marked 06

39 3 0
                                    

"Pwede na kayo umuwi. Bye bye! Ingat!" Nakangiti akong kumaway sa mga Grade 8 students na naglalakad ngayon palabas ng studio.

Humakbang ng isa pabalik yung makulit na lalaki. "Ate, don't forget to drink your water!" Sabi niya at kumaripas ng takbo.

"Okay!"

Agad akong napaupo sa sahig habang nakasandal sa dingding. Katapat ko yung salamin so I could see myself through it. Damn tired. Pawis na pawis at hingal na hingal. Agad kong ginapang ang maliit na distansya ko at ng gym bag saka kinuha ang tumbler dito pati na rin ang towel. I went back to my place earlier while wiping my face and drinking my water.

"Hays, tagal naman ng mga yun," reklamo ko habang pasulyap-sulyap sa pintuan.

"Yo, Sad. Hey. Wake up."

Nagising ako dahil sa boses ni Vince na tumatawag sa akin. Wait. Nakatulog ako? Mabilis akong bumangon at tumingin sa paligid. Nasa dance studio pa rin ako at nasa harap ko si Vince.

Kumunot ang noo ko sa kaniya bago tumingin sa suot ko na wristwatch. 5:40 pm. Hala? Myghad? Di nga?

"Nasaan sila? Bakit ikaw lang?" Tanong ko kay Vince.

Umupo siya sa sahig at sumandal sa dingding gaya ng posisyon ko kanina habang inaayos ko ang sarili ko.

"Ewan e. Busy yata," he simply said.

I frowned while brushing my hair. "Huh? Diba may usapan tayo? Anong nangyari?"

Kahapon lang ay planado na 'to. Na susunduin nila ako dito sa studio tapos gagala kami. Anong nangyari?

"Anong oras na kaya, Sad," natatawa niyang sabi at pinaglaruan yung keychain ng phone ko.

"Kahit na," umirap ako. "Kahit naman nakatulog ako, kung willing talaga kayo na matuloy yon, matutuloy yon. Gigisingin niyo ako para matuloy yon pero ano? Wala nga sila dito."

"Wag ka na magalit, baby girl," he chuckled. Lalo akong nainis. Ayan na naman yang baby girl na yan. "Next time na lang daw. Promise daw yon."

"Whatever."

"Badtrip ang baby girl namin," asar niya pa.

Umupo ulit ako para ayusin ang sintas ng sapatos ko.

"Sobra, Vince. Sobra pa sa sobra. Dapat sinabi niyo agad para nagpasundo na lang ako kay manong. Di na sana ako naghintay dito."

He pinched my cheeks. "Sorry na nga daw."

"Why are you here pala? Di naman matutuloy diba?"

"Benj threatened me," I rolled my eyes because of what he said. Bago yun ah. Never naman 'tong nagpasindak sa kapatid ko. Wow. Himala. "Alam niya na maiinis ka kasi di tayo natuloy kaya pinasundo ka na lang sa akin bilang kapalit since ako lang ang may time."

"I heard bucket list buddy mo na daw si Theo?" Sabi niya nung pauwi na kami.

Tumango ako. Sakto na nag-ring ang phone ko kaya agad ko itong tinignan. "Speaking of." I told Vince.

Sinagot ko ang tawag ni Theo at sumandal sa upuan.

"I'm free. Ikaw ba?" Tanong niya bago ako nakarinig ng pag-start ng engine. Hindi pa man ako nakakasagot ay narinig ko na ang pag-andar ng sasakyan sa linya niya.

"Free din. Kaso maggagabi na," alanganing sabi ko. Tumingin ako sa langit sa labas at padilim na nga.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang naghihintay ng sasabihin niya. Teka, ba't ba ako kinakabahan? Parang timang lang.

markedWhere stories live. Discover now