IKALABING DALAWANG KABANATA

127 0 0
                                    

             Naguguluhan na ang isip ko at hindi ko na alam ang gagawin. Nalilito ako sa mga ikinikilos ng dalawang iyon at sobra akong naaapektuhan.

            “Ok ka lang?”

            Si Louisa na naglilinis sa coffee shop habang ako naman ay nabibilang ng pera at inaayos ang ibang gamit.

            “Si Tope kasi” at si Erick.

            Ayokong banggitin kahit isa man sa kanila dahil lalong sumasakit ang ulo ko at naguguluhan ako. Pakiramdam ko sasabog ako kahit ano mang oras.

            “Ah tungkol nga pala sa kanya, may problema ba sya?”

 

            “Bakit?”

 

            “Ilang beses ko na kasi syang nakikita na pumupunta dito, pero aalis din. Nag-away ba kayo?”

            Hindi kami nag-away pero hindi rin kami ok. Pakiramdam ko habang tumatagal nagkakaroon ng malaking agwat sa pgitan naming dalawa at kung si Erick talaga ang dahilan non, hindi ko alam ang gagawin ko.

            “Tampuhan lang”

 

            “Sus LQ yan noh?”

 

 

            “Kaibigan ko si Tope”

            Bestfriend ko sya at walang magbabago doon. Kaibigan ko sya, kapatid hanggang doon lang iyon walang magbabago. Tumigil si Louisa sa paglilinis at lumapit sa akin.

            “Para sayo, eh sa kanya? Alam mo pakiramdam ko, may gusto yang si Tope sayo, hindi lang makaporma kasi laging nandyan si Erick”

            Bakit bang laging si Erick ang dahilan? Hindi kaya ako lang itong nabubulag-bulagan sa mga pangyayari at alam nilang lahat kung ano ba talaga ang namamagitan sa aming tatlo? Maging Louisa ay nasasabi ang mga bagay na ito.

            “Tumigil ka na nga”

 

            “Sino bang gusto mo sa dalawa? Kakikilala ko pa lang kay Erick, pero sa tingin ko naman mabait sya”

 

            “Hindi ko kailangang mamili sa kanila”

 

            “Eh papaano kung dumating ang araw na kailangan mong mamili, sinong pipiliin mo?”

Under the Hidden Moon (Hating Gabi I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon