Ang bagal ng oras.
Umahon ako sa pool at umupo sa tiles. Napakabagal ng oras, hindi nakakatuwa. Kanina ko pa hinihintay na matapos tong training namin para makauwi na ako agad. Pag nakauwi na ako, makakausap ko na si mama since free daw siya ngayong weekend. Pag nakausap ko na si mama, wala nang manggugulo sa isip ko. Pag wala nang manggugulo sa isip ko, pwede na akong matulog. Pag nakatulog na ako, kinabukasan, Sunday na. Pag sunday na, makikita ko na yung crush ko.
Hehe.
"15 minutes break!"
Lumapit sa akin si Simon at inabutan ako ng towel. Ngumiti ako at nagpasalamat.
"Ang lalim niyan, ah?" Sabi niya at umupo sa tabi ko. Parehas na nakababad ang mga paa namin sa pool.
Natawa ako. "Ng pool? Ah, oo. Pero keri naman——"
"Ng iniisip mo, loka." He corrected me.
Tumingin ako sa kaniya. "Huh? Nasisid mo?" Biro ko.
Pinitik niya ang noo ko kaya napasimangot ako. Ikinatutuwa ba ng mga lalaki ang pagpitik sa noo naming mga babae, ha? Ang sakit kaya.
"Mula nung umahon ka, nakatulala ka lang diyan sa tubig." Ani Simon.
I giggled. "Wala, excited lang ako para bukas."
"Kasi?" Tumaas pareho ang kilay niya, naghihintay ng kasunod kong sasabihin.
Lalo akong napangiti. "Kasi makikita ko na yung crush ko!"
"Wow, may crush ka na pala?" Pang-aasar niya. "That's news, Sadie."
Umirap ako at umiling sa kaniya.
"Grabe to. May crush naman na ako dati, ah! Si . . ." Napaisip ako. Sino nga bang crush ko dati? "Aah! Si Blake, yung captain ng varsity, naaalala mo?"
"Sino ba bago mong crush?" Natatawa niyang tanong. Ayon kasi sa pananaw ng mokong na to, ang mga crush ay para lang sa bata. So bata ako? Baby? Baby ni Theo? Joke.
"Si Theo! Sino pa ba?" Nakangiting sagot ko.
He smiled a little. "Nice."
Tumayo naman ako at nakaramdam ng gutom. "Tara don! Kain tayo."
Sabay kaming pumunta doon sa lamesa na punong-puno ng foods. Nandoon din ang mga kasamahan namin na faci at nag-eenjoy sa pagkain. Halos masamid ako sa kinakain nang makita si Blake na nakatingin sa akin.
Nandito din siya?!
Naiilang akong ngumiti bago nag-iwas ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. Jeez, ang gwapo niya talaga.
Ibinaling ko sa phone ang atensyon nang may maisip akong kagagahan. Magpapapansin ako sa crush ko. I took a photo of what I was eating. Background noon ay si Blake na naka-black na sleeveless pero naka-focus mismo sa food yung camera. Di ko intensyon na isama siya sa picture pero dahil nandoon na, go na lang.
Sadie:
Sent a photo
Share ko lang heheTatawa-tawa kong ibinaba ang phone ko at nakipagkwentuhan na lang kay Simon. Five minutes siguro ang nakalipas nang magreply si Ophi.
Theo:
YumNapatingin sa akin si Simon at yung ibang kasama namin nang natawa ako ng malakas. Nag-peace sign ako sa kanila at nag-type ng reply matapos ang tatlong minuto. Baka kasi isipin niya na atat ako sa kaniya kahit totoo naman. Joke.
Sadie:
Lol what time bukas?Theo:
Excited?Theo:
Miss me?
YOU ARE READING
marked
Teen Fictionsadie, a girl who's been in love with cute things once needed a 'bucket list buddy' who will accompany her for accomplishing her list. and then she met theo, a womanizer. 𝚂𝚝𝚊𝚛𝚝𝚎𝚍: 04062020 𝙵𝚒𝚗𝚒𝚜𝚑𝚎𝚍: xx xx xxxx 𝙻𝚊𝚗𝚐𝚞𝚊𝚐𝚎: Tagalo...