marked 05

48 3 4
                                    

"Good evening——"

Dire-diretso akong naglakad paakyat sa kwarto ko at hindi pinansin ang mga maids na bumabati. Kita ko ang pagtataka sa itsura nila nang makita ang itsura ko. Wearing an oversized tee shirt and looking like a shit.

I immediately went to my bathroom and took a shower. I looked at myself through the mirror. Umaagos ang tubig na mula sa shower sa mukha ko. Kitang-kita ang bruise sa aking pisngi. I tried touching it but it just caused me to wince . Ang sakit. Ikaw ba naman sampalin ng dalawang beses?

After one hour, natapos na din akong maligo. Ginamot ko yung pasa sa pisngi ko at ilang beses akong napapangiwi kapag nadidiinan ko. Jeez. Ang sakit talaga.

Humiga na ako at matutulog na sana nang biglang mag-ring ang phone ko. Tinignan ko ito and I saw an unregistered number on the caller ID. I answered it anyway but I didn't speak.

"I'm sorry."

Natigilan ako. Pamilyar yung boses.

"I think I know how to please you."

Hindi pa rin ako nagsasalita. I heard him clicking his tongue.

"I have your notebook."

What the f?! I immediately get up from bed and checked my bag without ending the call. And holy shit. Wala yung notebook ko! Yung notebook ko kung saan nakasulat yung bucket list ko, yung diary ko, information about me, lahat-lahat nandoon. Damn.

"I can be your bucket list buddy, Sadie. That's all I could offer."

Pinatay ko ang tawag. How could he get my notebook?

***

Tatanggapin ko nga ba ang offer niya? Matagal na akong naghahanap non e. Nandito na. All I have to do is to grab it. Pero hindi joke lang yung nangyari. Nasaktan ako. Sobra.

"Sadie, girl!" I saw Alexis approaching me. Umupo siya sa tabi ko at tumitig sa akin. "What happened to your cheeks? Ba't may bruise? Sinaktan ka ba ng Megan na yon?"

Tumawa ako at umiling. Inilapat ko ang ice bag sa pisngi ko at napangiwi sa sakit. "No, Megan's a nice girl. Di ko kilala sumampal sa akin e."

"What? Pwede ba yon?" Bigla namang sumulpot sa kabila ko si Shena.

"Oo naman. Nangyari nga sa akin."

"Tell us what happened. Kung hindi si Megan, imposible namang si Simon, right?" Napaisip si Alexis sa sarili niyang tanong at nagkatinginan pa sila ni Shena saka kumunot ang noo.

So there, I told them what happened yesterday. Nung sa part na kasama ko si Theo, kilig na kilig sila ta's nung doon na sa may sumugod sa akin, galit na galit. Gustong-gusto nila na hanapin kung sino daw yung 'bruha'——as what they addressed the girl.

"Baka girlfriend ni Theo ta's iniisip niya na uh, Theo's cheating on her. Hayaan niyo na," sabi ko at ibinalik ang tingin sa pinapanood ko kaninang mga nagpa-practice ng sayaw. Galing!

"No," maarteng wika ni Alexis. Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay sigurado ako na umiirap siya. "As far as I know, Sadie couz, walang girlfriend si Theo. Finofollow ko kaya siya sa lahat ng social media accounts niya. Duh."

"Same here," agreed Shena.

Napangiti ako nang makitang sabay-sabay ang galaw ng mga nagpa-practice. Perfect.

I shrugged without removing my eyes on the dancers. "Maybe lowkey."

"Pero kahit na!" Shena stomped. "She has no rights to hurt you! Dapat lumaban ka kasi!"

markedWhere stories live. Discover now