IKAWALONG KABANATA

134 1 0
                                    

            Hindi ko na gaanong napansin pero alam kong humakbang papalapit si Erick at inagaw dito ang baril at saka binuhat pabaliktad ang lalaki at nagpakawala sya ng malakas na suntok na bumakat pa sa sahig ng prisinto.

            Hinila ako papalayo ni George sa kanyang tabi habang tumatayo si Erick sa kinalalagyan nya. Hinuli namang muli ng iba pang mga police ang walang malay na criminal.

            “Ok ka lang?” si George na tinitingnan ang mukha ko habang ako ay kay Erick lang nakatingin.

            “Sige, ikulong na yan”

            …….

            “Paano mo nagawa yon?”

            Mabilis ang mga hakbang ko papalayo sa lugar, inihatid pa kami ni George sa may kanto dahil nag-aalala na naman sya nab aka mangyari ulit yung nangyari kanina. Napakalapitin ko naman sa gulo.

            “Nag-aral ako ng martial arts nuong bata pa ako” paliwanang nya pero sa daan parin sya nakatingin.

            “Maganda yon, bakit hindi karin mag-aral Ana?”

 

            “Hindi nyo ba nakita? Ang bilis nyang gumalaw at ang lakas nyang sumuntok”

            Hindi ko alam kung nagiging over acting lang ako pero para kasing may mali sa ginawa nya. Normally ang tao kapag may nangyaring ganung gulo, hindi kaagad sila makakapagreact o makakapag-isip ng tama. Pero sya, nagawa nya agad lahat ng iyon at nakalapit sya agad sa akin sa isang iglap.

            “Napag-aaralan din yun sa martial arts”

            Narating na namin ang kanto at nagpaalam na si George dahil kailangan pa nyang bumalik sa trabaho, at ang nakakainis, hinabilin nya ako kay Erick.

            “Ana”

            Sinusundan parin ako ni Erick habang mabilis parin ako naglalakad pauwi o kung saan mang lugar ako dalhin ng aking mga paa.

            “Hindi mo ako kailangan bantayan, kaya ko ang sarili ko”

            Mas bumilis pa ang lakad nya at saka sya tumigil para harangan ako at pahintuin sa paglalakad.

            “Galit ka?”

 

            “Obvious ba?”

Under the Hidden Moon (Hating Gabi I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon