IKASIYAM NA KABANATA

133 0 2
                                    

 Elka…

            Eto na naman ang walang katapusan kong panaginip. Kahit papaano ay nagiging malinaw na ang mga larawan sa aking isipan na hanggang ngayon ay palaisipan parin.

 

Elka…

            Isang babae ang lumapit sa akin at hinawakan ang aking mga kamay. Ang init ng kanyang yakap at ang tamis ng kanyang mga ngiti na nagpapagaan ng aking pakiramdam.

 

Elka…

            Dinala nya ako sa isang lugar kung saan naghihintay ang isa pang bata na sa tingin ko ay matanda lang sa akin ng ilang taon. Nakangiti syang naghihintay sa kabilang dulo.

 

Elka…

            “Haaaaaaaa….”

            Napabangon ako sa aking pagkakatulog sa takot at gulat sa huling bagay na aking nakita. Isang taong lobo… hindi, marahil ay epekto lang ito ng sinabi sa akin ni George.

            “Ana”

            Si George na pinipilit buksan ang pintuan ng aking kwarto. Binuksan ko ito at nakita ko syang humahagos na pumasok sa aking kwarto at naghanap ng kung sino mang masamang tao ang nakapasok sa loob ng kwarto ko. Tumingin sya sa akin at napabuntong hininga.

            “Nanaginip  ka na naman ba?”

            Panaginip o mas tamang sabihin na mga ala-ala ko ang mga iyon. Isang masamang ala-ala na patuloy na gumugulo sa akin at ang taong lobo. Bakit ganito, habang lumilinaw ang mga imaheng iyon ay mas lalong nagiging mahirap saking tanggapin ang lahat ng ito. Hindi ba dapat maging masaya ako? Pero bakit takot at lungkot ang mas nararamdaman ko?

            “Matulog ka na, may pasok ka pa bukas”

 

            “George, pwede bang dito ka matulog ngayong gabi? Ngayong gabi lang”

            Napakamot pa sya sa ulo nya ng sabihin ko ang mga bagay nay un. Hindi ako ito, dapat ang sasabihin ko sa kanya ay ok lang ako, matulog ka na pero kusang lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon.

            Lumapit sa akin si George na parang di nya alam ang gagawin, humiga sya sa tabi ko habang ang isang kamay nya ay nasa may ulunan ko. ang pakiramdam na ito na may isang tao lagi sa tabi mo, ngayon ko lang naisip kung gaano kasaya magkaroon ng isang pamilya. Isang pamilya na hindi ko alam kung makikita ko pa o mahahanap.

            Iniwan ko si Erick kahapon at hindi narin sya sumunod pa. Dumeretsyo agad ako sa bahay at nagpalipas oras bago pumasok sa trabaho. Hindi rin sya nagpakita sa coffee shop o nagparamdam ulit. Kung sabagay, ano bang bago doon? Bigla-bigla syang nawawala at bigla-bigla ding sumusulpot kung kelan nya gustuhin.

Under the Hidden Moon (Hating Gabi I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon