marked 16

26 2 9
                                    

"HAPPY LEGALITY!"

Simon opened a bottle of whisky and they urged me to chug. Walang salita ko iyong ginawa. Halos mabingi ako sa ingay sa bar na sinamahan pa ng sigawan ng mga kasama ko. Pagkatapos ay hinatak nila ako sa dance floor at nakipagsiksikan sa mga sumasayaw doon.

It feels so good.

It feels so good to do things legally.

"Ey! Ey! Ey! Ey!"

Inabutan ako ni Mikee ng isang bote ng beer. Natawa ako at tinungga yon habang patuloy pa din sa pagsayaw. It's my first time tasting beer and whisky. Most of the times, gin lang na patago pa naming ginagawa. Wala pa kasi ako sa legal age kaya nadadamay sila.

"Sadie, tama na yan," Shena tried to stop me but I gave her a thumbs up. I don't even care if I get wasted for tonight, they're here naman. Besides, it's my birthday!

Patuloy lang ako sa pagtungga non nang may umagaw ng bote mula sa kamay ko. Inis kong tinignan si Blake na seryoso din ang tingin sa akin. He handed the bottle to Simon before wiping my lips with tissue.

"Papansin ka?" I glared at him.

"You're taking it too much," halos isigaw niya yon dahil napakaingay sa pwesto namin.

"Ano bang pakialam mo?" Masungit kong tanong at hinanap si Simon sa nga nagsasayaw. "Si, akin na!"

"Sadie, napaka-stubborn," hinila ako ni Blake at pinaupo sa cubicle namin.

Sumandal ako doon at pumikit. Jeez, nahihilo ako. My sight was swirling I don't know what to do. Pinakiramdaman ko ang sarili ko pero hindi naman ako nasusuka. Sobrang nahihilo talaga ako. I had too much of alcohol, I know.

Nagising ako sa palad na marahang tumatapik sa pisngi ko. Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at naramdaman ang sakit ng ulo. Nandoon pa din ako sa bar. Napakaingay!

"Dang, you are drunk."

Napalingon ako sa lalaking katabi ko. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko para siguruhin kung tama ba ang nakikita ko.

"Theo?"

"You are wasted as fuck," sabi niya at napatingin sa suot ko. "What the . . ."

Umayos ako ng upo at ngumiti sa kaniya. "Nandito ka."

"Imagination mo lang yan," umirap siya sa akin.

He handed me a bottle of water. Binili niya yata sa labas dahil wala namang ganto dito sa bar. Inubos ko yon sa isang tunggaan lang. Maya-maya ay medyo umayos ang pakiramdam ko.

Nasaan ang mga pinsan ko? Wala din si kuya. Kaming dalawa lang ni Theo ang nasa cubicle pati ang ilang mga gamit nila.

"Go fix yourself," inabot sa akin ni Theo ang itim kong purse at tinulak ako patayo.

"Dahan-dahan naman," reklamo ko. Ang sakit kaya sa paa ng heels!

Marahan niya akong tinutulak papunta sa restroom, hawak ang magkabilang balikat ko mula sa likod. Tamad naman akong lumalakad. Nakakaantok, ugh.

"Ba't ka ba kasi nagheels?" Natatawang tanong niya sa akin.

"Duh, alangan naman mag-sneakers ako dito."

Natawa ako bigla nang ma-imagine ko ang sarili wearing this outfit tapos naka-sneakers! LMAO. I will probably look a hiphop dancer or something! Worse, crazy.

Naiwan siya sa labas ng restroom at pumasok naman ako sa cubicle. I peed there before going outside. Humarap ako sa salamin at inayos ang sarili ko. Kinuha ko ang make-up na pinabaon sa akin ni Janella sa purse. I retouched my make-up maliban sa lipstick. Maayos pa naman yon kasi sabi ni Janella ay long-lasting daw iyon. I also re-curled my eyelashes. I slightly ran my fingers through my hair which was in soft curls.

markedWhere stories live. Discover now