IKALABING ISANG KABANATA

135 1 0
                                    

            Hindi ko masasabi kung balik normal na nga ulit ang buhay ko dahil sa totoo lang wala ng normal na nangyari sa akin simula ng nakauwi ako galing sa kagubatang iyon.

            Nakita ni George ang picture frame na hawak ko at napagtanto nya rin na sila ang mga magulang ko. Hindi sya nagsalita o nagtanong paman pero sinabi nya na susuportahan nya lahat ng desisyon ko.

            Pagkauwi ko ng bahay ay sumalubong agad sa akin si Tope na nakasuot parin ng school uniform nya. Nag-aabang ito sa harap ng bahay namin. Matagal na rin kaming di nakakapag-usap.

            “Anong ginagawa mo dito?”

 

            “Pumapasyal lang”

 

            “Alam mong hindi ka magaling magsinungaling”

            Gaya nga ng sinabi, nagsisinungaling sya. Sa tinagal-tagal na naming magkaibigan, kilalang-kilala ko na ang ugali nya. Madali mo lang mababasa ang iniisp nya o ang kinikilos nya. Hindi katulad ng iba, hindi magaling magtago ng emosyon nya si Tope lalo na sa harapan ko.

            “Nagbabantay”

 

            “Bakit?”

 

            “Anong bakit? Madami ng masasamang loob sa panahon natin ngayon, dapat na tayong mag-ingat at isa pa, bigla-bigla ka na lang nawawala ng wala man lang pasabi”

            Tinutukoy nya ay yung pagpunta ko sa kagubatan. Sarili kong desisyon ang bagay na yon at wala akong pinagsisisihan at isa pa, personal na bagay na iyon sa pagakatao ko na gusto kong malaman at ayokong madamay pa sya sa kung ano mang malalaman ko sa pagkatao ko.

            “Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Hindi ba dapat sabihin mo yan sa sarili mo?”

 

            “Ana”

 

            “Iyan lang ang bahay namin oh pero ikaw dun pa sa kabilang bundok”

            Sa kabilang bayan lang sila nakatira pero lagi kong tinatawag iyon na kabilang bundok dahil sa kagubatang pumapaligid dito. Malayo ang bahay nila sa bayan at nagmomotor sya pagpumapasok o pumapasyal sa amin.

            “Hindi bagay sayo maging komedyante”

 

            “Hindi ako nagpapatawa”

            Iyon ang isang bagay na hindi ko gagawin, hindi ako magaling magbiro o magpatawa pero ang manira ng saya at mang-asar pwede pa. KJ ako diba? Sa tingin ko tama lang talaga na paglalarawan sakin yon.

Under the Hidden Moon (Hating Gabi I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon