"Ya, alis na po ako——Simon?!"
Agad akong napatakbo pababa ng hagdan nang makita si Simon na nakaupo doon sa sala. Tumayo naman siya at sinalubong ako ng nag-aalala niyang mga mata. Anong ginagawa niya dito? Wala namang pasok ah? Saka kahit may pasok ay bihira naman siyang pumunta dito.
Nang makalapit ako sa kaniya ay ang saktong pagpasok ni Vince sa main door. Teka, anong nangyayari?
"Sadie, are you okay?" Simon asked. Umupo kami sa couch.
My eyebrows rose. Magsasalita na sana ako pero naunahan na ako ni Vince na mukhang naguguluhan.
"We've heard——no scratch it. We've read the article." He seems so problematic. "That you and Theo are both involved. It says uh what is that again? Aah, Theo spotted with——"
Napayuko agad ako at nagsalita. "Hindi naman yun totoo."
"I know," replied Vince. "But don't worry, we'll fix this."
Nag-angat ako ng tingin sa kanila. "Paano?"
"A cousin of mine," sabi ni Simon at ngumiti. Tumayo na sila ni Vince at ginulo ang buhok ko. "We're leaving. Aayusin agad namin ito and wherever you are going, wag kang mag-alala, hindi ito magiging cause ng public embarrassment mo."
Ngumiti ako. Nahalata niya siguro sa suot ko na may pupuntahan ako. "Thank you, thank you, Simon and Vince! Sige, go na! Ingat!"
Nang makaalis sila ay nagpahatid na ako kay manong sa bayan kung saan kami magkikita ni Theo. Alas siete pa lang ng umaga ay may lakad agad kami. Bucket list related pa rin naman ito. Di ko nga alam kung nabo-bore at nakokornihan siya sa pinaggagagawa namin dahil parang di naman siya yung tipo ng tao na may cheesiness sa katawan o yung maga-accomplish ng isang bucket list or whatever pero dahil inoffer niya ito, wala akong pakialam.
While on the way, I couldn't help but to smile. Sila Simon and Vince. I'm so lucky to have them. Come to think of it, hindi pa ako nanghihingi ng tulong sa kanila about doon sa problemang yon pero nandiyan agad sila to the rescue. One call away isn't the term for them. They're more than that.
"Miss Sadie, ipinapatanong po ng mother niyo kung saan kayo pupunta. Ibinilin niya po yon sa akin," tanong ni manong nang makarating kami sa bayan.
Theo once offered me to just pick me up at home whenever we are going somewhere but I refused it. Sobra naman na yon. Kahit naman in-offer niya sa akin na maging bucket list buddy ko siya ay sa tingin ko sobrang-sobra na kapag sinundo niya pa ako sa bahay thinking na galing pa siya sa Pasay.
"Sa Shangri-La po." I answered politely. Tinuro ko yung sasakyan ni Theo sa harap namin. "Kasama ko po yun, si Theo. Kaibigan ko po," sinabi ko na din kung sino kasama ko. I don't want to lie (even though not telling something is not already lying, still) . I'll tell the truth as much as I can. I'm not fond of lying. Ang bigat sa pakiramdam.
Kita ko naman ang pagkagulat ni manong. Eh? "Si Theo Fournier ba yan, hija?"
Nagtataka man ay tumango ako. Kilala niya si Theo? Kilala niya din si Theo? Aba naman. Hindi lang pala ang younger generation ang nakakakilala sa lalaking yon. Pati si manong ah. Sa susunod ay di na ako magtataka kung pati ang mga nakatatandang maids sa bahay ay kilala din siya. Wow. Ibang klase.
"Ay, idolo namin yan ng mga anak ko! Lagi kaming nakasubaybay kapag may laban sila ng team niya!" Natutuwang aniya.
Kumunot lalo ang noo ko. "Nakasubaybay po?"
"Oo, sa telebisyon!"
"T-Telebisyon po?" I stuttered. ""As in TV?"
"Opo, Miss Sadie! Napakagaling ng batang yan! Hindi ko po alam na malapit po pala kayo sa kaniya." Ngiting-ngiting sambit ni manong.
YOU ARE READING
marked
Teen Fictionsadie, a girl who's been in love with cute things once needed a 'bucket list buddy' who will accompany her for accomplishing her list. and then she met theo, a womanizer. 𝚂𝚝𝚊𝚛𝚝𝚎𝚍: 04062020 𝙵𝚒𝚗𝚒𝚜𝚑𝚎𝚍: xx xx xxxx 𝙻𝚊𝚗𝚐𝚞𝚊𝚐𝚎: Tagalo...