marked 17

44 2 8
                                        

Kahit nagtataka ay sumunod pa din ako sa kaniya papasok ng hospital. His aura changed from being sunshine yellow to being uhm, inky-blue? I could feel the rapid beat of my heart that I felt like it would jump off my chest any moment by now. I have no idea what's going on.

"Jeez, kinakabahan ako." Hinawakan ko siya sa braso kaya napatigil din siya sa paglalakad.

Ilang beses akong huminga ng malalim habang nag-iisip ng possibilities. Fudge, nag-ooverthink tuloy ako.

"It's fine," he chuckled. I stiffened when he reached for my hand and held it as we continued walking.

Gosh, Lord.

Maya-maya ay huminto na siya sa paglalakad kaya huminto na din ako. Napahugot ako ng malalim na hininga nang huminto kami sa tapat ng ICU. I saw her lying down peacefully there. Lot of tubes connected to her body and lot of machines around her.

It was Sabrina.

"Omg," I whispered.

Kitang-kita ko mula sa salamin sa pagitan namin ang iilang pasa niya sa katawan. It looks like she was tortured to death.

I blinked twice. Thrice. Hindi pa rin makapaniwala sa nakikita. Nang hindi ko na nakayanang pagmasdan siya ay tumingin ako kay Theo. Tahimik lang siyang nakayuko sa kamay naming magkahawak. Lumingon ako sa paligid, napakatahimik, walang ibang tao bukod sa amin maliban sa iilang nurse at doktor na dumadaan at pumapasok sa mga rooms.

Niyaya ko siyang umupo sa waiting chair na katapat ng ICU. Napatulala ako doon, letting it to sink in. Bakit ganon? Anong nangyari?

"Anong nangyari?" Tanong ko.

"She's in coma," answered Theo.

I gasped. "Okay, what the f."

Gaano ba katagal ang coma? May possibility ba na hindi siya magising? Shucks, I hope not.

"Last night, we had a pool party to celebrate the victory, Sabrina came with me," pagkekwento niya. I was listening intently. "I had to leave. I left her with my teammates since I trust them. Alam ko na hindi nila pababayaan si Sab."

Wait, wait. Process, process. Okay.

"When I came back, she's gone," he bit his lower lip. "Sinugod na pala siya dito. Steve told me that right after I left, Bianca came."

Unti-unti ko nang nabubuo yung puzzle sa utak ko. Paano niya nagawa yon? She's a monster.

"They fought but since Sab's like a baby who doesn't know how to fight, Bianca got all the chance to hurt her. She drowned Sab until . . ."

"She did that?" I asked in disbelief.

Katanggap-tanggap pa sana yung ginawa niya sa akin dati e. I understood that it was because of jealousy that was worsen by her illness. Pero yung ganto na halos makapatay na siya ng tao? Her illness is not an acceptable excuse anymore.

Tahimik lang kaming nakaupo doon, parehas na malalim ang iniisip. Alam na ba to ng family niya? Anong magiging reaksyon nila? Is Bianca aware that she almost killed her? If yes, sana naman makonsensya siya. Ibang klase na lang talaga kung hindi.

I didn't realize that we were still holding hands until Steve arrived with two other guys. Agad ko iyong binawi bago mabilis na tumayo at humarap sa kanila.

Hindi magawang ngumiti ni Steve, marahil ay napalapit na din siya kay Sabrina kaya ganoon. Yung isang lalaki ay mukhang mahiyain, tumango at ngumiti siya ng tipid sa akin. Samantala yung isa ay mukha namang masungit. Ang sungit ng dating. Mukhang siya yung tao na bihira ngumiti.

markedWhere stories live. Discover now