marked 12

24 2 4
                                    

"When will we do those sea activities in your bucket list?"

Humarap ako kay Ophi at ipinatong ang kanang braso ko sa railings. Hmm, kailan nga ba? Pwede naman every after class kaso ang hassle. Taga-Pasay pa siya. Buti sana kung dito lang rin siya somewhere in Cavite.

"I don't know either," I answered. "Still dating Sabrina?" I brought up the topic.

"Selos ka naman?" Tawa niya pa.

"Hindi, kahit slight, hindi," sambit ko at pumangalumbaba habang nakatingin sa kaniya.

"Sus," he teased.

After a few more moment, umakyat ulit kami sa bubong ng sasakyan niya at doon kumain ng mga binili niya kanina. Seryoso siya habang kumakain at ganoon din ako. Umiinom siya ng juice nang maisipan kong asarin siya.

I tilted my head while staring at his face with my serious one. Tumaas ang kilay niya sa akin at nagpatuloy sa pag-inom.

"I just realized . . ." I halted and made my face more serious. "I just realized, you're actually hot."

Muntik na siyang masamid sa sinabi kong yon. Pinigilan ko naman ang sarili ko na matawa. Well, may justice naman yong reaksyon niya. I never compliment him. Sa isip ko, oo, lagi pa nga. Pero yung i-voice out loud ko yon, parang napakabago sa kaniya.

"Freak," he mumbled. Inilapag niya yung can at nagpunas ng labi.

Hindi ko na napigilan ang tawa ko. "Why? Is it the first time someone tell you that?"

Ngumiti siya bigla ng nakakaasar. "Countless times, miss. Countless."

Psh, edi ikaw na.

"I love it here," I said after a long silence. Tumingin naman siya sa akin. "Pero dito lang tayo? Sayang naman outfit ko."

Natawa naman siya. Hindi pa naman madilim, pwede pang gumala. Nang matapos kami kumain, pumunta kaming Manila Bay at naglakad-lakad doon. Bumibili din kami ng streetfoods habang nagkekwentuhan.

"Anong future profession mo?" Tanong ko sa kaniya.

Sumubo muna siya ng kwek-kwek bago nagsalita. "I'm taking Law right now. Pag graduate, I'll go to Law school."

"Future lawyer ka pala," I remarked, he nodded. "Galing mo."

"I know," proud na sagot niya.

When I was still a kid, I dreamt of being a lawyer but as I grow up, I found myself not being good in public speaking. There were times like first day ko sa JHS, pinag introduce-yourself kami sa harap isa-isa, utal-utal ako non at halos maihi sa palda ko. That embarrassing moment! Tapos everytime na may reporting, halos hindi na ako makahinga sa sobrang atensyon na nakukuha ko.

Thankfully, nag-improve din naman ako habang lumalaki. May confidence na ako at hindi na ganoon kakabado pag nagpupublic speaking.

"How did you passed UPCAT?" Tanong ko bigla.

Huminto kami sa paglalakad at umupo kasama ng ibang mga tao doon.

"It's not that difficult, it's not that easy either," panimula niya.

Kahit ganto to si Theo ay naniniwala akong hindi basta-basta ang utak niya. Imagine him passing UPCAT and taking Law? Hmm. Pero hindi ko din ma-imagine na nagseseryoso talaga siya sa pag-aaral. Yung tipong nagbabasa ng notes pag-uwi, tahimik at nakikinig ng mabuti sa prof, nagpapasa lahat ng ipapagawa. Parang . . . Parang hindi siya.

Babae nga hindi niya sineseryoso, pag-aaral pa kaya? Char.

"Actually, UPCAT is fairly basic, just stick to your highschool notes." Advice niya pa. Tumango-tango naman ako. Noted! "Why? Are you planning to study in UP?"

markedWhere stories live. Discover now