dinadalala, kahit sino naman ay mapupuna iyon. Hindi sya mapakali at pana’y ang bulong sa sarili, maya-maya, magpapakawala sya ng isang malalim na hininga.

            “Ana”

            Tinitigan nya ako sa aking mga mata sabay kagat sa kanyang mapupulang labi. Kabado sya at tiklop ang mga palad, naghahanap ng lakas ng loob upang masabi nya ang tamang salita na dapat kong marinig.

            “Gusto kita”

            Isang katahimikan ang sunod na bumalot sa aming dalawa kasabay ng pah-ihip ng preskong hangin na nanunuot sa aking katawan. Malinaw kong narinig ang dalawang salita na binitawan nya.

            “Gusto rin kita, kaya nga ikaw ang bestfriend ko, diba?”

            Alam kong hindi iyon ang tinutukoy nya pero gusto kong magpanggap na bingi o magmaang-maangan na sana hindi ko na lang narinig ang salitang iyon. Ayoko syang masaktan at paasahin sa wala.

            “Hindi iyon ang ibig kong sabihin”

            Napakamot sya sa ulo at saka sumigaw. Hinawakan ang aking mga balikat at malapitang tumitig sa akin.

            “Gusto kita, higit pa sa kaibigan, sa kapatid, sa isang pamilya”

 

            “Alam ko”

            Dalawang salita na lumabas sa aking bibig. Napangiti sya sa akin at bahagyang lumayo. Sensitibo si Tope sa damdamin ng kahit na sino lalo na pagdating sa akin kaya alam kong alam nya din kung ano talaga ang nararamdaman ko kahit hindi ko na ito sabihin pa.

            “Si Erick, tama ba?”

            Dumaloy ang init sa kanyang lalamunan pababa sa kanyang kalamanan at ugat. Nararamdaman ko ang bugso ng kanyang damdamin na kanina pa nya pinipigilan.

            “Kalimutan mo na sya, pinapangako ko sayo, kung ano man ang mga bagay na ginawa nya para sayo, tutumbasan ko lahat iyon, hihigitan pa.”

Under the Hidden Moon (Hating Gabi I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon