IKASAMPUNG KABANATA

115 1 0
                                    

            Inabot ako ng dalawang oras na paglalakad bago ko natunton ang lugar na hinahanap ko, isang masukal na kagubatan sa kabilang bayan. Kung tama ang pagkakaalala ko, dito rin ako natagpuan ni George, mabuti na lang at maaga akong umalis kaya medyo maliwanag pa ng dumating ako sa lugar. Iniisip ko tuloy kung karugtong lang ang kagubatan na ito ng lupain nina Tope.

            Marahil nga ay nababaliw na ako ng pasukin ko ang kagubatan ng nag-iisa habang nakakarinig ako ng ibat ibang ingay sa paligid ko. Pamilyar sa akin ang daang tinatahak ko na para bang alam ng aking mga paa kung saan ako dadalhin. Dumampi ang aking kamay sa mga halaman sa paligid habang inililibot ko ang aking paningin sa aking paligid.

            Elka

            Muli ay narinig ko ang tinig ng isang babae at isang anyo ang dumaan sa aking harapan na tila multo na tinangay ng hangin.

            Elka

            Sinundan ko ang tinig na nagmumula sa di kalayuan. Pababa na ito at medyo madulas ang lupa kaya nagdahan-dahan ako sa pagbaba.

            Sa aking pagbaba, isang tahanan ang sumalubong sa akin, moderno ang pagkakagawa nito. Umakyat ako sa may hagdan at hinawi ang mga halamang bumalot na sa may pintuan. Basag na mga salamin at kagamitan, mga alikabok, agiw at bahay ng gagamba ang sumalubong sa akin, mga senyales ng isang inabandona ng tahanan. Sa may bandang likuran, sira-sira din ang sahig at nagkabalibali ang mga kahoy nito.

            Elka

            Muli akong lumingon sa paligid at isang imahe ng isang lalaki ang nakita ko. Malambing ang mga ngiti nito sa aking direksyon at mula sa kinalalagyan ko ay isang bata ang tumakbo patungo sa kanya.

            Ang prinsesa ko…

 

            Katagang nagpaluha sa akin sa isang iglap. Sa lugar na ito, masasagot ko ang aking mga katanungan. Walang pagdadalawang isip na kumilos ako at naghanap ng kung ano mang bagay ang maari kong makita sa lugar na makakatulong upang maalala ko ang lahat. Nagtungo ako sa ikalawang palapag at pumasok ako sa isang kwarto.

 

            Elka, anong ginagawa mo dyan? Halika dito

            Muli ang tinig ng babae, lumapit ako sa kanya ngunit bigla syang nawala ng aking hawakan. Umagaw ng aking pansin ang isang picture frame sa ibabaw ng cabinet. Kinuha ko ito at hinawi ang alikabok na bumalot dito. Lalong umagos ang luha ko ng makita ang larawan. Isang larawan ng masayang pamilya, isang ina, ama at ang batang si Elka. Ang pangalan na matagal ko ng naririnig, ang aking pangalan.

            “Kung ganon…”

            Napabuntong hininga ako ng maisip ko ang aking magulang, agad akong lumabas at lumayo, balisa at hindi alam kung saan tutungo. Anong nangyari? Nasaan ang mga magulang ko? Bakit nila ako iniwan? Sunod-sunod na tanong sa aking isipan.

Under the Hidden Moon (Hating Gabi I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon