IKADALAWANGPUT APAT NA KABANATA

95 0 0
                                    

“Anong ginagawa mo dito?”

Binuksan ni Lucas ang pintuan ng kanilang tahanan at bumungad agad sa amin ang magkaptid na si Seth at Daniel. Ito ang huling lugar na gusto kong puntahan bago man lang ako tuluyang mamaalam.

 

“Minamadali mo yata ang kamatayan mo Ana… Elka”

Tiningnan ko sila at alam kong naintindihan ni Lucas kung ano ang ipinunta ko dito kaya hinayan nya kaming pumasok sa loob. Hindi paman ako gaanong nakakapasok ay nakita ko na agad si Tope na pababa sa hagdanan papunta sa kanyang silid.

 

“Anong kailangan mo?”

 

“Tope”

Sinundan ko si Tope hanggang sa kanyang silid. Tumingin ako sa paligid at nakit ko kung gaano kagulo ang buong lugar. Nagkalat ang mga sirang gamit sa paligid at nababakas ang mga kalmot ng matatalas na kuko sa paligid.

 

“Tope”

 

“Umalis ka na” Pakiusap, umalis ka na…

Humarap sya sa akin at tumingin sa aking mga mata. Ang dating buhay na buhay nyang aura, nawala ang lahat ng iyon sa isang iglap.

 

“Ito na ang huling pagkakataon na matitingnan kita sa mata ng ganito”

 

“Sa susunod na magkita tayo, ituturing kita bilang si Elka na isang bampira at ganon ka din, ituring mo akong si Kristopher na isang taong lobo”

Inaasahan ko na ang bagay na ito pero hindi ko alam na ganito pala ang mararamdaman ko. Pero kailangan kong maging matatag at hindi ako pwedeng pangunahan ng emosyon ko.

 

“Oo”

 

“At sa susunod na magkita tayo, protektahan mo ang sarili mo, dahil ako mismo… ako mismo ang… ang…” ang papatay sayo.

 

“Bakit sinasabi mo ang mga bagay na ito?”

 

Dahil iyon ang totoo! Pinaliwanag na nila sa akin ang lahat

Bakit kailangan kong marinig ang sinasabi ng isip nya? ANg sakit… sinabi ko noon sa sarili ko na ayoko na syang makitang nasasaktan pero anong ginagawa ko?

Hindi ko na sya pwedeng lapitan ngayon gay ng dati. Hindi ko na sya pwedeng hawakan para pakalmahin nya ako. Hindi na kami katulad ng dati at iyon ang isang bagay na pinanghihinayangan ko.

 

“Alam mo ba na ang mga katulad mo ang pumatay sa pamilya ko?”

 

“Pero hindi kami yon, hindi ang pamilya ko”

 

“Tope, alam ko masakit, pero gusto kong malaman mo, ako parin ang kaibigan mo” yun ang gusto kong isipin nya. Yun ang gusto kong ibalik sa pagitan naming dalawa.

 

“Hindi mo na dapat inulit pa kasi alam mo, iyon yung pinakamasakit sa lahat, yung kaibigan mo lang ako at kahit kailan hindi na magbabago yon”

Kinuyom nya ang kanyang mga kamay. Ayoko ko nito… ayoko nitong nararamdaman ko…

 

“Umalis ka na”

Ito ang reyalidad ng buhay na dapat naming tanggapin pareho. Marahan akong umalis sa silid nya at dahan-dahang bumaba kung saan narinig ko na nagtatalo si Erick at Seth.

 

“Nandito ako para kay Elka hangga’t maaari sana ayoko ng gulo”

 

“Imposible ang gusto mo taga-labas” at umakto na susugod ang dalawa.

 

“Seth! Daniel!”

Si Lucas na nananatili lang na tahimik na nakaupo sa isang tabi at naghihintay ng susunod na mangyayari.

 

“Pero”

 

Huwag ka lang magkakamaling humakabang taga-labas. Sisiguraduhin kong hindi ka na sisikatan ng araw.

 

“Pwede bang itago mo na lang sa sarili mo ang mga pinaplano mo? Nabibingi na ako sa ingay ng utak mo”

 

“Umalis na tayo”

Tumayo na si Lucas at pinagbuksan pa nya kami ng pintuan. Panatag ang isipan nya hindi katulad ng magkapatid na para bang natanggap na nya agad ang lahat-lahat ng ganun lang o mas madaling sabihing, napaghandaan na nya ang bagay na ito.

 

“Ana, ito na sana ang huling pagkakataon na magkikita tayo, dahil kung hindi man, alam mo na ang mangyayari”

Minasdan nya ako at pagkaraan ay si Erick naman na nasa tabi ko at umiiwas magsalita ng kahit ano paman. Hindi ko alam kung ano ang meron sa pagitan nila pero mukha namang nagkaintindihan sila.

 

“Salamat”

Under the Hidden Moon (Hating Gabi I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon