IKALABING TATLONG KABANATA

127 0 0
                                    

            Gusto ko mang isipin na espesyal ang araw na ito ay hindi ko magawa. Hindi ako makatulog kagabi dahil sa kakaibang pakiramdam na ito.

            Ngayon ang kaarawan ko, ang araw kung kailan ako nakita ni George, ang araw kung kelan namatay ang mga magulang ko, ang araw kung kalian nabura ang ala-ala ko.

            Maaga akong nag-out para umuwi ng bahay. Alam kong naghihintay na sa pagdating ko si George at Tope. Niyaya ko din si Louisa pero sinabi nya na hahabol na lang sya dahil hindi pwedeng iwanan ang kainan.

            Ala-syete na ng gabi ng bagtasin ko ang kalsada pauwi. Madilim na at bibihira ang taong nagdadaan sa kalsada. Binilisan ko ang aking mga hakbang. Nabalitaan ko kay George na napapadalas ang nakawan at patayan ngayon at ang madalas na biktima ay mga kabataan.

            Kabilugan ng buwan at napakatahimik ng lugar. Bumibilis ang pintig ng aking puso gayun din ang aking paghinga. Habang tumatagal, unti-unti ng lumilinaw ang mga pangitain sa aking panaginip na napagtanto ko na aking mga ala-ala noong nakalipas na sampung taon. May mga bahagi parin na hindi ko maintindihan lalo na sa pagkatao ko bilang si Elka.

            “Ana, takbo!!!”

            Agad akong napalingon ng marinig ang babala. Buo ngunit may takot ang boses nito na nanggaling kung saan man. Sa aking pagbaling, isang kamay ang biglang humatak sa akin papasan sa kanyang likod at bago ko pa mamalayan ay mabilis na tumatakbo ang binata palayo sa lugar.

            “Erick…”

            Tawag ng isa pang tinig na nagmula sa aking likuran. Alam kong hinahabol nila kami at wala silang balak tumigil. Sa bilis ng kanilang mga hakbang at pagkilos, natatanto ko na mga lima sila na may matitikas na pangangatawan. Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit nila kami hinahabol at kung bakit ako nadamay sa gulong ito ngunit nasisigurado ko na alam ni Erick ang kasagutan sa mga tanong na ito.

            “Erick!”

            Muli pa ay tinawag nila ang binata na nagpasan sa akin at walang tigil sa pagtakbo. Malayo na ang aming narating at alam kong walang syang balak tumigil. Kumapit ako sa kanya ng mabuti dahil kung hindi ay tiyak na mahuhulog ako dahil sa bilis ng kanyang pagtakbo.

            “Ano bang nangyayari? Sino ka ba talaga?” ang naitanong ko sa kanya sa kabila ng takot na nararamdaman ko.

            “Isang bagay lang ang hihilingin ko sayo at iyon ay ang pagkatiwalaan ako” at maingat ngunit mabilis na tumalon sya mula sa tulay sa kabilang bahagi ng lungsod. Masyadong mabilis ang mga panyayari katulad ng mga sasakyan na mabilis na rumaragasa kasalungat ng aming direksyon.

            “Paano ko gagawin iyon kung hindi ko alam ang mga nangyayari?”

            Kinuha ko ang lahat ng lakas ng loob na natitira pa sa akin at lumingon ako sa aking likod. Hindi ko inaasahan ang mga sumunod na pangyayari.

Under the Hidden Moon (Hating Gabi I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon